And I am praying and hoping that it won’t be my lovely granddaughter Amira. I want her to live in peace, away from this mad tradition of the Nakamura’s.

Humanity shall not search to evolve, and they shall not seek it, or else she’ll rise. Especially that she’s the only way to reach immortality, she’s the start, the genesis. And if she wakes up, humanity will surely perish.

Because the symbolism of eternity, the equinox, Alejandra Nakamura, is always craving for flesh and blood.

Ilang minuto akong nakatitig sa papel na tila ba’y ayaw rumehistro sa ‘king utak ang bagay na aking nabasa. Si Antoinette Yvonne Nakamura ay ang aking lola na hindi ko man lamang nagawang masilayan o makita.

Pero…

Kahit kailan ay hindi ako sinabihan ng aking mga magulang na h’wag maging malungkot ngunit hindi ko naman iyon masyadong naranasan sa puder nila. Palagi akong masaya dahil nakatuon ang buong atensyon nila sa ‘kin.

Ni hindi ko rin naranasan na masilayan ang babaeng kanyang nilalarawan o malagyan ng sinasabing dugo nito.

“Bakit parang natigil sa akin?” Takhang tanong ko sa sarili.

Eighteen. Kung tama ang natatandaan ko, labing walong taong gulang ako nang tumakas kami ni Cara sa bahay ng mga Nakamura dahil sa biglaang pagdating ng mga kasamahan ng ama ko.

Kagat-labi kong pinatay ang lighter saka tinitigan ang papel. Ang tatay ng aking lola ay nagbago ang ugali, maging ang kanyang naging asawa dahil natutuhan nila ang tungkol sa kakaibang proyekto ng pamilya namin.

Nangyari rin kaya iyon kay Daddy?

“Hmm… H—hindi kaya? Hindi kaya naging pamalit si Mommy sa akin?” Nakatala sa sulat na hindi sina Mommy ang tamang vessel para sa katawan ni Alejandra ngunit pinagpatuloy ba ni Daddy na gamitin ang aking ina upang ipamalit sa akin dahil sa pagtakas ko?

“That… that is just sick…” I heaved a sigh and hid the paper under Parker’s bed and silently walk outside his room.

Walang tayo sa paligid nang makalabas ako dahilan upang tahimik akong tumungo sa laboratory. Nang makapunta ako ro’n ay sumandal ako sa pintuan at pinanood si Parker habang lutang s’yang nagbabantay sa semi-bozo.

Hindi ko naman mapigilan ang mapangisi dahil hindi n’ya pa rin napapansin ang prisensya ko.

Tahimik at maingat akong lumakad papunta sa kanyang likod ngunit hindi n’ya pa rin ako napapansin hanggang sa dahan-dahan kong pinulupot sa kanyang balikat ang aking mga braso at siniksik ang aking ulo sa kanyang leeg.

“I’m scared…” I mumbled. He gently caressed my hand.

He softly laughed, “Are you seriously doing this in front of a patient?” he joked.

I pouted and leaned my body more, so I can see him.

“Hayaan mo s’ya. Malaki na siya’t kaya niya na ang sarili niya.” Saglit akong pumikit at muling sinandal ang aking ulo sa kanyang balikat. Tiyak akong pinagmamasdan ako ni Parker, “Kailangan ko ng pahinga…”

“O, bakit ka nandito sa ‘kin? Akala ko ba matutulog ka na?”

“You’re my rest spot…” I whispered, “You’re my human bed.”

Natatawa kong minulat ang mga mata ko at napansin ko na masama ang kanyang tingin sa akin dahilan upang ngitian ko lamang siya.

“Panira ka,”

“Bakit? Kinikilig ka na ba sa akin?” Pang-asar kong tanong.

“Asa ka,”

Nginisian ko naman s’ya dahilan upang pagtaasan n’ya ako ng kilay, “Bakit parang ikaw ang umaasa sa akin? Anong gusto mo ako o ako pa rin with label?”

Nahihiya siyang pumaling sa ibang direksyon at natatawa kong tinanggal ang pagkakayakap sa kanya. Namumula s’ya at hindi ko alam kung mula sa inis o pagkahiya, maaari rin naman na parehas.

Malalim s’yang nagbuntong-hininga bago ako lingunin. Ang mga mata n’ya ay nag-uumapaw sa kuryosidad habang ito ay nakatingin sa akin.

“May problema ka.” Hindi iyon tanong. Basa n’ya ang kakaibang pag-akto ko.

Bumuntong-hininga muna ako bago ko sinalaysay sa kanya ang nabasa ko mula sa papel. At kung isang piraso lamang iyon ng papel, tiyak akong marami pang nakasulat sa mismong lathalaan nito.

“Let’s tell them—”

I pulled him, “Don’t!”

“Are you still unsure of Mr. Gonzalo and the others? Because they are with your father during that time?” Parker asked, making me nod. He suddenly ruffled my hair and went back to his seat. “So, how are we going retrieve that journal?”

“Let’s ask someone who knows to blend in.” He knew who I was talking about, and that’s good.

“A… Al…”

Nanlaki ang mga mata namin ni Parker dahil sa boses na hindi nagmumula sa amin. Nang dahan-dahan akong lumingon sa pinanggalingan ng semi-bozo ay napangiwi ako lalo na’t pilit nitong ginagalaw ang kanyang mga daliri.

Impit akong napasigaw nang bigla na lamang itong gumalaw at kumapit sa braso ko.

Putangina! Bakit ako? P’wede namang si Parker!

“Al— Al…” Alejandra? Alyxandria? Alleona? AlmiraCharot.

Nang tinitigan kong mabuti ang semi-bozo saka ko napansin na hindi na siya mukhang kadiri at naagnas. Bumalik na ang natural nitong kulay maging ang itsura nito.

“Alex…” Ay. Wala sa nabanggit. Nang bigkasin n’ya ang pangalan ng kapatid ko ay dahan-dahan siyang nawalan ng malay. Nawala rin ang mahigpit na kamit n’ya sa akin ngunit hindi naman siya namatay.

Parehas kaming nagulat ni Parker nang bigla na lamang bumukas ang pinto. Mabilis kaming pinuntahan nina Alex at pinukulan ako nang masamang tingin.

“Anong nangyari?” Tanong ni Alex.

“Late ka na. Tulog na ulit ‘yong tatay mo e,” sambit ko habang nginunguso ang semi-bozo na tao na.

“Sinasabi mong bobo ka? Ni hindi ko nga kilala ‘yan.”

“Nice to see you, too,” I joked.

I glimpse at the patient and carefully examined him.

Who are you?

#

OUTCAST (PUBLISHED)Where stories live. Discover now