"Huwag nga sabing kuya. Gusto mo bang tawagin kitang nene?"

Natigil ako. Ang ngiti ko ay unti-unting nauwi sa pagnguso. Nang dungawin ni Linus ang mukha ko at makita ang reaksiyon ko ay natawa siya.

"Ang bad mo!" mahina ko siyang tinampal sa dibdib.

"Oo. Bad ako. Matagal na." Sagot niya kaya sabay na kaming nagtawanan sa ilalim ng makulay na kalangitan.

Tuluyan nang nabura ang bigat ng kapaligiran sa pagitan namin. Nawala na ang awkwardness at napalitan ng hagikhikan naming dalawa.

Hindi ko alam kung anong oras ako nakauwi ng gabing iyon matapos ng masaya at magaan naming pag-uusap ni Linus. Hinatid pa niya ako hanggang sa likuan ng street namin at hindi umalis hanggang sa makapasok ako sa gate.

Nakatulog na si Tiyoy sa kwarto nila nang pumasok ako sa bahay at si Lola'y nasa sala na nakatulog sa sofa.

Nang maramdaman niya ako ay nagising siya at mapungas-pungas na ikinurap ang mata bago ako nilapitan.

Mapatantiya ako na tiningnan ni Lola at agad niyakap. Gumanti ako at isinandal sa balikat niya ang baba ko. Nagsink-in muli sa akin ang nangyari bago ako umalis ng bahay.

"Kumain ka na ba?" nag-aalalang tanong ni Lola. Ayaw mang magsinungaling, ginawa ko pa rin.

"Opo, la." Sagot ko. Ayaw ko na siyang pag-alalahin pa. Tsaka hindi na ako nakaramdam ng gutom matapos ang pag-uusap namin ni Linus. Napuno ata ng tawa ang tiyan ko.

"Saan ka kumain? Wala ka namang dalang pera."

"Nagtungo ako kila Matell, la. Pinakain po ako ni Auntie." Sagot ko. Siguro sasabihan ko nalang si Matell na umu-o kapag tatanungin siya ni Lola. Mahirap na.

"Hindi ka ba nagsisinungaling, Fliore?" umiwas ako ng tingin kay Lola. Ayaw ko sana talagang magsinungaling pero ayaw ko namang mag-alala siya.

Bumuntong hininga si Lola. "Kung ganoon, pumasok kana sa kwarto. Magpahinga kana ah," aniya. Nang maglakad ako sa kwarto, tinawag niyang muli ko.

"Pagpasensiyahan mo na ang Tiyoy mo, apo. Nadadala lang ng sama ng loob sa Tiyay Emilia mo. Patuloy mo lang sana siyang intindihan."

Lumingon ako kay Lola at ngumiti. "Opo, la. Naiitindihan ko." Sagot ko pagkatapos ay pumasok na sa kwarto namin.

Kinaumagahan, maaga akong nagising para ilayo ang mga sako na hindi makikita ni Tiyoy. Nag-igib din ako ng tubig at doon nakasama si Matell.

"Baka pagalitan ako ni Lola, Fliore ah!" ani niya matapos kong sabihin na um-oo siya kapag tanungin ni Lola kung saan ako kagabi.

"Hindi 'yun. Huwag mo lang sabihing wala ako sa in'yo kagabi." Ani ko. Nasabi ko na rin sa kaniya na nasa 7/11 lang ako kagabi. Hindi ko lang sinabi ang parte na nagkasama kami ni Linus.

Umuwi rin naman ako matapos mapuno ang dala kong container, naiwan si Matell dahil naglalaba. Nang makarating ako sa bahay, nagwalis ako sa bakuran hanggang sa gumising si Tiyoy. Masama pa rin ang tingin niya sa akin pero wala nang sinasabi. Andiyan din si Lola na parang binabantayan si Uncle.

Lumipas ang sabado at linggo na nagkikita kami ni Linus tuwing gabi. Pinapalayo din kase ako ni Lola kapag naglalasing si Tiyoy at ako agad ang pinagdidiskastahan. Ayaw ni Lola na mangyari ulit ang nangyari kaya naiintindihan ko.

Dalawang araw na sumunod-sunod pa ang pagkikita namin ni Linus. Ang waiting shed ang siyang nagsilbing taguan namin sa mga mata ng iba. Nag-uusap kami sa mga bagay, tungkol sa pamilya niya, sa akin. Sa mga bagay na gusto namin pero isang bagay lang ang hindi ko na natatanong sa kaniya.

Waiting Shed [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon