Itinuon ko ang mga kamay ko sa dibdib niya, pilit na kumakawala pero hindi niya ako hinayaan.

"I wanna take you and the kids somewhere." He nuzzled my neck giving me goosebumps. "God, you smell like vanilla just like before."

"Rogue, let go of me!"

Marahan niya akong inilayo sa kanya pero muli niyang ibinalik ang mga kamay sa magkabila kong pisngi. Mas nagtaasan ang balahibo ko sa batok nang humaplos ang hinlalaki niya sa ibabang labi ko habang titig na titig siya rito.

"I... I've missed you so much," he whispered.

Nalukot ko ang suot niyang T-shirt. Dahil pinatay niya ang ilaw at ang bedside lamp na lang ang nakabukas ay hindi ko alam kung tama ang nakikita kong bahagyang pagtutubig ng mga mata niya o baka dahil lang iyon sa antok.

"I made mistakes in the past. I had shortcomings as your boyfriend back then and as a father to the twins. I know that you deserve to be happy, Ragna."

Idinikit niya ang noo sa gilid ng mukha ko, nanginginig ang kamay niya sa pisngi ko.

"Do you like Justice?"

Nagulat ako sa tanong niya at hindi ako nakasagot. Nakita niya ba kami ni Justice sa hospital?

"Do you like him, Ragna?" he repeated.

Nang hindi pa rin ako sumagot ay roon niya ako tuluyang pinakawalan. Tumayo ako, nanatiling nakatingin sa kanya pero siya ay nakatingin na sa kawalan.

Kinuha ko sa vanity dresser ang hair dryer at isinaksak ito sa electrical outlet malapit sa bedside table. Umupo ako sa kama at nilingon siya.

"Rogue," tawag ko.

Nilingon niya ako.

I tapped on the bed, still thinking of what he said. "Sit here, I'll dry your hair."

Hindi siya kumilos sa pwesto niya kaya lumapit na ako sa kanya. Hinawakan ko ang basa niyang buhok at doon niya ako tuluyang hinarap. His eyes looked tired and sleepy.

Pumikit siya at napatitig ako sa mukha niya.

"Do you still remember that I also did this to you before?" he asked, pertaining to what I was doing with his hair. Nagmulat siya at tiningala ako.

Marahan akong tumango.

"Can I dry your hair once you're done with mine?"

Nagtama ang mga mata namin. He was waiting for my answer and I felt like I couldn't say no.

"Please?"

"Okay."

Muli siyang ngumiti, hindi pa rin inaalis ang tingin sa akin. It seemed that I might drop the hair dryer at any minute because of his stare.

"The kiss, Ragna," he suddenly reminded me.

Humigpit ang hawak ko sa hair dryer at sinubukang ipokus ang atensyon sa buhok niya.

"I'm not sorry for kissing you. I don't regret what I did. I just said sorry because I know you didn't like it."

Pinigil ko ang sarili na itanong ulit kung bakit niya ginawa iyon dahil natatakot ako sa sagot niya. Pinatalikod ko siya at ipinagpatuloy ko ang pagpapatuyo sa buhok niya. Tumahimik na rin naman siya hanggang sa natapos ako.

He faced me again and took the hair dryer from my hand. Umupo siya sa tabi ko at sinimulan niyang patuyuin ang buhok ko.

The silence between us was deafening. If it wasn't for the sound of the hair dryer, he could possibly hear the sound of my heart.

The Curse Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon