Special Chapter

446 3 2
                                    

KC's POV.

Mabigat ang talukap ng mata ko nang magising ako. Humiga kasi sa dibdib ko si Louella kaya naman nagising ako bigla. Chineck ko ang oras at alas-otso na ng umaga.

Isang taon na pala ang nakalipas noong mamatay si Maisie mula sa sakit na leukemia. Pero hanggang ngayon ay hirap pa rin akong umahon, sa tuwing napapaisip ako gabi-gabi ay bigla na lang akong iiyak. Mabuti at linggo ngayon dahil kung nagkataon na may pasok ay paga ang mata kong magtratrabaho.

Pagkatapos kong maghilamos ay bumaba ako para magtimpla ng kape. Sobrang tahimik ng bahay kaya akala mo'y walang nakatira. Umiingay lang ang bahay kapag may bisita akong nagpupunta, tulad nila Crissanta. Kinukumusta ako ng mga taong nagmamalasakit at taong nagmamahal sa'min ni Maisie.

Kahit na umiiyak ako gabi-gabi ay hindi ko naman pinababayaan ang sarili ko tulad ng inihabilin ni Maisie. Ayokong ma-disappoint siya sa'kin, at ayoko na ring sirain pa ang buhay ko.

Naupo ako sa silya at inilapag ang isang tasa ng mainit na kape sa lamesa. Napabuntong hininga ako at inilibot ang paningin sa paligid. Ang lungkot tignan ng bahay, walang kabuhay-buhay. Mag-isa lang din naman ako rito at kasama ang isang pusa. Mabuti nga't walang nakikibahay na ligaw na kaluluwa.

Meow~

Napangiti ako nang ikiskis ni Louella ang katawan niya sa binti ko. Binuhat ko siya at inilapag sa hita ko. Siya na lang ang naiwan sa'kin, and I'm so glad dahil dumating siya sa buhay namin ni Maisie. Kahit papa'no ay nagkaroon kami ng itinuturing na anak.

"Malapit na pala yung wedding anniversary namin ng Mommy Maisie mo," hinaplos ko ang malambot niyang balahibo, gustong-gusto niya yung ganito dahil nakakatulog siya. "Ilang araw na lang ang bibilangin, at dadalawin natin siya sa araw na 'yon."

Meow~

Tinitigan ko siya dahil nakatingin siya sa may kitchen counter; at maya-maya ay muli nanamang nag-meow habang nakatingin pa rin doon.

"Anong tinitignan mo, baby, hmm?"

Meow~

Napailing na lang ako at humigop sa kape. Lumalamig na kasi.

Lumipas ang araw, maaga akong naghanda para dumalaw sa puntod ni Maisie; wedding anniversary na kasi namin ngayon. Inilagay ko sa cage si Louella dahil isasama ko siya, pagkatapos ay ini-lock ko muna ang buong bahay bago sumakay sa kotse at nag-drive papunta sa flower shop para bumili ng bulaklak.

Bitbit ko ang kulungan ni Louella habang tinatahak ang daan patungo sa puntod ni Maisie. Napangiti ako nang tuluyan itong makita; inilapag ko ang kulungan ni Louella sa tabi ko at nilinis ang puntod ni Maisie.

R.I.P
Maisie A. Villamedez
Born: November 20, 19**
Died: October 12, 20**

Inilapag ko ang bouquet sa gilid ng puntod niya at sinindihan ang dalawang kandila.

"Happy wedding anniversary, babe." nakangiting wika ko habang hinahaplos ang pangalan niyang nakaukit sa lapida. "Dalawang anniversary na yung na-miss mo," I said chuckling.

Nilingon ko si Louella, "By the way, I brought Louella with me today 'cause it's our special day. At alam ko rin naman na nami-miss mo na siya."

Meow~

Bahagya akong ngumiti, "How are you?" bumuntong hininga ako. "I'm sorry if I can't help but to cry every night,"

"I just... I-I just missing you so much, babe." gumilid ang luha sa mga mata ko, hindi pa nga humuhupa ang paga dahil sa pag-iyak ko kagabi ay iiyak nanaman ako ngayon.

Till Death do us Part [Girls' Love Series #4] Where stories live. Discover now