Napatingin ako sa lalakeng nasa likuran niya. Ngiting ngiti itong kumaway sa akin na parang bata. Napakunot ang noo ko dahil doon. Mukhang napansin ni Hershel iyon.

"Uno ano ba? You're scaring her"

"Para kang tanga Uno!" diretsang sabi ni Avril na may kasama pang pambabatok.

"Mei this is Uno my best friend"

"Kung makapag salita ka parang lugi ka pa sakin a!" reklamo ng lalaki.

Kailangan ko ng umalis, pero paano ako sisingit sa usapan nila.

"Are you up to somewhere?" tanong ni Avril sa akin.

"Ah. Oo"

"Where?" Kunot noong tanong ni Hershel.

"Hospital. Discharge ng papa ko"

"Omy! I'm sorry about that" Ayan nanaman siya, kahit walang kasalanan.

"Sakto, madadaanan ko iyon. Hatid na kita" nagulat ako dahil nag offer si Uno na ihatid ako.

"Hindi na. Kaya ko naman"

"Sige na. Magpahatid ka na" tatanggi pa sana ako kaso, naiintimidate ako kay Avril. Kaya tumango na lang ako.

Nagpaalam kami sa kanila at sumunod lamang ako kay Uno hanggang makarating sa parking lot, kung nasaan ang sasakyan niya.

Pinagbukas niya pa ako ng pinto at agad naman akong tumalima.

"Anong sakit niya?"

"Asthma"

Hindi ko alam Kung bakit siya nagtatanong dahil hindi naman kami close.

"Working student ka?"

"Oo"

"Bakit?"

"Kailangan e"

"Ang cold naman"

Napatingin ako sa kaniya dahil sa sinabi niya. Hindi naman, di lang talaga ako komportable, dahil hindi naman kami magkakilala.

"Salamat" Sabi ko sa kaniya bago lumabas ng kotse niya.

Nakahanda na ang mga gamit ni papa kaya naman dumiretso agad kami sa counter para mag bayad.

"Ma'am ok na po. Bayad na po ang bills niyo"

"Po?" Nagulat ako sa sinabi ng nurse na naandon. Paanong nangyari yon?

"Bayad na po kagabi"

"Sino daw po yung nagbayad?"

"Hindi po sinabi ma'am eh"

Sino naman kaya iyon? Imposible na sila ate iyon. Nakatulala akong lumapit Kay papa.

"Ayos ka lang ba anak?"

"Opo pa. Tara na"

Naguguluhan man ay hindi ko na muna inisip iyon.

Nagulat ako dahil pag labas namin ng hospital ay nandoon pa si Uno. Nakasandal sa kotse niya habang nagcecellphone. Agad niyang ibinulsa iyon nang makita kami.

"Ano pang ginagawa mo dito?"

"I'm waiting for you"

"Akala ko ba ay may pupuntahan ka?"

"Nanggaling na ako doon. Sabi ni Hershel ay ihatid ko na din kayo sa bahay ninyo"

Pumayag na lamang ako dahil baka Kung ano pa ang isipin ni papa.

"Kumusta po kayo sir?"

"Ayos na ako. Salamat sa Diyos hindi masyadong malala"

"Mabuti naman po kung ganoon"

Ngiting ngiti si papa habang nasa sasakyan kami at kausap niya si Uno. Nagawa pa kaming ihatid ni Uno sa bahay namin, nagkukwentuhan pa sila na akala mo ay magkakilala.

"Pa, aalis na po kami. May pasok pa po kami" pag putol ko sa usapan nila dahil nawiwili na si papa

"Ganoon ba? Sige ingat kayo."

Hinatak ko na si Uno papalabas ng bahay. Naglakad kami hanggang sa kanto kung nasaan ang kotse niya.

"Maraming salamat sa tulong mo. Pakisabi din kay Hershel salamat"

Naglakad na ako palayo pero hinatak niya ako.

"Saan ka pupunta?"

"Papasok?"

"Bakit ka maglalakad?"

"Alangan tumakbo ako"

"Gusto mo paliparin kita? Ang payat payat mo, ang tapang tapang mo"

Napaawang ang labi ko. Iniinsulto niya ba ako? Narinig ko ang tawa niya. Nakakainis.

Aalis na sana ulit ako ng pigilan niya ako.

"Ano ba?"

"Saglit. Samahan mo naman ako"

"At bakit?"

"Hindi pa ako kumakain"

Naalala ko, hindi pa din ako kumakain at nakakaramdam na din ako ng gutom.

"At anong kinalaman ko dun?"

"Samahan mo ako"

"Bakit ako sasama sayo? Hindi tayo magkaibigan o kahit magkakilala man lang"

Napaisip siya doon at napakamot sa ulo niya.

"Ililibre kita"

"Hindi ako nagugutom"

Tumunog ang kanina pang nagwawala kong tiyan. Napapikit ako dahil sa kahihiyan. Narinig ko ang pigil niyang tawa.

Sinamaan ko siya ng tingin at padabog na sumakay sa sasakyan niya.

Nakita ko pang nagpipigil siya ng tawa habang papasok sa kotse niya. Nakaramdam ako ng inis dahil sa ginagawa niya.

"Kapag hindi ka pa tumigil ay lalayasan kita"

"Sorry" kinalma niya ang sarili niya.

"Teka. Ako nga pala si Crunos Mendez. You?"

Talagang nagpakilala nanaman siya.

"Meisha. Meisha Londres"

Nakipag shake hands pa siya, tinanggap ko na lang para matapos na.

"Magkaibigan na tayo a?"

Tumango na lamang ako habang natatawa.

"Luh? Parang lugi ka pa ah? Teka. Pinagtatawanan mo ba ako?"

"Hindi. Ang bantot lang ng pangalan mo"

Sa tingin ko naman ay hindi masamang makipag kaibigan sa kaniya. Nakikita ko naman na mabuti siyang Tao. Saka kaibigan lang naman.

~💙

Under A Rest | ☁️Where stories live. Discover now