"So dito ka na ulit mag aaral?" nakangiting tanong ni Mich.

"Yup!" I smiled.

"That's good! Sa wakas magiging kumpleto na rin tayo."

"And for sure ipapakilala ka na nila tito at tita sa public. You have to prepare for that," si Issa.

Oh, that... Kailangan pa ba no'n? Well... Mommy and Daddy really wanted to introduce me to the public. Ganon na rin si lolo. Gusto nilang malaman ng lahat na ako ang anak nila at hindi si Elizabeth. They won’t explain everything that happened to the public because they still want privacy in our lives. Ipapakilala lang nila ako at kaunti lang ang sasabihin kung bakit nagkaganon.

"Kamusta na kayo ni Brandon? Nag uusap pa rin ba kayo?" medyo nag aalangang tanong ni Mich.

Natigilan ako at napatingin sa kanya. I didn't expect her to include Brandon in the conversation. She smiled apologetically at me.

"Sorry..." she said.

"No, it's okay..." ngumiti ako at nag iwas ng tingin. "Hindi na kami nag uusap. Wala na kaming komunikasyon sa isa't isa."

"Don't you really believe him?" tanong ni Issa.

Hindi ako sumagot. Alam nila kung ano ang sagot ko roon.

"Napunta ulit si Elizabeth sa DSWD pagkatapos mong sabihin kay lolo na nakatakas siya. Ngayon hindi na siya nakakatakas dahil dinoble na ang seguridad."

Mabuti naman kung ganon. Hanggang ngayon hindi pa rin nawawala ang galit ko para sa babaeng iyon. Sa tuwing naiisip ko ang picture nilang dalawa ni Brandon ay nanggagalaiti ako sa galit. Galit para sa kanya at mas lalong galit para kay Brandon.

"Paano kaya siya nakatakas noon?" wala sa sariling tanong ni Mich.

"Sa cctv nakitang natakasan niya ang nagbabantay na guard sa gate. Natakasan niya rin ang lahat ng nasa loob. Magaling siya sa ganon..." umiling si Louissa.

"Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na nagawa niya iyon. We loved her but she betrayed us..." malungkot na sinabi ni Mich.

"Tapos na iyon. Wag na nating pag usapan," si Issa.

Nag usap nalang kami tungkol sa ibang bagay. Kinamusta ko ang mga buhay nila rito. Si Louissa ay tinuturuan na daw sa kumpanya, ganon rin si Loreleil. Michelle has no interest in business. She loves to bake.

Nagpatuloy kami sa pag uusap hanggang sa niyaya na kami ng dalawa sa pool. Binaba namin ang mga kinakain at sumali na sa kanila.

Tumili sila nang sinalubong sila ni Issa ng pagsaboy ng tubig. Gumanti sila at tinulungan naman namin ni Mich si Issa. Pinagtulungan naming tatlo si Johan at Lorie.

Tawa kami nang tawa dahil walang laban sa amin ang dalawa. Umiral naman ang kaartehan ni Johan na kesyo napasukan daw ng tubig ang mga mata niya. Tumawa nalang kami.

It was monday when Johan forced me to go with them at school. I don’t know what I’m going to do there while they’re definitely going to be busy. I might just be left alone. But they said they would take me to the parking lot when it was time for their class para hindi ako mag isa.

"Sige na!" pilit ni Johan, hinihila pa ang braso ko.

She's here at home just to force me to go with her. It's early in the morning at bihis na siya para pumasok. Maagang umalis si Mommy at Daddy para sa kumpanya kaya wala sila rito ngayon. Tanging mga kasambahay lang namin ang tao at tsaka ako.

"Fine! Magbibihis lang ako," sabi ko sa sobrang kakulitan niya.

Ngumiti siya at doon lang ako pinakawalan. Inirapan ko siya pero ngumisi rin sa huli. Sa lahat ng pinsan ko siya ang pinaka makulit. Pero siya rin ang pinaka maarte. Hindi ko alam kung anong meron sa akin at ako palagi ang binubulabog niya.

Door of Happiness (Agravante Series #1)Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt