CHAPTER 4

13 2 0
                                    

            CHAPTER 4: Z?

ATHENA VIEN TAURINE P.O.V

Nandito lang ako sa bench ng park at patuloy na umiiyak.
Nangyari nanaman yung kinakatakot ko, yung isa sa dahilan kung bakit gusto kong takbuhan ang nakaraan ko.

Iyak lamang ako ng iyak hanggang sa may makapa ako da aking bulsa na isang bagay. Kinuha ko ito at pinagmasdan.

Andaming mga ala-alang bumabalik sa akin. Isang Handkerchief na panglalaki yun, ang tanging bagay na hinding hindi ko puwedeng mawala o kahit mailayo ko man lang sa akin dahil bigay iyun mismo ng isang taong kayang pakalmahin ako, na kayang gawing free yung sarili ko, yung taong kaya kong paglabasan ng totoong ako nang hindi ako iju-judge.

Simple lang naman itong handkerchief na ito, kulay dark blue then nagpe-fade sa bandang dulo kaya kaya naging white blue then may naka-engrave ditong letter na “Z”
I remembered, he was the one who gave me the nickname of V para daw bagay kami.

Sa kabila ng kalungkutan ko ay napagaan ng kaunti nitong handkerchief na ito yung kalungkutan na nararamdaman ko.

Nasaan kana kaya ngayon kuya Z? Alam ko namang nandito ka lang sa US eh. Alam mo bang ang tagal na kitang hinahanap, ang tagal ko nang hinihintay na dumating ang araw na makasalubong kita. Sa lahat ng tao na naging parte ng buhay ko, ikaw lang ang nakakaintindi at nakakaunawa sa akin. I miss you so much, sana naman bumalik kana” pagkakausap ko sa handkerchief na hawak at humihiling na sana’y dingin ng kalangitan ang hiling ko.

Chasing Constellation (on-going)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum