"Saan ka galing?" ramdam ko ang lamig ng boses niya.

Ang pamilyar na kaba sa tuwing siya'y lasing ay nabuhay muli sa dibdib ko.

"Sa malapit na waiting shed lang po, Tiyoy. Nagreview po ako para sa exam namin bukas." Natatakot na sagot ko.

He never said anything after that so I assumed that it's all okay kaya naglakad na ako papasok pero mabilis akong hinigit ni Tiyoy sa palapulsahan.

"Hindi pa tayo tapos!" napapikit ako sa sigaw niya.

"Anong tingin mo sa akin, bobo?! Anong ginagawa mo sa gitna ng gabi sa waiting shed? Bakit, wala ba tayong ilaw sa bahay?!" galit na galit na sigaw niya na ikinapikit ko.

Dumagundong ang bagong alon ng kaba sa dibdib ko. Takot man sumagot, pinili kong ipagtanggol ang sarili ko.

"Naputulan po tayo ng ilaw, Tiyoy. At... at..." I stopped because my jaw shaked. Nanginginig na ang labi ko sa kaba at takot.

"At ano!" bulyaw niya. His gripped tighten that made me shrieked.

"A-at may last exam po kami bukas, k-kinailangan kong mag-review..." I stuttered. Takot na takot ang boses ko.

"Tiyoy... masakit po..." munting usal ko. Siguradong mananatili ang bakas nito bukas. Lalo pa't parang gatas sa putla ang kutis ko.

Natulala ng ilang minuto si Tiyoy bago niya ako bitawan. Agad kong hinimas ang hinawakan niyang pulsuhan ko at sa madilim ngumiwi.

"Ganoon ba? Sige, matulog ka na." Parang normal na saad niya at nauna akong iwanan para magtungo sa kusina.

Nang makarinig ng tunog ng bote na nanggagaping sa kusina, doon pa lang tumulo ang butil ng luha ko. Sa takot at sa kaba.

Abot langit ang kaba ko. Takot na takot talaga ako. Sobrang nakakatakot si Tiyoy magalit. Habang lumililipas ang araw, nagiging bayolente siya.

Kapag kasama si Linus lang talaga nawawala ang suliranin ko sa bahay. Paano pang naging cold siya sa naging pag-uusap namin ngayong gabi? Sino nang magpapagaan ng loob ko?

Mahimbing ang pagkakatulog ni Lola ng pumasok akong kwarto. Hindi ko rin si Lola masisisi, masyado na siyang matanda para gumising hanggang alas-diyes. Mahina na ang katawan niya sa mga bagay at bawal sa kaniya ma-stress. Kaya sisikapin kong kimkimin na lang ang sakit ng loob kay Tiyoy. Wala rin pa naman akong magagawa. Wala pa akong napapatunayan. Wala pa akong nararating sa buhay. Walang-wala pa ako.

Si Linus lang ang taong makakaintidi sa sitwasyon ko dahil magkapareho kami. Si Matell ay masaya rin sa pamilya niya kaya ayaw ko na siyang idamay sa problema ko.

Dumating ang umaga, kagaya ng nakasanayan ay maaga akong nagising at ginawa ang usual na routine ko bago pumasok.

Humalik ako sa noo ni Lola bago umalis ng bahay. Si Tiyoy ay tulog muli dahil hangover na naman. Ewan ko lang kong may trabaho pa ba siya. Si Tiyay Emilia ay hindi na nakabalik sa bahay o magpakita manlang. Kasabay nang pagputok ng balitang umalis din daw si Mang Abner sa bahay niya at ibinenta ito sa iba. Dahilan para lumakas ang chismiss na nagtanan sila ni Tiyay Emilia.

Mas lalong nagalit si Tiyoy ng marinig iyon. Hirap na hirap man sa bahay, ginawa ko ang makakaya ko para sa paghahanda sa fourth grading namin. Sa kabila ng mga balakid, susubukan kong abutin ang pangarap.

Kaya sana, dumating ang araw na maging maayos na ang lahat. Na wala na akong ibang alalahanin bukod ang maging masaya.

Dalawang araw ang exam namin kaya dalawang araw rin akong hindi nakadalaw sa waiting shed. Medyo nagu-guilty rin ako dahil baka naghintay si Linus doon lalo na't hindi ako nagpaalam. Pero tahimik siya ng huli naming pag-uusap.

Waiting Shed [COMPLETED]Where stories live. Discover now