"Goodnight, Finn." Huli kong antok na usal sa kaniya bago ako pumasok ng gate namin.

Bago ko tuluyang maisara ang gate, sumagot siya. Mahina pero rinig na rinig ko.

"Goodnight, fliore. Sleep well."

Sa kabila ng mga nakakagulat na nalaman, naging tahimik ang gabi ko dahil sa huling sinabi ni Linus.

My night went well. Different from the other nights I slept. I was very peacefully asleep. I was even dreaming of having my own happy family years from now, and what makes me feel shy, is that I saw Linus as the father of my cnhildren.

He's smiling widely as holding our b daughter while humming a familiar song.

It was foreign in me but I felt contented in that dream. Because in it, Linus' no longer being chased. He had his freedom and even graduated with a degree.

It was so strange to think that I dreamt a person I only know for weeks. We haven't done many, but those coutless nights being together and speaking about ourselves made me feel like we've known each other for years.

And I must say to the other light side, those nights make me realize that friendship aren't measured by years, but by how you treasure each other's company.

I found it on Linus.

Kaya ang managinip na siya ang magiging ama ng mga anak ko ay hindi na nagbigay sa akin ng kilabot.

If that ever happens, my children would be like him too. A good son.

"Nakita mo ba sa balita 'yung issue ngayon sa senado?" kumunot ang noo ko sa tanong ni Matell. Nasa loob kami ng klasroom, kakatapos lang magtanghalian.

Umiling ako. "Hindi ko alam. Hindi na kase ako nanonood ng telebisyon." Sagot ko. Okupado kase ni Tiyoy ang tv sa bahay at nahihiya naman akong sabihing ilipat niya sa balita. Pinag-iinitan na nga ako nu'n baka ano na namang maabot ko.

"Ay? So hindi mo alam na nagkakagulo ngayon sa senado dahil hati ang iba sa gustong ipasa ang batas na magtitigil ng death penalty sa Pinas." Aniya.

Hindi na 'ko nagulat. Palagi namang hati ang desisyun ng goberno sa mga isyu sa bansa. Hindi na nakakapanibagong may bago na namang isyung pinag-dedebatihan ngayon.

"Ganu'n ba?" ani ko nalang. Hindi na magbigay ng komento. Isang panig lang naman ang mananalo e. Either ibasura nila ang petition or papayagang mawala ang death penalty sa Pilipinas. Surely, it would take years to decide.

"Walang reaksiyon?" taas kilay na ani Matell sa akin. Itinabi niya ang baonan at hinarap ako ng buo.

"Ano namang magiging reaksiyon ko? Problema na nila 'yun. Sila 'yung mga mambabatas, hindi naman ako." Sagot ko nalang at pinagpatuloy ang pagliligpit ng kinainan ko. Maya-maya magsidatingan na ang iba naming kaklase.

"Edi wow. Wala ka manlang komento? Panig na papanigan? Kase ako, doon ako sa mga tutol. Hindi dapat mawala ang death penalty dahil siguradong lalakas lang ang loob ng mga kriminal na 'yan na gumawa ng krimen." Nakahalumbabang wika niya.

I just shrugged my shoulders. I can't give a statement about it. At isa pa, hindi ko rin alam kong anong papanigan ko.

Pweding sa mga tutol na senado, kase tama ang sinabi ni Matell. Magkakalakas loob lang silang gumawa ng masasama.

Pero pwede ring sa mga sumusulong ng batas, kase hindi lahat ng kriminal, masasama. Maraming madadamay. At isang tao lang ang pumapasok sa isip ko para patunayan ito.

Si Linus.

Criminals are not the baddest person on earth, we never know, they're the kindest.

Hindi nagtagal bago matapos kong ligpitin ang pinagkainan, nagsibalikan na ang iba kong mga kaklase kabilang ang teacher namin para sa panghapong subject.

Waiting Shed [COMPLETED]Where stories live. Discover now