CHAPTER 9

49 1 0
                                    


"Makipaghiwalay kana kay Theo!" I shout at Calantha,inis niya akong tiningnan.

"No! Kahit anong gawin mo ay hindi ako aalis sa tabi niya." Napangisi ako sa sinabi niya.

"Ilang beses na kitang pinilit pero napakatigas ng ulo mo,Hindi ka talaga nakinig saakin.Susuko at susuko ka parin." Iniwan ko siyang tulala doon,pumasok ako sa kotse ko.

Nasa backseat naman ang mga taong inutusan ko para gawing miserable ang buhay niya.

"Kamusta boss?" Tanong ni Jimmy,Isa siya sa may gusto saakin.Well I take advantage on him.

"Wala pa din."

"Ano pong gusto niyong gawin namin?"

"Nakikita niyo 'tong batang 'to?" Ibinigay ko sa kanila iyong picture nung bunsong kapatid ni Calantha.

"Bakit ho anong gagawin namin dito?"

"Gusto kong maranasan niya ang mabully,balita ko ay matalino iyan.Gusto kong ibully iyan,Alam kong Isa sa kahinaan ni Calantha iyan.At eto pa,iyong bill ng tubig at kuryente nila ay nais kong taasan niyo.Iyong aabot sa thousand upang matauhan si Calantha."

"Masusunod ho."

"May Isa pa nga pala,iyong convenience store na pinagtatrabahuhan ni Calantha nais kong paalisin niyo siya doon."

"Pero m-mukhang g-grabe n-"

"Susunod ka o susunod ka?!" Tiningnan ko iyong Tom na kasamahan nila.

"S-susunod ho."

"Jimmy,bakit naman ganiyan iyong kinuha mong tao? Magaling ba iyan?!" Siniko naman siya ni Jimmy na ikinairap ko.

"O-oo naman,pagsasabihan ko lang 'to mamaya." Tumango ako.

"Sige na,umalis na kayo.Pagkatapos nito ay ibibigay ko ang pinag-usapan natin."

"Sige, maraming salamat." Lumabas na agad sila sa kotse, napangiti naman ako sa kawalan.Tiyak na mapapasaakin ka din Theo.

"Boss tapos na." sambit ni Jimmy,nandito kami sa kotse ko.Ilang araw na din mula nung inutusan ko sila,mabuti nalang ay nagawa nila.

"Mabuti naman,tulad ng pinangako ko.Oh hati-hatian niyo iyan." Inabot ko kay Jimmy iyon.

"Salamat." Tumango ako at sinenyasan silang umalis na.

Ilang araw na din mula nung mangyari iyon,pumunta saakin si Calantha na parang pulubi.Naiiyak niya akong tiningnan.

"Halimaw ka!" Nagsimula siyang humikbi sa harap ko,nginisihan ko siya.

"I already told you,gagawin ko ang lahat mapasaakin lang si Theo."

"Tangina mo! Napakasama mo! Talagang dinamay mo pa ang kapatid ko."

"Ano makikipagbreak ka na ba kay Theo?" Natigilan siya doon at nagsimula ng humikbi,ilang minuto pa siyang umiiyak doon.Yamot na yamot akong nakatingin sa kaniya.

I AM THE VILLAINOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz