Chapter 1

2 0 0
                                    

Nagising nalang ako sa alarm clock ko.

Gosh! I'm just thankful na may mga nagaasikaso ng restaurants ko.

Yes. I'm a restaurant owner. I have 5 branches already in Metro Manila. My restaurant's name is Erin's Diner.

I established it last year and boom buti ang bilis rin nakapagfranchise.

I open my eyes to shut off the alarm.

I actually don't have anything to do today dahil I filed a leave for a week.

Well I just decided to take a break you know.

Currently busy staring at the ceiling when I heard my phone ring.

It was Lilibeth. Naalala ko 'di kami nakapag catch-uo kagabi dahil siya ang host and organizer ng party ni Nikki.

"Yow." bati ko pagkasagot ng tawag niya.

"Guess what I've done that you'll may actually kill me?" natatawa niyang sagot sa bati ko na nagpakunot ng noo ko. The last time na ganito sinabi niya nasaktan lang ako. Yeah, Lilibeth was the reason why I met Ian and the rest is history.

"Ano na naman 'yan Lilibeth!?" naiinis na natatawa kong tanong sa kanya.

"I signed you up on a blind date. Hehehe." diretsahang sagot niya sa tanong ko. Napabalikwas ako sa kama sa mga binanggit niya.

"What?! Why?! Oh my gosh Lily!" hindi ko alam ang tumatakbo sa isip ng babaeng ito at bakita laging pinapakealamanan ang love life ko.

"Ganyan ka ba ka bored at lagi mo nalang pinangungunahan ang buhay pag-ibig ko?!" natatawa na naiinis kong dagdag sa kanya. Narinig ko rin ang paghalakhak niya.

"Well its kinda cool kasi. Kung single lang ako baka sarili ko na ang isinulat ko. Don't worry di ka naman lugi sa mga kasali." natatawa niyang sagot sakin.

"Mga? Anong mga?" nagtataka kong tanong.

"Okay there will be 3 pairs na mapipili. The pairing will depend on your likes and dislikes. Tapos ititira kayo sa isang resthouse. Each pair will have their own villa for privacy of course." masayang pagpapaliwanag niya sa kagagahan niya.

"And what will I get from this?" sunod na tanong ko sa kanya. Tumayo na ako sa kama at dumiretso sa walk-in closet.

"Well, you need to stay for a month in the villa nang walang nangyayari sa inyong dalawa and the winner will get 100,000 pesos." narinig ko pa ang pagpalakpak niya sa kabilang linya. Hinablot ko ang robe ko upang matakpan ang manipis kong saplot.

"Wow! Sinong nag organize nito at talagang ang laki ng premyo?" di biro ang isang daang libo para sa walang katuturan na ito ah.

"Well actually, the organizer is one of the participant and he wanted to challenge himself. You know, na walang physical contact for a month." wooah as usual so childish reason.

"A month Lily, magkakaron kami ng franchise ulit ng diner I don't think I can join that stupid game." singit ko sa walang katuturan niyang ideya.

"Hmp. Pag-isipan mo. Sa Friday pa naman yung last day nang pag sesend ng likes and dislikes mo. Ha? Sige na." pagmamakaawa niya sakin.

Sumang-ayon na lamang ako para tigilan niya ang pangungulit sakin.

Well. Hindi na masama. I know I can actually do that thing. Ilang taon kami Ian, yet walang nangyari sa amin. The reason why he cheated on me. So manipulative!

Wait lang! Bakit parang pinag-iisipan ko ito? Pero girl, isang daang libo 'yun. Hindi biro ang perang' yun.

Bwisit talaga itong si Liliene kahit kailan! Napapaisip tuloy ako kung sasali ba ako o hindi.

Well, wala namang mawawala sa akin. Alam ko naman sa sarili ko na mas matigas pa ako sa bato. Ni hindi na nga yata ako tatablan ng pana ni kupido sa trauma at takot na naranasan ko noong huking sumugal ako.

Oo. Malaki ang epekto nang panloloko sa isang tao. Siguro kung pera, or ano man madali tayong makakamove-om. Pero kung puso ang pinaglaruan, ang hirap nang sumugal muli. Palagi mong kukuwestyunin ang sarili mo. Kung saan ka nga ba nagkulang? Kung ano bang mali sa'yo at sa mga maging desisyon mo para sa relasyon mo? Na bakit? Bakiy sa'yo nangyari ito? Bakit mo nararanasan ito?

Kaya nang dumating yung panahon na maayos mo nang natanggap ang lahat, alam mong sa puso mo mailap ka na sa ganitong bagay. Na ayaw mo na lang ulit maranasan ang mga bagay na naranasan mo na. Ayaw mo nang mapagdaanan pa, kaya ang ending hindi ka na lang susubok. Hindi ka na lang maghahanap. Hindi ka na lang umaasa pa. Bahala na kung tumanda kang mag-isa, ang mahalaga safe ka. Hindi ka nasaktan. Pero hindi ka rin naman masaya.

Tangina. Ang alat talagang magmahal.

Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan siya. Sana hindi ako magsisisi sa desisyon na ito.

"Yes?" rinig ko ang natatawa niyang pagsagot sa tawag ko.

"Sige sasali na ako. Send mo sakin ang link. Bwisit ka! Last na 'tong pangengealam mo ha!" nakangisi kong sagot sa kanya.

Halakhak lang ang naisagot niya sa akin. Babaeng ito talaga.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 26, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

FoundWhere stories live. Discover now