"Y-you. This is all your fault"

"Miss! Could you please stop habang may natitira pa akong konting respeto sayo?!"

Ang sigaw  na iyon ni Uno ang nagpahinto kay Samy sa pag sasalita.

Yumuko siya upang mapantayan ang mukha ko.

"Are you ok?"

Mahinahon na ngayon ang boses niya malayo sa sigaw niya kanina.

Tumango ako sa kaniya at tinitigan ang pisngi niya na natamaan ni Samy. Sigurado akong masakit iyon.

Tumuwid ulit siya ng tayo at inilibot ang paningin sa lahat.

"Listen because I'll just say it once. Meisha is my friend. Leave her alone or else..."

Tumingin siya kay Samy.

"Ako ang makakalaban niyo"

Malayo ang boses niyang iyon sa mapagbiro at bibo niyang boses. Parang ibang tao ang kaharap namin ngayon.

Hinawakan ko ang kamay niya at hinila siya paalis doon. Baka magkagulo pa kapag naabutan kami ng teacher namin.

Dinala ko siya sa lugar na madalas kong puntahan. Rooftop.

Dito walang ingay at mataas. Gusto kong nasa mataas akong lugar dahil kapag ganoon pakiramdam ko malapit ako ang ulap, kung saan gusto kong magpahinga.

Hinarap ko siya at pinagtaasan ng kilay.

"Ano sa tingin mo ang ginawa mo?"

"Pinagtanggol ka malamang"

"Bakit mo ginawa yon?"

"Kailangan ba talaga may dahilan?"

Natahimik ako sa sinabi niya. Nakita kong namumula ang parte Ng pisngi niya na nasampal.

Inilabas ko ang tubigan kong galing sa ref. Malamig pa iyon kaya inilagay ko sa pisngi niya.

"Masakit ba?"

"Oo eh" Sabi niya habang nakangiwi.

Kung umasta siya ay parang nasaktan talaga siya. Sa tangkad niyang iyan, mukhang hindi eepekto ang sampal ni Samy.

"Ang kapal kapal ng mukha mo nasaktan ka pa?"

"Grabeng sama talaga ng ugali mo"

"Joke Lang. Bakit mo ba kasi ginawa Yun? Anong tingin mo sa sarili mo? Bayani?"

"Kahit ako hindi ko alam kung bakit ko ginawa iyon e. Siguro ay dahil Alam kong hindi kakayanin ng pisngi mo"

Kinurot niya pa ako sa magkabilang pisngi. Natawa kami pareho. Tama siya, maliit kasi ang pisngi ko para sa isang sampal.

Bigla siyang naging seryoso at tinitigan lang ako.

"Problema mo?" Kunot noong tanong ko sa kaniya.

"Ikaw?"

"Ha?" Naguguluhan ako sa inaakto niya.

"Anong problema mo? Ang lungkot lungkot ng mata mo. Can you tell me what your problems are?"

Nawala ang ngiti sa labi ko dahil sa tanong niya. Buong buhay ko ngayon lang may nagtanong sa akin ng ganito. Ngayon lang may nakakita ng lungkot sa mata ko. Ngayon lang may nakaramdam ng pagod sa mukha ko.

Umiling ako sa kaniya at umiwas ng tingin. Nag iinit ang sulok ng mata ko.

Naramdaman ko na lang ang pagyakap niya sa akin. Hindi ko na napigilan ang sarili kong umiyak.

Punong puno na ng hinanakit ang puso ko. Pagod na pagod na ako.

"P-pagod na pagod na a-ako Uno. U-ubos na ubos n-na ako" nabasag ang boses ko dahil sa halo halong nararamdaman.

"W-walang wala na ako, p-pero kulang pa din. Hindi pa din ako s-sapat. H-hindi p-pa din nila ako k-kayang m-mahalin"

"Shout it Mei. Shout it out"

Ihinarap niya ako sa railings. Habang siya ay nasa likuran ko.

"Pero U-uno-" nagulat ako ng sumigaw siya bigla habang nakahawak sa railings.

"PAGOD NA PAGOD NA AKONG ABUTIN LAHAT NG EXPECTATIONS NIYO! PAGOD NA PAGOD NA AKONG GAWIN LAHAT NG GUSTO NIYO! PAANO NAMAN PO ANG GUSTO KO?"

Tumingin siya akin, iyong tingin na nagsasabing "sige lang". Huminga ako ng malalim.

"PAGOD NA PAGOD NA AKONG IBIGAY LAHAT SA INYO! NAKAKAPAGOD KAYONG MAHALIN! AHHHHH! BIGYAN NIYO NAMAN AKO NG PAHINGA!"

kasabay ng pagsigaw ko ay ang tuloy tuloy na pag agos ng luha ko.

"PAGOD NA AKONG MABUHAY! PAGOD NA PAGOD NA! GINAGAWA KO NAMAN LAHAT, K-kailan ba ako magiging sapat"

Nanghina ang mga tuhod ko. Niyakap ako ni Uno at hinayaang umiyak sa dibdib niya.

Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso niya.

Nagpapasalamat ako sa kaniya dahil kahit papaano ay nabawasan ang bigat sa puso ko na ilang taon ko nang dinadala.

Mabuti na lamang at hinayaan ko ang sarili kong humanap ng dahilan para magpatuloy. At nahanap ko na siya. Sa wakas, nayakap ko na siya. Ang ulap ko, kung saan nakaramdan ako ng pahinga.

~💙

Under A Rest | ☁️Onde histórias criam vida. Descubra agora