17

160 3 0
                                    

KC's POV.

Sa Canada namin napiling ikasal ni Maisie. Tinulungan kami ni Mommy Demi at Mommy Rosana, pero siyempre tumulong din naman ang pamilya ni Maisie lalo na si Ate Selene. At pinili na rin namin ang garden wedding para mas maganda ang set up dahil sa mga halaman at bulaklak.

Maaga palang ay nagising na ko, naghatid ng almusal sa kuwarto ko at kanina pa ko hindi mapakali dahil sa excitement na nararamdaman ko. Nang makapagmuni-muni na ko ay nagdesisyon na kong maligo, dahil anytime ay pupunta na rito ang mga mag-aayos sa'kin.

Lumipas ang ilang oras at natapos na rin ang pag-aayos nila sa'kin. Isinuot ko na ang gown at hindi kataasang heels. Tig-isang kuwarto kami ni Maisie at ganoon din ang wedding parties, pero hiwalay ang boys sa girls. May mga naka-assign din na mag-aayos sa kanila katulad sa'min ni Maisie.

"Honey? Are you ready?" nakangiting bungad sa'kin ni Mommy Rosana pagpasok niya sa kuwarto na kinaroroonan ko.

"I'm super duper mega excited, Mom!" malawak ang ngiting sagot ko.

"Halata nga." natatawang wika niya kaya natawa nalang din ako.

"Wow, ang ganda-ganda naman ng anak namin oh!" bungad na wika ni Mommy Demi pagkasilip sa kuwarto. Bahagya akong tumawa at nagpasalamat.

"Siyempre po, nakuha ko ang mga lahi ninyo e!" I said chuckling.

"Hmmmm! Oh siya, tara na't nagsisimula nang maglakad ang wedding parties." tugon ni Mommy Demi at tumango nalang ako habang nakangiti. Lumabas na kami ng kuwarto at naglakad papunta sa venue ng wedding ceremony. Nandoon na si Maisie at si Tita Reese, naghihintay sa'min.

Nagkabatian kami at sa bandang huli ay hinayaan na nila kaming magkasamang maiwan sa gitna. Magkahawak-kamay kami habang hinihintay ang pagkakataon naming lumakad.

"You know, you look gorgeous as always, babe." bulong ko sa kaniya at sapat lang para marinig niya. "But today's different..." I looked at her and smiled sweetly. "You're sparkling and stunning like a goddess." malawak siyang napangiti at pinigilan ang kilig sa pamamagitan ng mahinang tawa.

"Thank you for always complimenting me. You know, you're always gorgeous as well, but it seems like we're both different today." nagtataka ko siyang tinitigan at hinintay na ipagpatuloy niya ang sasabihin. "It feels like...we're both goddesses in our own world of happiness."

I bit my lower lip to hide my wide smile and looked away.

Nang matapos nang maglakad ang wedding parties ay kami naman ni Maisie ang naglakad hanggang sa makarating sa pinakaharap.

"We are gathered here today to witness the marriage of these two people and to celebrate the love they share." panimula ng officiant sa magaganap na seremonya. Sa bawat pagpatak at pagtakbo ng oras ay mas lalo lang akong nae-excite sa isipin na, 'pagkatapos nito ay asawa ko na siya.' sa bawat binibitawang salita ng officiant ay hindi napapagod ang labi kong ngumiti.

"Kathlyn Cassandra Villamedez, you have chosen Maisie Alford to be your life partner. Will you love and respect her? Will you be honest with her always? Will you stand by her through whatever may come?" nakatitig kami sa mga mata ng isa't-isa habang matamis ang ngiti sa mga labi.

"I will."

"Maisie Alford, you have chosen Kathlyn Cassandra Villamedez to be your life partner. Will you love and respect her? Will you be honest with her always? Will you stand by her through whatever may come?" tinitigan ko rin siya at matamis na nginitian.

"I will."

"And do you both promise to make the necessary adjustments in your personal lives in order that you may live in a harmonious relationship together?" mas lumawak ang ngiti namin at sabay na tumango.

Till Death do us Part [Girls' Love Series #4] Where stories live. Discover now