"Alright. Now, you can see me clearly? Move your finger if you can," he ordered.

Again, I moved my finger. Kahit na nahihirapan akong igalaw ang daliri, hindi ko ito pinigilan hanggang sa tagumpay na maigalaw.

Hindi ko na mailarawan ang saya ng doctor ng magawa kong maigalaw ang kamay. Tumuwid siya ng tayo at kinausap ang tahimik lang na nurse sa tabi niya. Iginaya niya ang nurse para sa isang pribadong pag-uusap. Sinunod ko sila ng paningin ko.

After a minute, the nurse nodded and went out of the room, living the doctor. Bumalik siya sa akin.

"You're so brave, Fliore. Nurse Jana called your Lola. But for now, please rest for a while to at least regain your strength."

Aangal pa sana ako dahil kakagaling ko lang sa malalim na pagtulog pero wala na akong nagawa dahil may kung anong in-inject na siya sa dextrose ko kaya muli akong nahulog sa mahambing na pagtulog.

But this time, it was peaceful.

I opened my eyes again. Ang unang bumati sa akin ay ang puting pader ng kwarto, kasunod ang mga apparatus na nakakabit sa akin, hanggang sa bumaba ang tingin ko sa babaeng natutulog habang nasa mga kamay ko ang kulobot na kamay.

I saw Lola sleeping beside my bed. Naka-upo siya sa isang mono block chair. Ang ulo niya ay nakadunghay sa gilid ko. It was all white that I can see in her hair.

Ang huli kong natatandaan, she has still black strands of hair. Mas dumami rin ang kulubot ng mukha niya.

What happened?

But most importantly, she survived. Hindi siya napahamak kay Tiyoy. At si Tiyoy... tuluyan ba siyang namatay?

"La..." I called her, and this time, nagkatinig na ako. Hindi man malinaw, nakakasalita na ako ng paos.

"La..." I tried again at labis na saya ang naramdaman ko ng tumunog muli ang boses ko. Pero si Lola ay hindi pa rin nagising dahil tanging ako pa lang ang nakakarinig ng sarili ko.

This time, I tried moving my hands. Mahirapan akong igalaw ito dahil mabigat at wala akong lakas. But to my extremely determination, tagumpay ko itong naigalaw pero hindi rin matagal.

Inunti-unting kong iginalaw ang kamay hanggang sa maabot ko ang pesnge niya. My cold hands caressed her warm cheeks. Nang sandaling tumama ang kamay ko sa kaniya, bigla na lang nagsibagsakan ang luha sa mga mata ko.

Lola moved. Naramdaman niya ang ginawa kong paghaplos sa kaniya at mapungas-pungas na inangat ang ulo para tingnan ako.

And there, my loving grandmother saw me wet of tears. Umawang ang labi niya, ang kasayahan ay walang mapagsidlan sa mga mata niya ng makita akong gising.

"Oh jusko! Apo ko!" she exclaimed unbelievably but happily.

Inabot niya ako at mahigpit na niyakap. She kissed my temple.

"Oh Fliore! Salamat! Salamat! Salamat sa pagdinig ng panalangin ko!" lola exclaimed again. Abot-abot sa akin ang saya niya na humalo sa luha ko.

At nang humiwalay siya sa yakap, napuno na rin ng luha mukha niya. She was crying and I feel guilty for it.

Umawang ang labi ko.

"S-sto-p cry-ying..." I said hardly. It was very difficult to speak pero hindi ako titigil para makasalita muli.

"N-na-gu-guilty... a-ako..." I uttered more.

Umiling si Lola.

"Hindi. H'wag kang ma-guilty. Sobrang saya ko lamang. Nadinig ng Diyos ang panalangin ko. Ibinalik ka niya sa akin, apo!" masayang-masaya na wika niya.

Waiting Shed [COMPLETED]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang