"Salamat. Maraming salamat sa in'yo." Humigpit ang pagyakap ko sa kanilang dalawa. Si Lola ay marahang natawa at naunang kumalas sa yakap.

"O siya, hipan mo na ang kandila mo. Mag-wish ka," ani Lola.

"Mag-wish ka dali!" masayang ani Matell at kinuha ang mumurahin niyang cellphone para kuhanan ako ng litrato.

"Nahihiya ako," nahihiyang usal ko sa kaniya. Kukunan niya ako ng litrato e ang pangit ko sa mga iyon. Doon lang ata maayos ang mukha ko sa litrato kasama sila Mama.

Ang litrato... naalala ko na naman.

Napabuntong hininga si Matell.

"Huwag ka nang mahiya! Photogenic ka naman sa litrato dali! Tsaka ipo-post ko to sa facebook. Greetings ko sa 'yo!" masiglang usal niya at itinapat muli ang camera ang cellphone niya sa akin.

Ngumiwi ako. Medyo labag man sa loob ay yumuko ako at ipinikit ang mata.

Sana humaba pa ang buhay ni Lola para makasama ko pa siya ng matagal. Si Matell din.

Inihip ko sa hangin ang wish ko kasabay sa pag-ihip ng kandila. Matunog na pumalakpak si Matell habang nakangiti pa rin si Lola.

"Kainan na!" masiglang wika ni Matell at inilapag sa kawayang lamesa sa sala ang hawak na container. Ganoon din ang hawak ni Lola na cake.

"Si Tiyay po, la?" tanong ko kay Lola. Nahagip ko agad ang pag-ismid ni Matell sa gilid.

"Kila Abner, nagbabaraha na naman." Kaswal na sagot ni Lola at siyang naghiwa ng cake para lagyan ang platito namin ni Matell.

Nasa pasugalan na naman si Tiyay. Tiyak mag-aaway na naman sila mamaya pag-uwi ni Tiyoy Ebil dahil sa paggasta niya ng pera. At kapag mangyari, ako na naman ang pagbubuntungan ni Tiyoy ng galit.

"Damihan n'yo ang kain." Ani Lola.

"Salamat, la."

"Salamat, la. Mukhang masarap itong chocolate cake na ito." Si Matell.

"Oo naman. Sinigurado kong masarap ito kase para kay Fliore. Dapat matikman niya ang pinakamasarap na cake sa kaniyang kaarawan." Nakangiting ani Lola.

Hinaplos muli ang puso ko sa narinig. Ito ang inaasam-asam ko. Simpleng selebrasyon lang, walang masyadong handa pero masaya at hindi malilimutan.

Naunang sumubo si Matell ng pagkain dahil tahimik muli akong nanalangin para magpasalamat sa biyayang Kaniyang binigay.

"Masarap nga!" Matell giggled and tapped my shoulder. "Masarap!" she repeated and winked at me. Si Lola ay nakangiti lang na naka upo sa harap habang nasa amin ang paningin.

"Kumain ka na rin, la." Yaya ko sa kaniya. Binigyan ko siya ng platito at ako na mismo ang nagsalin ng spaghetti sa platito niya.

"Ito pa," nakangiting ani ko at dinagdagan ng cake. Tututol pa sana siya kaso muli akong ngumiti kaya natunaw ang kaniyang plano.

Naging puno ng tawanan at maagang usapan ang bahay sa pagitan naming tatlo. Tuluyang nawala ang mabigat na mga iniisip ko dahil sa eksena.

Sana ganito na lang palagi. Sana palagi na lang masaya. Wala na akong ibang mahihiling pa. This is the comfort I won't hesitate to embrace. This is my peace.

Naging mabuti pa ang sumunod na minuto hanggang sa sumapit ang alas-siyete at nagpaalam na si Matell para umuwi.

"Kita nalang tayo bukas. Goodnight!" she waved her hands before disappeared on the dark street.

Bumalik na ako sa loob ng bahay at naabutan si Lola na nagliligpit kaya nilapitan ko siya at tinulungan. Sabay naming niligpit ang lamesa at nilagay sa kusina ang lahat ng nakainang plato.

Waiting Shed [COMPLETED]Where stories live. Discover now