Halata naman sa mga taong nandito na mayayaman sila. Hindi ko na lang pinansin yun mga bagong pasok.

I just felt na may nakatingin kaya nagangat ako ng ulo. Nakita kong nakatingin nga sila sa akin. Parang naghihintay na kausapin or batiin ko sila. Teka kilala ko ba sila? Pinilig ko ang aking ulo. Wala akong matandaan. Tumunog na ulit ang elevator indikasyon na kailangan ko ng lumabas. Nakita kong lumabas din  yun dalawang lalaki at isang babae don. Kasunod ko sila actually. Tinignan ko ulit kung tama ba yun unit number sa pintuan ng masigurado kong eto nga yun ay nag doorbell na ako.

Bumukas ang pinto at sinalubong naman ako ni raine. "Hey rie buti nandiyan ka na" Gulat naman ako ng binati niya yun nasa likod ko tatlong tao. "Oh nandito na din pala kayo?" So dito nga din ang punta nila.

"Haha oo actually kasabay namin si rie sa elevator eh suplada" sagot ng isang lalaki.

"haha gago ka talaga d!" sagot ni raine sa tinawag niyang d.

" rie mga friends natin yan eto si D, siya naman marco yan ang bf ni anne, at eto naman si gigi gf ni doc"

"Ah hi?" binigyan ko sila ng tipid na ngiti. Di ko lubos maisip kung paano ko nakilala yun mga ganitong klase ng tao. Mukha naman silang mababait pero mukhang mga wild eh.

Pumasok na kami sa loob at inabutan namin doon sila Lisa at anne. Nakilala ko na sila noong dumalaw sila sa bahay after kong lumabas sa hospital.

Umupo kami sa pabilog na sofa. Malaki ang condo ni raine. Wala masyadong gamit. Meron mini bar malapit sa kitchen area. Madaming kinukwento si D short for dwayne sa akin close daw kami at maharot siya sa dami ng kwento niyang puro kalokohan. Pero kung titignan mo ay masungit ang kanyang mukha. Mukhang suplado.

Madami silang pinagkkwentuhan at halata naman close sila sa isat isa. Hindi naman ako nakaramdam ng pagkailang dahil kinuwentuhan din nila ako ng mga kalokohan ko na nalimot ko na.

Yung simpleng hapunan namin maya maya ay nauwi na sa inuman. Sabi nga nila ay basta si raine ang nagaya e hindi ito mawawala. Gustuhin ko man itanong kay raine kung bakit wala si kelsey ay nahihiya ako. Akala ko kasi ay nandito siya kanina. Circle of friends niya to kaya naman inexpect ko talaga na makikita ko siya. Kahit kakikita lang namin kanina.

Tumayo ako at nagpaalam na gagamit muna ng cr. Hindi ko alam kung paano ako magpapaalam na hindi rin ako magtatagal dahil may pasok pa ako bukas. Sa dami ng binabang alak ni raine ay mukhang mapapasubo ako ng husto. Pinasadahan ko muna ang aking mukha sa harap ng salamin. Kitang kita ang peklat ko sa kilay. Para tuloy akong nag mukhang bad girl.

Naglalakad na ako pabalik ng couch ng magulat ako. Naramdaman ko na naman ang mabilis na tibok ng puso ko. She's here. I calm myself bago humarap sa kanila. Nakatayo lang ako sa gilid dahil yun pwesto ko kanina ay inookupa na ngayon ni kelsey kaya wala na akong upuan. Naramdaman ko naman ang paghagod niya ng tingin sa akin. Nakaka intimidate yun ganyan tingin niya. Pero hindi ko na yun pinansin pa.

"Hoy magsiusod nga kayo compress wala maupuan si rie oh." sabi ni raine sa mga nakaupo. Umusod naman sila kaya ang siste ay nagkaron ng espasyo sa upuan at makakatabi ko si kelsey. Isipin ko palang na makakatabi ko siya ay lalong bumibilis ang tibok ng puso ko.

" Rie upo kana mangangawit ka diyan baka lalo ka tumangkad higante kana." biro pa ni dwayne.

Sinulyapan ko muna si kelsey bago umupo, inirapan lang ako. Parang kalahati lang ng puwet ko ang nakaupo dahil medyo masikip at ayokong madikit ang balat ko sa kanya. It's torture for me.

" What are you doing here? " bulong niya sa akin. Bakit ba galit na naman ang boses niya?

"Raine invited me here." sagot ko naman sa kanya.

To Love AgainМесто, где живут истории. Откройте их для себя