Punyemas.

Zymon Salazar:

sige salamat na lang sa lahat. pain, pighati, lumbay, hinagpis, kirot, sakit, pagtangis, iyak, lungkot, siphayo, dalamhati☹️☹️

Napahawak na ako sa tiyan ko nang mabasa ng bago niyang chat. This guy.

Gago.

Naiinis ako sa kaniya pero bigla atang nagbago ang ihip ng hangin.

Nailah Romero:

Wtf? Nalingat lang ako sandali kung ano ano na pinagc-chat mo diyan.

Zymon Salazar:

rupok ko naman, sabi ko tatagalan ko pag reply para fair😩

Umiling ako at agad na nagtipa.

Nailah Romero:

Gago. HAHAHAHA

Zymon Salazar:

baliw na ata ako, naririnig ko mura mo😵

Napatingin ako sa labas nang makarinig ng busina. Nandiyan na sila mommy. Lumabas ang dalawang maid para salubongin sila mom.

Nailah Romero:

Sige na, bye. Nandito na sila mom.

Hindi ko na hinihintay pa ang kaniyang reply at agad na in-off ang wifi sa cellphone ko.

Tinago ko ang cellphone sa bulsa dahil baka magalit na naman si dad kapag nakita niyang hawak ko ang cellphone ko.

Tumayo ako at naglakad papuntang pintuan para salubongin sila mom. Nakita ko ang salubong na kilay ni mommy habang si dad naman ay wala din sa mood. Nag-away ba sila?

“Hey dear, how’s school?” Tanong ni mom sa akin.

Mom changed her mood when she gazed at me. Kung kanina ay magkadugtong kaniyang kilay ngayon ay nakangiti na ito sa akin.

“Okay lang po mom,” nakangiti kong saad.

Naupo si mom sa sofa at gano’n din ang ginawa ko. Samantalang nakatayo si daddy at tinitingnan ang ginagawa ni mom.

Ano kayang pinag-awayan nila?

“May bagong university sa kabilang city, gusto mo bang lumipat doon Naih?” My eyes widened when I heard that from my dad.

Mag mi-midterm pa lang kami next month pero gusto na niya akong ilipat ng school. Bakit?

I saw my mom rolled her eyes and looked at my dad. Pansin kong hindi sila okay nitong mga nakaraang araw pero ipinagsawalang bahala ko na iyon. Masyado akong stress sa pag-aaral gusto kong makakuha ng latin honors.

“Alfred? What are you saying? Nasa first year college pa lang ang anak mo at iniisip mo na agad na lumipat siya sa ibang school,” saad ni mommy at uminom sa basong may wine.

“I’m just asking your daughter, Lenny,” sabi naman ni dad.

Nasa hapag kami pero kung mag usap sila ay parang hindi kami kumakain ng dinner. Ano bang problema nila?

All for Love (Salazar Series #1) ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon