[02] Uso sigawan?!

20.9K 266 8
                                    

[A/N: Dahil wala pang nag papa-dedic, sa mga kakilala ko na lng muna e dedicate. HEHEHE :"> VOTE, COMMENT or be my FAN, masisiyahan po talaga ako nyan.]

CHAPTER TWO

SHIN'S POV

Dali-dali akong naglakad papuntang condo ko. Bakit ba ako nagmamadali? Dahil ba excited ako? Excited...na makita si Brianna Alexandrea C. Montenegro? HINDI! Nagmamadali ako dahil siguradong nagtataka na si Granny kung bakit hindi pa kami nakarating doon.

Pagpasok ko ng kwarto...walang tao maliban sa'kin. Asan sila? Tsk! Wag nyong sabihing tinakas nya ang magiging asawa ko?

*Dialing Harrold's number*

....

["Shin! Kanina pa kita tinatawagan, pero hindi mo naman ako sinasagot."] Bungad ni Harrold sa'kin. Nalayo ko tuloy 'yong phone sa taenga ko.

"Pasensya na, naiwan ko kasi kanina sa kotse ko. Sa'n ka na ba? Bakit wala pa kayo rito?"

["Yon na nga eh! Wala si Brianna Alexandrea C. Montenegro dito!"] WALA?! PAKSHET! nakalimutan ko ang sinabi ni Granny, na hindi basta-basta ma co-corner 'yon. Tangna! Dapat hindi na sana ako umalis.

"Natanong mo na ba sa front desk?"

["Oo. At ang sabi sakay nga sya ng eroplano at nakarating na sya ng maynila. Mukhang natakasan tayo."] Ba't ba sya natataranta? Natataranta na rin tuloy ako.

"Okay. Pupuntahan kita dyan, hintayin mo ko. Itaas mo lang 'yang hawak mong board, baka andyan pa sya." Utos ko pa. Na I'm sure nakataas pa rin 'yong kamay nya.

Pagkababa ko ng phone palabas na sana ako ng condo ko ng biglang tumunog ang phone ko. Si Granny, tumatawag. Patay!

"Granny..." Lunok laway.

["Apo! Asan na kayo? kanina ko pa kayo hinihintay."]

"Ahh.. Yeah. Papunta na kami dyan."

["Oh?! Talaga? Sige, maghihintay ako. Excited na ako."] Halata naman sa boses.

Binaba ko na ang phone at patakbo pa akong lumabas ng condo ko. Ni hindi ko maalala kong nasara ko ba ang pinto. Dibale na nga lang.

Pagdating ko sa airport nakita ko si Harrold na hawak-hawak pa rin ang board at nakataas pa rin. Natawa na lang ako.

"Halika na! Kailangan na natin umuwi." Sabi ko kay Harrold.

Dahil fast forward to, nasa tapat na kami ng bahay namin. Kung nagtataka kayo kung bakit may condo ako,well, kapag di ko gusto ang umuwi sa bahay sa condo ko ako naglalagi.

"Shin!" Salubong sa'kin ni Granny. "Where is she?" Napansin kaagad nyang kami lang dalawa ni Harrold. Eh syempre, si Brianna nga ang hinihintay nito diba? Sya rin ang eni-expect ni Granny na makita.

Kaya ayon, dinala ko muna sya sa sala at pina-upo sa sofa. At don na ako nag explain. Di ko na e-state baka umabot pa ng bukas. Ma boring na.

"WHAT?!" Napakislot si Harrold ng biglang nag WHAT si Granny.


"Pasensya na po kayo Granny." Hinging paumanhin ko.


"Di ba sabi ko, no matter what happened kailangan ikaw mismo ang maghihintay sa kanya sa airport. And no matter what happened, kailangang kasama mo syang umuwi rito!" Medyo na gulantang ako ng sinigawan ako ni Granny. Never pa akong natalakan nito, kaya hindi ko na paghandaan.

"Pasensya na po." Gano'n ba ka halaga sa kanya si Brianna Alexandrea, at pati apo nya nagawa na nyang sigawan? "Siguro naman po tatawag 'yon sa Mommy at Daddy nya, makibalita nalang po tayo." Mahinahon kong sabi.

Fated To Love YouOnde histórias criam vida. Descubra agora