Chapter 6:

5.1K 141 11
                                    


Bleu's POV:

Dumaan na ang isang buwan, oo isang buwan, ibig sabihin 2 months na akong buntis pero hindi pa rin naman ganun kahalata kasi wala namang masyadong pinagbago sa laki ng tiyan ko, mukha lang akong busog ng konti hahahaha.

Ayun nga, isang buwan na rin lumipas simula nung pinilit ko si Ampa na jowain ako pero guess what? 'Yung akala ko may progress na kami, akala ko lang pala.

Minsan lang kami magsama 'pag nasa school lang ako at 'pag subject niya kasi hindi ako makapunta lagi sa opisina niya dahil pinagbabawalan niya ako. Inaasahan ko magiging sweet man lang siya kahit konti, pero alam niyo? Ginawa na talaga akong secretary ng lalaking 'to.

Kung anu-ano inuutos sa akin tapos ako lagi ginagawa niyang checker sa mga test papers. Kulang nalang sweldohan niya ako eh.

Mas lalo pa siyang naging strikto kung alam niyo lang, ang tahimik 'pag siya 'yung nagtuturo, kasi next week na first midterm exam, malaki expectations niya raw sa section namin, nakaka pressure diba? Wala akong section kasi nga paiba-iba schedules ko pero nakalagay doon sa records na section Charlie ako kasi most of my schedules ay sa section Charlie

"Beh, nakikita mo ba 'to?", sabay taas ni Ericka ng libro niya sa subject ni Ampa.

"Oh bakit?", takang tanong ni Sam, magkasama kaming apat ngayon, nag-lalunch. Katatapos lang ng klase ni Ampa.

"Nagbabasa ako ng libro beh! Advance reading! Ako pa ba 'to?", sagot ni Ericka na may paiyak-iyak effect pa.

Sabay kaming natawa nila Sam at Tricia.

Nung nakaraang araw kasi bigla siyang pinatayo for oral recitation, muntik na daw siya mahinatay sa kaba dahil kay Ampa kahit alam niya 'yung sagot. Kaya ito siya ngayon, nag-aaral ng mabuti hahaha takot na walang masagot sa susunod na pasagutin siya.

"Kain ka muna bakla, maya ka na magbasa.", sabi ni Tricia sa kanya na punong-puno ng pagkain ang bibig.

Nagmamadali kasing kumain 'tong tatlo na 'to, 'yung next class ko ay within 1 hour pa habang 'yung sakanila ay within 15 minutes na, maaga tinapos ni Ampa klase niya ngayon kaya inaya nila akong kumain, hindi naman pwede na iwasan ko 'tong tatlo lagi dahil kay Dad, baka mag tampo kaya sumama na ako.

"Ibaba mo na 'yan bakla. Kain na.", sabi ni Sam at inagaw kay Ericka 'yung libro.

Tinidor ko 'yung meatballs na dala ni Tricia;

"Nganga bakla, kain ka, say ahhhhhhhh.", sabi ko at ngumanga naman siya kaya sinubo ko 'yun sa kanya.

"Yieeeeeeee", sabay na tili ni Sam at Tricia at natawa lang ako.

Una ko naging kaibigan si Eric o Ericka kesa nila Sam at Tricia noon, tapos akala talaga nila mag-jowa kami, kasali 'yang si Sam at Tricia noong 2nd year na nanunukso sa amin ni Eric hanggang sa malaman nilang bakla hahahah.

"H-hi sir, kain po tayo.", sabay na napatayo sila Sam at Tricia habang napatingin sa likuran ko, magkatabi kami ni Eric kaya napalingon kami.

"Hala babe este sir, kain po tayo.", si Eric.

Si Ampa pala.

Anong ginagawa nclassroom.

Napatingin siya sa akin saglit.

"No, thanks but why are you guys eating here? Para saan pa at may cafeteria? Weren't you all informed na bawal tumambay sa loob ng classroom?"

Ayan na naman siya, ang sungit lagi.

Hindi na kasi kami lumabas sa classroom after ng klase niya.

"Ang arte naman hindi naman magkakalat.", mahina kong sabi tapos narinig niya.

Pregnant With My Professor's Child (BOOK #1)Where stories live. Discover now