Andra Pov
Inilapag ko ang aking gamit sa ibabaw ng kama ng silid na binili namin. Sabi ng may dating kanya nito, matagal na daw itong hindi natutulugan kaya medyo maalikabok ang mga gamit dito. Magpapadala na lang daw siya ng ilang tao para linisin ang lahat na nandito.
Lumipat kami ng mga magulang ko dito sa probinsiya matapos ang aksidenteng naranasan namin sa Maynila. Isa kasing pulis ang aking ama. Isa sa pinakamagaling na pulis, dahil dito ay naikwentro siya sa isang barilan, na-ospital pero buhay naman. Pagkatapos noon ay pinilit siya ni Mama na umalis na sa trabaho, pumayag naman ang ama sa desisyon ng aking ina.
Napatingin ako sa sa isang malaking kabinet na katapat ng kama na hihigaan ko. Sobrang laki nito at animo'y antigo. May malaking salamin ito, may mga kaunti ng gasgas ngunit malinaw mo pa ring makikita ang imahe mo sa salamin.
Lumapit ako sa may salamin at pinagmasdan ang hitsura ko doon. Napakunot ang aking noo ng mapansin kong may kakaiba dito, hihipuin ko na sana ang salamin ngunit biglang pumasok si Mama na may dala dalang santo.
Hindi umimik si Mama habang nilagay ang santo sa ibabaw ng lamesa. Lumabas na kaagad ito ng wala mang sali salita.
Napakamot ako sa ulo. Palibhasa, sila ay may ginagawa. At ako? Ito tamang pa chill chill lang.
Dahil sa pagod sa biyahe ay naisipan kong magpahinga muna at matulog.
------
Nagising ako sa isang malakas na kalabog, pag mulat na pag mulat ko ay kitang kita ng dalawang mata ko, na maraming dugong nakakalat sa loob ng kwarto.
Amoy na amoy ko ito, kaya kaagad akong nataranta. Pinipilit kong igalaw ang aking mga kamay at paa ngunit hindi ko ito maikilos, parang may pumipigil sa aking katawan.
Pakiramdam ko ay may nakahawak sa aking ulo, ramdam ko kung paano niya ibaling ang aking ulo sa kanang bahagi ng kama.
Dito ay may nakita akong babae, nakaputing bestida. Maganda ito, maputi at matangos ang ilong.
Mula sa kinahihigaan ko ay rinig ko ang kaniyang sinasabi sa mga lalaking nakasuot ng itim na maskara at may dala dalang kutsilyo at mga baril.
Gusto ko mang sumigaw para humingi ng tulong ay hindi ako makapag salita, pinipilit ko mang pumikit ngunit hindi ko rin magawa dahil pakiramdam ko ay may pumipigil sa akin.
" Anong kailangan niyo?! " Rinig kong histerical ng babae
Hindi man lang nagsalita ang mga lalaking nasa harapan niya! Basta lamang sinaksak ang babae sa tiyan! Hindi lamang iyon, pinagsasaksak ang kaniyang tiyan ng ilang beses! Inalis ang kaniyang mga buhok, mga mata, bibig, tenga!
At ang mas karumal dumal pa ay pinugutan ito ng ulo! Kitang kita ko ang pangingisay ng kaniyang katawan! Napaluha na ako sa aking nakita. Nais ko mang sumigaw ay hindi ko magawa!
Kitang kita ko rin kung paano nila pinag hahati ang katawan ng babae, isa isa nilang hiniwa ang mga daliri nito sa kamay at paa! Hinati sa dalawang bahagi ang braso at paa nito! Hinati pa sa dalawang bahagi ang katawan! Binalot nila ito sa suot na bestida ng babae! Ang dating puting damit nito ay naging pulang pula dahil sa dugo!
Nilagay nila ang hati hating katawan ng babae sa loob ng antigong kabinet!
Pagkatapos nito ay kaagad tumingin sa gawi ko ang mga lalaking pumatay sa babae,
Unti unti silang lumapit sa akin dala dala ang kutsilyo, sasaksakin na nila sana ako ngunit---
" ANDRA! " Kaagad akong nagising dahil sa sigaw ng aking ina! Isang panaginip lang pala.
Pinunasan ng aking ina ang aking pawis at mga luha. Ramdam ko ang panginginig ng aking kamay sa takot at kaba dahil sa nakita ko.
Yakap yakap naman ako ng aking ama, at ang aking mga kapatid naman alalang alala na nakatingin sa akin
" Kanina pa kaming natataranta! Kanina ka pang sigaw ng sigaw ng ‘ tulong! Tulong! Tulungan niyo kami! ’ kami? At sino naman? " Tanong ni mama
Kahit natatakot man ako ay sinabi ko ito sa aking mga magulang
" N-napaginipan k-ko p-po k-kasing m-may babaeng pinaghahati ang k-katawan tapos n-nilagay sa loob ng k-kabinet ang mga parte n-nito " kaagad napailing si mama
" Walang laman ang kabinet na yan, kahit itanong mo pa-- " kaagad nanlaki ang mata ko ng makita ko na may nakasabit ng puting bestida sa likuran ng pintuan sa silid na tinutulugan ko!
" M-ma k-kaninong b-bistida y-yan? " Nanginginig kong sabi, tumingin ito sa bistidang nakasabit, tumayo ito at lumapit doon. Kinuha niya ito, tiningnan ng mabuti at kumunot ang noo
" Hindi ko alam. Ngayon ko lang 'to napansin " kaagad akong umiyak at yumakap ng mahigpit sa aking ama
" I-iyan ang s-suot ng b-babae sa p-panaginip ko! A-alisin n-niyo yan! "
Isinabit na ni mama ang bistida sa dati nitong pinag sabitan, at bumalik sa aking gawi
Mas lalo pa akong natakot ng may nakita akong umaagos na dugo mula sa loob ng kabinet
" M-m-m-may d-dugo! " Isinubsob ko na ang aking mukha sa dibdib ng aking ama dahil sa nakita ko.
Rinig kong inutusan ni Daddy ang aking kuya para buksan ang kabinet. Ngunit sa pagbukas nito ay isang masangsang na amoy ang bumungad, at kita naming lahat ang isang telang halos puro dugo hindi na ito bass, tuyo na ito at animo'y matagal ng nasa loob ng kabinet.
" Tumawag kayo ng pulis! " Utos ni Papa kina kuya na kaagad namang sumunod
Napasigaw si mama sa takot.
Tiningnan ko ang bistidang nakasabit kanina sa likod ng pintuan ngunit wala na ito.
Habang naiyak ako ay may bumulong sa akin, babae ang boses,mahinahon at malambing
“ Maraming Salamat, sa wakas mayroon na ring hustisya ang aking pagkamatay ”
Iminulat ko ang aking mga mata, at mula sa salamin ay may nakita akong isang babaeng napakaganda! Ang babaeng nasa panaginip ko! Kita ko ang imahe niya sa salamin ng kabinet, naluha ito habang nakatingin sa akin. Ngumiti ito bago mawala sa aking paningin...
