"Ah. Palaging si Hershel ang taya, minsan ay si Aryana, Jace o kaya Josh. Ang dami na nila dadagdag pa ba ako?"

"Ang kapal naman pala ng mukha mo"

"Gwapo naman"

Itinuloy ko na lang ang pagkain ko dahil alam kong magsisimula nanaman siya magyabang.

Pagkatapos namin kumain ay ihinatid niya na ako sa amin.

"Para sayo" nanlaki ang mata ko ng iniabot niya sa akin ang toblerone.

"Hala? Ang mahal niyan hindi ko tatanggapin yan"

"Come on Mei"

Umiling ako at iwinasiwas pa ang kamay sa harapan ko.

"Good night Mei" inilagay niya sa kamay ko ang chocolate at sumakay sa kotse niya.

"Teka sanda-" hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil dali dali na siyang umalis.

Ang lalaking yon. Kahit kailan talaga. Pasaway.

Kinabukasan ay maaga akong nagising para maghanda. Maghapon ang duty ko ngayon kaya naman kinailangan kong magbaon ng pagkain.

Naglakad ako palabas at nagulat ako ng makita sa kanto si Uno na nakaupo.

Nilapitan ko siya at lumawak ang ngiti niya ng nakita ako.

"Anong ginagawa mo dito?"

"Sasama ako sa trabaho mo"

"Baliw ka na ba?"

"Hindi pa"

"Tigilan mo ako Uno. Umuwi ka na"

Iniwan ko siya doon at naglakad na, baka malate pa ako dahil sa kagagawan niya.

May nadaanan pa akong mga batang kalye at hindi ko sila matiis kaya naman nag abot ako ng kaunting pera para may maibili sila ng pagkain.

Akala yata ni Uno ay hindi ko siya nakikita, nagtatago pa siya sa mga posted sa tuwing lilingon ako. Kung umasta siya ay parang ang liit liit niya para hindi ko siya makita.

"Lumabas ka na Jan Uno! Mukha kang tanga"

Nakanguso pa siyang lumabas sa poste.

"Kita mo ko?"

"Anong akala mo sakin? Bulag?"

"Hayaan mo na kasi ako"

At iyon nga ang ginawa ko, hinayaan ko siyang guluhin ako sa trabaho ko. Mabuti na lamang at hindi ako napapagalitan dahil gustong gusto din nila si Uno. Palabiro kasi at syempre gwapo.

Mabilis lumipas ang oras kaya naman natapos na din ako sa duty ko.

Hinatid ako ni Uno sa kanto at kumain muna kami ng ihaw ihaw bago siya umalis.

"Bukas wala ako" panimula niya

"Talaga?"

"Teka! Bat parang masaya ka pa?"

Nagkibit balikat na lang ako. Natatawa ako sa reaksyon niya.

"San ka?"

"Golf. With Dad"

Pagkatapos noon ay sumakay na siya ng jeep at umuwi na.

Kinabukasan ay day off ko kaya naman naglaba muna ako ng mga labahan at naglinis ng bahay.

Kinahapunan ay tumawag si Hershel sa akin at nagpapasama. Pumayag naman ako dahil namimiss ko na din siya. Nagkikita lang kasi kami sa school at bihira makapag usap.

Naligo ako at nagbihis ng maayos ayos na damit. Dahil malapit lang naman ito sa mall ay isang sakay lang. Nauna ako sa kaniya kaya tinext ko siya kung nasaan ako banda. Umupo ako sa bench para intayin siya.

"Meiiiii!!"

"Hi Hersh"

"It's been a long time"

"O.A mo lagi naman tayo nagkikita sa school"

Natawa kami pareho dahil doon. Nagsimula kaming magtingin sa ibat ibang store. Nahirapan pa siya mamili kung anong bibilhin niya.

Nabanggit niya sa akin na ipagbibake niya si Kylo Ng cake. Nagulat pa ako dahil marunong pala siya non.

"It's so tiring. Are you hungry?"

"Slight lang"

Hindi ko na sinabing hindi dahil nakakaramdam na din naman ako ng gutom. Mamaya niyan ay traydurin ulit ako ng tiyan ko. Nakakahiya sa kaniya.

"Let's eat first, where do you want to go?"

"Kahit saan"

"Street foods tayo?"

"Sure ka?"

Tanong ko sa kaniya dahil baka hindi iyon ayos sa kaniya. Pero hindi siya sumagot at hinila na lang ako palabas.

Dumiretso kami sa gilid ng mall kung nasaan ang mga street foods.

Ang dami niyang gustong kainin at itry. Natatawa pa ako sa kaniya kapag nagustuhan niya ito, para siyang Bata.

"What's this again?"

"Kinalas"

"This is so delicious"

Ang dami niyang kinain, parang minsan lang siya makatikim ng ganito. Parehas sila ni Uno, mayaman pero hindi makikitaan ng arte sa katawan.

"Ow! Sorry!"

"Busog na busog ah"

"Of course"

Narinig kong nagring ang cellphone ko kaya sinagot ko iyon.

"Hello pa? Bakit po?"

"Bakit ang gulo ng kwarto mo nak? May pumasok ba dito?"

Nagulat ako kalilinis ko lang noon. Imposible iyon.

"Sige pa. Pauwi na Po ako"

"Hersh kailangan ko ng umalis, kailangan kasi ako sa bahay eh"

Paalam ko sa kaniya.

"Oh! Is everything alright? Hatid na kita"

"Hindi na, salamat"

Dali dali akong umalis at sumakay ng jeep. Agad akong nakarating sa bahay. Sa labas pa lang ay dinig ko na ang sigaw ni ate sa loob.

"Anong nangyayari?"

"Ikaw! Kaya pala ang damot mo dahil kung ano anong luho ang binibili mo"

Bumaling ang tingin ko sa singsing na hawak ni ate. Iyon yung bigay ni Hershel at Toblerone na galing kay Uno.

"Bigay yan sakin ng mga kaibigan ko"

"Bigay? Sinong magbibigay ng ganito? Baka naman ninakaw mo?"

"Hindi ako magnanakaw!" Hindi ko na napigilan na masigawan siya.

"Tingnan mo na papa! Sumasagot na"

"Meisha anak! Saan ba nanggaling ang mga ito?"

"Bigay po iyan ng mga k-kaibigan ko"

Nabasag ang boses ko dahil pakiramdam ko ay maiiyak na ako.

Pati ba naman pamilya ko ganoon ang tingin sa akin? Bakit naman ganito kasama sa akin ang tadhana.

~💙

Under A Rest | ☁️Where stories live. Discover now