Nakangiti akong nag lakad. Lalo akong napangiti nang makita kung naka bukas ang gate nila Seguzam. Mukhang umalis sila Donya Sergia at Seguzam dahil kapag umaalis ito ay iniiwan lamang nilang bukas ang kanilang gate sa kadahilanang lahat nang tao dito sa Silayan ay makakapag katiwalaan.

Buti na nga lang talaga ay walang pumapasok sa mansyon nila. Tsk. Nakangiti akong pumasok sa mansyon nila Seguzam. Dito sa Silayan ay sila ang may pinaka malaking bahay o mansyon rito. Kung kaya't parang sila rin ang namumuno at nag papamahalaga nang silayan. At sa pag kakaalam ko rin ay sa pamilyang Buenaventura ang silayan. Kung kaya't parang sila narin ang nag papatakbo nito.

Nawala ang aking ngiti nang makita si Antipatiko. Nakita ko syang may kayakap at mukhang masaya syang kasama ito. Parang nanikip ang aking puso sa aking nakita. Gusto kung hilahin ang buhok nung babaeng nakayakap kay Antipatiko, pero parang nawalan ako nang lakas. Sariling paa ko pa ang nag sabing huwag akong gagawa nang eskandalo dahil hindi naman ako ganon.

Basi sa panonoot nung babae ay mukhang mayaman ang pamilya nito. Hindi kagaya ko maraming ariarian ngunit hawak nang pamahalaan. Bakit ba kasi nangyari ang lahat nang ito sa pamilya ko?

Naramdaman ko ang pag tulo nang luha sa aking mata. Mabilis ko yung hinawi. Kagat labi akong napatitig sakanila parang hindi naman ako masyadong naaapektuhan ngunit andoon ang sakit sa aking dibdib na ang aking nobyo ay may kayakap na ibang babae.

Napailing na lamang ako at mabilis na lumabas sa mansyon nila Seguzam. Tumakbo ako papunta sa bahay nila Carlo. Napangiti ako nang makita kung gaano kasimple ang kanilang bahay. Bumuntong hininga muna ako bago kumatok sa hindi gaano kalaking kubo nila. Ilang segundo lang ay may nag bukas nang pinto. "Ate Yacelia nariyan kapala." Nakangiting saad nang isang batang lalaki.

Ngumiti ako kay Boboy. "Asan ang Kuya Carlo mo?" Nakangiting saad ko na nag pagulat kay Boboy. "Hindi ko akalaing palay na pala ngayon ang lumalapit sa manok!" Parang tangang saad ni Boboy. Palihim nalang akong napangiwi. "Kuya narito si Binibining Yacelia! Ikaw ay hinahanap!" Pag sigaw ni Boboy. Mahina pa akong natawa.

Ilang segundo lang ay lumabas si Carlo. Halatang bagong ligo ito. Napangiti ako nang makita sya. Hinagis ko sakanya yung pinahiram nya sa akin. "Oh, salo!" Natatawang saad ko buti na lamang ay nasalo nya kung hindi sapol sa mukha nya tsk.

"Nag punta kaba Asuncion rito para sa pamunas lang?" Pailing iling na saad ni Carlo. Napakamot ako sa ulo at umopo sa harap nang pintuan nila. "Alam mo Carlo, gusto kung manuntok, lapit kanga sa akin gusto kitang suntukin, eh." Parang sigang saad ko.

Napangiwi naman si Carlo at Boboy. "Ikaw ay umuwi nalang Asuncion, idadamay mo pa kami sa iyung kalukuhan." Pailing iling na saad ni Carlo. Napakamot ako sa aking ulo. "Tsk, gusto ko lang namang manuntok, ha? Ikaw Boboy? Gusto mo suntukin kita?" Nakangising saad ko na para bang manghihingi lang ako nang tag pisong candy sa bata.

Agad na nanlaki ang mata ni Boboy. Mabilis itong tumakbo palabas. "HINDI KO NAIS MAG KAROON NANG ITIM SA MUKHA ATE! MAY PUPUNTAHAN PA PO AKO KAYA SI KUYA CARLO NA LAMANG ANG IYUNG SUNTUKIN!" Malakas na sigaw ni Boboy. Napakamot nalang ako sa ulo.

"Kayo naman hindi mabiro." Nakangiwing saad ko. Natawa si Carlo at nilahad ang kanyang kamay sa akin. Kinuha ko naman yun at tumayo. Mabilis din akong bumitaw sa pag kakahawak sakanya. "Nais mo bang ihatid kita kagaya nang dati?" Napangiti ako kay Carlo. Kilala nya na talaga ako. Hindi ko na kailangang sabihin sakanya.

Kapag kasi ako pumupunta sakanila eh nag papasama pa ako. Kaya naman kailangan ko pa syang kulitin para ihatid nya ako. Buti na nga lang ngayon eh, sya na mismo ang nag alok na samahan ako.

"Sige! Sige! Tara na!" Tuwang tuwa na saad ko kay Carlo. Nakangiti nalang itong umiling. Nag simula na kaming mag lakad papunta sa bahay nila Liwayway. "Kamusta? Kamusta pala kayo ni Liwayway?" Nakangising saad ko kay Carlo na puno nang pag aasar.

Volviendo Al Pueblo HundidoHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin