Chapter 19:

5.1K 141 42
                                    

Bleu's POV:

Dinala sa ospital si Kevin, that same hospital no'ng nagkita kami sa harap ng vending machine.

Laine is with Thea right now, naputol ang Day off ni Thea kasi walang magbabantay kay Laine since binabantayan ko si Kevin.

He's stable right now pero I'm not fine.

I talked with the Doctor earlier at parang hindi ko mapapatawad ang sarili ko kasi wala akong alam.

[He's on his final stage of lung cancer, he's dying. His Doctor in the US is a friend of mine, Dr.Middleton told me that Kevin wants to spend his remaining days in the Philippines. He's been going back and forth in this hospital because his condition is getting worse. I hope his love ones could make his remaining days memorable kasi sa ngayon? Only time can tell.]

'Yan ang sabi sa akin ng Doctor. He told me na matagal ng may sakit si Kevin. Mas naguguluhan ako, did he leave the country dahil sa Dad ko o dahil sa sakit niya?

"Bleu."

"Kevin!", nagmamadali akong lumapit sa kanya.

Gusto ko siyang hampasin kasi inis na inis ako sa ginawa niya pero hindi ko magawa.

I thought it was weird na he's wearing a cap, he has been wearing wigs all this time.

He lost all of his hair.

"Bakit 'di mo sinabi sa akin? Kailan pa?", naiiyak kong tanong sa kanya.

"Alam kong darating rin ang panahon na kailangan ko sabihin sa'yo ang totoo..."

"Sabihin? Inantay mo pa na malaman ko muna bago mo sasabihin?", may halong inis kong saad sa kanya.

"Matagal na akong may sakit Bleu, it was just recently nang malaman kong hindi na ako magagamot kaya bumalik ako ng Pilipinas para dito nalang ipagpatuloy ang treatment ko. Umaasa pa rin ako kahit malabo na... Your Dad knew about it."

"Anong ibig mong sabihin?", mas naguguluhan ako, anong kinalaman ni Dad?

"Remember what I told you sa park? Your Father isn't as bad as you think. He's someone who loves you so much."

Namumuo ang luha sa mga mata ko.

"Tell me everything.", sabi ko sa kanya.

"I will."

Kevin's POV:

*4 years ago*

"Bleu, masyado pa tayong bata, 'wag nalang kaya tayo mag tanan? Teka, mali!"

"Bleu, haharapin ko tatay mo, kakausapin ko lalaki sa lalaki! Masyado bang matapang?"

Kanina pa ako dito sa parke inaantay si Bleu, plano niyang itanan ko siya kasi hindi sumasang-ayon sa pag-iibigan namin ang Tatay niya. Nagpra-practice ako ng sasabihin ko sa kanya, actually.

Mahal ko si Bleu, walang duda do'n, kaya lang, masyado pa kaming bata, hindi ko rin alam kung hanggang kailan ko siya masasamahan, pakiramdam ko lang hindi ako magtatagal sa mundo.

"Bleu, ipaglalaban ko ang pagmamahal ko sa'yo kaya gawin natin ang tamang paraan. Kahit nakakatakot Tatay mo ay haharapin ko siya.", practice ko.

"Ehem."

Muntik na akong mapalundag sa gulat nang may malakas na tumikhim sa likuran ko, napaharap ako, at doon ako literal na napalundag nang makita kung sino.

Nahuli ba kami?

"S-sir."

Tatay ni Bleu. Paano niya nalaman ang tungkol sa pagkikita namin ni Bleu dito.

Pregnant With My Professor's Child (BOOK #1)Where stories live. Discover now