03

213 6 0
                                    

KC's POV.

Nakatapos na kami ng grade 10, akala ko magkakahiwalay na kami ni Maisie. Pero mukhang umaayon sa'kin ang tadhana dahil kaklase ko pa rin siya pati ngayong senior high school.

We're both taking Humanities and Social Sciences (HUMSS). Gano'n pa rin, hindi ako umaalis sa music club at hindi rin umaalis si Maisie sa volleyball team nila. Nakakayanan naman naming pagsabayin ang pag-aaral at ang mga hilig namin. Mahirap minsan, pero kinakaya. Sabay kaming umakyat sa stage at nagkamit ng karangalan.

This senior high, gusto ko magtuloy-tuloy 'yon hanggang college. Pagsusumikapan ko ang pangarap ko. Si Mommy Demi ay nagpapatakbo ng business while si Mommy Rosana naman ay sa bahay lang at nag-aasikaso sa'min. Ayaw kasi siyang pagtrabahuhin ni Mommy Demi, ang pangarap ko naman ay maging isang Social Worker dahil gusto kong makatulong sa marami.

2nd month na ng pasok namin, minsan pa-chill chill lang pero madalas ay stress sa mga ipapasa. Tulad nalang ngayon, kailangan namin ipasa ang project ng grupo namin. Hindi na namin kaklase sila Abbigail at Crissanta dahil iba ang kinuha nilang strand pero magkakaibigan pa rin kami.

"Ahh! Ang sakit na ng likod ko, pahinga na muna tayo kahit saglit." komento ko sa tatlo kong kagrupo habang nag-iinat. Nasa ibang group si Maisie kaya hindi ko naiiwasang sumulyap-sulyap sa kaniya.

"Hindi pwede, bukas na 'to ipapasa e. Tsaka saglit nalang 'to oh magpaalam nalang tayo sa next subject." tugon naman ni Aira— isang kagrupo ko.

"Nakakahiya na kay ma'am Sanchez. Naaabuso na natin yung subject niya." komento naman ni Trixie.

"Oo nga, baka isipin din ni ma'am na inaabuso natin yung oras niya." pagsang-ayon ko.

"E kung ituloy nalang natin 'to mamaya sa bahay nila KC? Magpaalam nalang tayo." sabi naman ni Beverly.

"Sa'min? Bakit sa'min?" nagtatakang tugon ko.

"Tahimik kasi ro'n tsaka makakapag-focus tayo." sagot ni Beverly.

"Oo nga. Ilang beses naman na tayong gumawa ro'n e." sabi naman ni Trixie.

"Oh sige na nga. Magpaalam kayo ah, baka ako yung pagalitan ng parents ninyo." depensa ko.

"Hindi yannn. Para sa project naman e." pagsingit ni Aira.

"Okay, sige kayong bahala." sagot ko. Ipinagpatuloy naman namin ang ginagawa at inihinto na pagkatapos tumunog ng bell.

Uwian ay nagmadali akong magligpit ng gamit dahil naghihintay sila sa'kin.

"KC!" napalingon ako kay Maisie at matamis siyang nginitian.

"Bakit?" bungad na tanong ko paglapit niya.

"Saan kayo pupunta?" tanong niya.

"Sa bahay. Doon namin itutuloy yung paggagawa. Bakit?"

"Sama ako."

"Ha? Wala ka bang gagawin?"

"Wala. Tapos na namin yung sa'min e."

"Ang bilis niyo naman? Sana ol."

"Siyempre madali lang naman yung napili namin. Sama na ko, pleaseee?"

"Pa'no? E hindi ka nga nakapagpaalam."

"E sila ba nakapagpaalam?"

"Oo. Tumawag sila sa parents nila kanina tsaka nag-text."

"Edi gano'n din gagawin ko."

"Bakit ba gusto mong sumama?"

"Wala lang. Titignan ko kayo, tsaka.. boring din naman sa bahay dahil wala si Ate. Nandoon siya sa girlfriend niya. Kaya, pleaseeee sama na ko." pagpupumilit niya. Napabuntong hininga naman ako bago nagpatuloy sa pagliligpit ng mga gamit ko.

Till Death do us Part [Girls' Love Series #4] Where stories live. Discover now