“Hindi mo talaga gustong tumira ako dito, ’no? Medyo plastic ka rin, Kia. Kapag nandito si Dad ay mabait ka sa ’kin, pero kapag wala na siya ay lumalabas ang tunay mong ugali,” sabi ni Kimberly at mahina pang natawa.

I laughed because of what she said. “You are such a hypocrite, sis. Hindi ba at plastic ka rin naman? You were just like me so don’t act like we're all good. Kapag wala si Dad, masungit ka rin naman sa akin, ’di ba? Pero kapag nasa paligid lang si Dad ay akala mo kung sino kang mabuting kapatid,” sambit ko.

I rolled my eyes. “Being in the same room with you makes me sick,” saad ko at lumabas na ng kwarto niya. “You’re like a stinky smell in a garden full of roses.”

•   •   •   •   •

“Bakit hindi ka pinapansin ni Alexis? Bakit nagalit ’yon sa iyo?” Sinundot-sundot pa ni Paula ang bewang ko habang nagtatanong siya.

Binalingin ko ng tingin si Alexis.

Kanina niya pa ako hindi kinakausap. Last subject na namin ito sa morning classes namin at magla-lunch break na pero kahit isang “hi” ay hindi niya nagawa.

I think hindi talaga siya sang-ayon na nanliligaw sa akin ang kapatid niya. He doesn’t like it. Naiintindihan ko naman siya. He’s really protective of me, of us.

“Just let him be, Paula. Hindi naman niya matitiis si Kia. Siya rin mismo ang unang kakausap,” sabat naman ni Yvette.

Nag-focus na lang ako sa klase kahit na pasulyap-sulyap pa rin ko kay Alexis. Hindi lang ako sanay na tahimik siya.

Pumunta kami sa canteen pagkatapos ng last class namin sa umaga. Tatayo na dapat ako pero pinigilan ako ni Alexis.

“Ako na ang o-order ng sa ’yo. ’Wag ka nang tumayo,” sabi niya at naglakad na paalis.

“I-order mo na rin kami!” walang hiyang sigaw ni Raine. Napatingin tuloy sa kan’ya ang mga tao sa paligid’ pero parang wala lang ’yon sa kan’ya.

Tumango naman si Alexis at nag-wave pa ng kamay habang nakatalikod sa amin.

Ilang sandali pa ay nakita ko na si Alexis na papunta sa gawi namin habang may dalang dalawang tray. May staff pa ng cafeteria na nagbubuhat ng ibang tray na nasa likod niya.

Sa kabilang banda naman ay nakita ko rin si Axel na papunta sa direksyon namin habang may dalang dalawang tray.

The atmosphere suddenly changed. Mukhang magkakaroon pa nga ng away ang magkapatid.

“Here’s your food, Kia.”

“I brought food for you, baby.”

Sabay na nagsalita ang magkapatid.

Napakagat na lang tuloy ako sa ibabang labi ko nang magpalitan ng matatalim na tingin ang dalawa.

Sabay rin na lumapag ang dala nilang tray sa lamesa na gumawa ng ingay.

“Hi,” sabi ko dahil sa pagkailang.

Kinuha ko naman ang tray na may lamang pagkain na ibinigay nila sa akin. I gave them a smile.

“Let’s eat?” I asked them both.

Mac and cheese ang dala ni Axel habang carbonara naman ang dala ni Alexis.

Tumabi sa akin ni Alexis dahil doon naman talaga ang upuan niya habang si Axel naman ay nasa harap ko.

We silently ate. Walang nagsasalita. Ang mga babae ko namang kaibigan ay walang sinasabi, ngunit pasulyap-sulyap sa amin.

My Ruthless DevilTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon