[01] Mokong na hinayupak/Hinayupak na mokong

Magsimula sa umpisa
                                    

"No! Get off of my car! I don't know you, and I don't trust you." Sabi ko sabay on ng kotse ko. Naghihintay nalang ako na bumaba sya.

"Please...I am badly needed your help." Is she begging now? Bakit ba kasi hindi ko na lang sya tulungan? Sa ganda nga naman nya, bakit hindi ko pa sya pagkatiwalaan? Pero malay ko bang membro pala ang babaeng 'to ng budol-budol gang? HAAAA? I don't think so.

Nag ring ulit iyong phone ko.

Shet! Nakalimutan ko ang emergency meeting. Sinagot ko na agad ang tawag.

["Sir, malayo pa po ba kayo?"]

"May nangyari lang. But I'm on my way." Pina-andar ko na ang kotse ko at umalis na ako ng parking lot.

Binilisan ko pa lalo ang pag da-drive ko ng biglang may nagsalita.

"Pwedeng...dahan-dahan naman sa pag da-drive? Baka ma bangga tayo."

"Shit! Fuck!" Nakalimutan ko ang babaeng 'to. ANAK NG! "Andito ka pa?"

"Ay! TANGA?! Kanina pa po." Hindi ko sya magawang tingnan dahil tinuon ko ang atensyon ko sa pag da-drive.

"Diba pina-alis na kita kanina pa? Bakit hindi ka pa bumaba kanina? Ayan tuloy! Masyado mo na akong inaabala." Inis na sabi ko sabay tapak ng break. Muntik pa syang masubsob sa windshield. UNEXPECTED kasi ang pag hinto ko.

"ARAY! Aray! Grabe ka naman. Pwedeng mag-signal ka naman? Muntik mo na akong masubsob don ah!" Inis nyang sabi. Mas inis ako, babae ka!

"ALIS! BABA! GET OFF! Arrrg! Basta, bumaba ka na sa kotse ko. Nagmamadali ako, bata kaya please lang. Labas na!" Hindi ko na mapigilang mapasigaw. Kasi naman, natataranta na ako.

"HOY! Wag mo 'kong sigawan!!! Maka-sigaw ka lang sa'kin? And for your information, I'm already seventeen! HINDI NA AKO BATA!" Sumigaw na rin sya. AYYYY! Kapag minamalas ka nga naman. She's really troublesome!

"PLEASE...MISS! BABA NA!!!" Nanlaki ang mga mata nya ng makitang sumigaw na ako ng malakas. Mabilis na bumaba sya at pinaharurot ko na ang kotse ko.

Napatingin ako sa side mirror ng kotse ko. Nakatayo pa rin sya sa gilid ng daan pero todo naman sa kaway ng kamay nya. Ang layo ko na para magtawag ka pa sa'kin. Tumawag ka na nga lang ng taxi. And get lost!

Pero...teka...bakit parang na ge-guilty ako? Tsk! Babae pa rin sya. Dapat hindi ko sya ginanon. Pinalaki ako ng Lola ko na may galang lalo na sa mga babae. Pero sa ginawa ko parang hindi ko sya rinespeto don. TSK! Kung kasama ko lang si Granny, siguradong nabatukan na ako.

Mabuti nalang at wala sya.

Speaking of my Granny, sigurado akong makukutusan ako mamaya kapag nalaman nyang hindi ako ang sumundo kay future misis ko. Sana man lang hindi talaga nya malaman. Pagkatapos ng emergency meeting, pupunta na agad ako sa condo ko. Para makita ko na rin ang BRIANNAH ALEXANDREA C. MONTENEGRO na yan. Nice name, pero I sense something about her. Hindi ko nga lang alam kong ano 'yon.

Pero...'yong babaeng pinalabas ko ng kotse ko. Nakasakay na kaya sya? Sa highway ko pa naman sya binaba, tsk. Sana nga makasakay na sya.

---

YANNA'S POV

"PARA PARA!" Thank God, nakasakay ako agad. "Kuya, paki-sundan naman po ang lalaking 'yon oh!" Sabay turo ko sa kotse ng mokong na hinayupak na yon! Sigawan ba naman ako? At dahil sa takot ko, napalabas tuloy ako ng wala sa oras. High way pa naman to. Mabuti na nga lang at sinwerte pa rin ako. MAY TAXING PARA TALAGA SA'KIN SA ARAW NA TO!

ALCANTARA'S COMPANY

Anong ginagawa nya sa kompanyang 'to? Dito ba sya nagta-trabaho? Bata pa nya para mag trabaho sa kompanyang 'to. Baka naman anak ng may ari kaya naka-pasok agad. Siguro nga.

"Ma'am, hindi ka pa po ba, bababa?" Napalingon ako kay Kuya Driver.

"Uhmm.. Pwede po bang hintayin po muna nating lumabas 'yong sinusundan na'tin?" Kumunot ang noo nya sa sinabi ko. "Babayaran ko po kayo, wag kayong mag-alala." Sabay ngiti ko. Pagkamalan pa ata akong pulubi neto eh.

"Ma'am, baka po...." Hindi nya naituloy ang sasabihin nya.

"Don't worry, Kuya. I'm not a criminal. Uhm.. 'Yong lalaking sinusundan po natin, b-boyfriend ko po 'yon. Malapit na po kaming ikasal, pero I sense something in my boyfriend. Feel ko po...pinagtataksilan nya ako." Mangiyak-ngiyak ko pang sabi. Ganyan nga, YANNAH! Arte pa!

"Gano'n po ba? Kawawa ka naman, hija. Sige, hihintayin natin sya."

"Salamat po." Nagpahid pa ako ng luha. HALEER! Wala namang lumabas. OA lang. Di bale na nga, kumagat naman si Kuya ehh!

Ilang minuto rin kaming naghintay do'n sa hinayupak ng mokong na 'yon. I mean, mokong na hinayupak na 'yon! ARRRRRRG! Pareho lang naman 'yon eh!

"Kuya! AYON! Lumabas na sya. Sundan na po natin." Sabi ko agad kay Kuya Driver sabay tapik ng balikat nya. Kaya ayon! Sinundan na namin si mokong na hinayupak. Kung hindi lang dahil na iwan ko sa kotse nya ang maleta ko, de sana, hindi ko na sya sinundan pa. Pero hindi nga 'yon ang nangyari, kaya kailangan ko syang sundan!

Pagkababa ng mokong na 'yon, bumababa na rin ako sabay bigay ng pera kay maanong. Debale ng five thousand ang binayad ko, nagtiis rin naman si Kuya Driver eh. Mabuti nalang talaga at pati hand bag ko, hindi ko naiwan. Kung nagkataon, naglakad-lakad na ako sa daan ngayon.

AT TALAGANG HINDI AKO UUWI!


Fated To Love YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon