Napaiwas naman nang tingin si Carlo. "K-kami'y mag kaibigan, at k-kasama palang natin sya diba?" Nauutal na saad ni Carlo na ikinahagakhak ko nang tawa. Nilagay ko ang siko ko sa balikat nya. "Carlo ang ibig kung sabihin ay yung kayo, alam mo na? Yung parang relasyon ganon." Nakangising saad ko.

Nabilaukan naman si Carlo sa sarili nyang laway. "H-Huwag kangang maingay Asuncion baka may makarinig saiyo." Kinakabahang saad nito. Tumingin tingin pa ito sa kaliwa't kanan na ikinatawa ko nang malakas. "Carlo naman! Napaka torpe mo naman! Para kanamang sya!" Natatawang saad ko.

Napatigil ako sa pag tawa nang makita kung nakatitig ito sa akin. "Kamusta na pala kayo ni Señorito Ezequiel?" Napaayos ako nang tayo. Sabay ngiwi. "Ayos lang naman kami, pero ngayon hindi kami ayos, naiinis kasi ako sakanya, alam mo yung pakiramdam na gusto mong manabunot nang isang haliparot per-----TEKA NGA!" Naputol ko ang sinasabi ko nang marealize na nilalayo ni Carlo ang usapan.

Pinaningkitan ko sya nang mata. "Nilalayo mo ang usapan, eh!" Mabilis na saad ko. Tumawa si Carlo. Hinampas ko sya sa braso. Shet, ang tigas. Just kidding. "Tsk, basta ang masasabi ko lang habang maaga pa ay sabihin mo na ang nararamdaman mo kay Liwayway, para sa huli wala kang pag sisi." Mapait na saad ko sa dulo.

Napangiti si Carlo nang marahan at tinapik ang aking ulo. "Malaki kana talaga, Asuncion." Nakangiting saad ni Carlo. Napangiwi naman ako at hinawi ang kanyang kamay. "Ginagawa mo naman akong aso, eh!" Nakangiwing saad ko na ikinatawa nya lang. Sininghalan ko lang ito.

"Narito kapala iho." Magiliw na saad ni Aleng Benang. Napangisi naman ako. "Aakyat po sa ligaw si Carlo sa anak nyo..." mahinang bulong ko na mukhang narinig ni Carlo. Mahina ako nitong sinanggi, nang lumingon ako sakanya ay pinanlakihan nya ako nang mata. Napangiwi naman ako sabay irap.

"Aleng Benang pinapunta ko lang dito si Carlo ang sabi kasi ni Tiya Eleha marami paraw nasobra sa niluto nyo kaya naisipan kung tawagin si Carlo, may binigay din ako sakanya kaya exsaktong exsakto talaga." Nakangiting saad ko. Napatango tango naman si Aleng Benang. "Ganoon ba? O sya buti na lamang ay narito ka, halika iho, ipapainit ko kay Liwayway ang aming meryenda kanina." Nakangiting saad ni Aleng Benang bago hinila si Carlo papasok sa bahay.

Natawa nalang ako. Nang tumingin sa akin si Carlo ay nginisihan ko sya sabay kindat. Kumaway pa ako sakanya hanggang sa makapasok ito sa bahay. Napailing nalang ako at pumunta sa likod bahay. Nandoon kasi ang banyo. Naiwan ko ang manali sa buhok ko na binigay ni Esteban. Para sa akin ay isa yun sa mahalagang bagay kaya kahit kailan ay yun ang aking sinusuot.

Pumasok ako sa banyo napangiti nalang ako nang makita ang panyetang yun. Tinago ko ang pulseras na bigay nya kasi baka may humatak nun sa palengke. Hindi man kasi yun masyadong bongga ngunit malalaman mong mahal yun dahil sa malilit na dyamanteng nakalawit sa pulseras.

Lumabas ako sa banyo at sinuot ang panyeta sa buhok ko. Mag lalakad na sana ako nang biglang may humila sa akin. Biglang bumilis ang tibok nang puso ko nang dalhin ako nito sa madilim na bahagi. Hindi ako makasigaw dahil tinakpan nya ang aking bibig.

Binitawan nung humila sa akin ang pag kakahawak sa bibig ko. Sisipain ko sana ito ngunit napahinto ako nang bigla itong mag salita. "Ako ito Eeya." Napataas ang kilay ko nung marinig ang boses ni Antipatiko.

Nang makita ko ang kanyang mukha dahil sa sinag nang buwan ay napasinghal ako. "Tsk, bakit mo ba ako hinila?" Nakataas ang kilay na saad ko. Napabuga naman ito sa hangin. "Nais kitang makita, ngunit parang mas nais mo pang masilayan si Carlo kisa sa akin." Parang batang saad ni Antipatiko.

Napataas naman ang kilay ko. "Anong drama yan? Sarap mong iuntok kamo." Nakangiwing saad ko. Nag iinit ang aking ulo kapag nakikita ko sya, naaalala ko ang nakita ko kanina. Tsk. Nakita ko ang pag iwas nang tingin ni Antipatiko. "Eeya hindi kita nasilayan ngayong araw----" hindi ko na sya pinatapos.

Volviendo Al Pueblo HundidoOnde histórias criam vida. Descubra agora