CHAPTER THIRTY-FOUR

4.2K 208 24
                                    

Sunny's POV

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Sunny's POV

" tulog na, Noah. " ang sabi ko kay Noah at isinandal ang ulo ko sa balikat niya. Nasa kwarto kaming dalwa. Sa kwarto niya. Kakatapos lang naming kumain. Alas nuebe na.

Napahinga ako ng malalim. Iilang minuto na lang ang ilalabi ko dito. Aalis na ako mamayang ten. Muli akong tumingin sa payapang mukha ni Noah na pinipilit matulog. Napatawa ako, at kasabay noon ang pagtusok ng karayom sa dibdib ko.

Ngayon pa lang parang may nagtutulak na sa akin na wag umalis. Pero kailangan. Para 'to saming dalawa, pati narin sa magiging anak namin.

Kakayanin ko kayang hindi makita siya? Feeling ko hindi.

Hinintay ko na lang na makatulog si Noah at magpapaalam na ako. Oo, ng hindi siya gising. Napahinga ako ng malalim at inamoy ang dibdib ni Noah. This would be the last one.

" Noah? " sabi ko. Kinaway-kaway ko pa ang kamay ko sa harap ng mata niya para malaman kung tulog pa ba siya.

Nang hindi siya kumibo ay hinalikan ko siya sa labi. Nagtagal iyon ng ilang minuto.

" I love you Noah, I really really do. " ang sabi ko at tumayo na.

Pumikit ako ng mariin ng may maramdaman ako na butil ng tubig sa mata ko. Tumalikod na ako at naglakad. Ayoko ng tingnan ulit siya. Hindi ko kaya! Parang mamatay ako. Binuksan ko ang pinto at sumalubong sa akin ang papa ni Noah. Nakangiti ito sa akin.

" ipapahatid ko na kayo ng magiging apo ko. Dadalawin kita doon every month. Ingatan mo yan " sabi nito at inalalayan ako. Tumango lang ako at sumabay narin ng lakad.

Nakarating kami sa labas. Naabang doon ang itim na sasakyan. Tumingin ako sa papa ni Noah.

" thank you po " I whisper. He just nodded.

Ako naman ay tumungo na papuntang loob ng sasakyan. Pagpasok pa lang doon ay nilamig agad ako.

" kuya, pakipatay naman po muna nung air-con. Buksan na lang po siguro ang bintana " ang magalang na utos ko. Hindi naman ito nagsalita at sinunod lang ang utos ko.

Umayos na ako ng upo. Inayos ko rin ang bag na nasa tabi ko. Nagtataka nga ako kay sir. Bakit hindi na lang din sinama tong bag na-toh sa likod. But anyway, wala na akong pake doon. Ang mahala ay makarating ako ng ligtas sa Batangas. Kinapa ko ang cellphone sa bulsa ko at kinuha ang headset ko sa bulsa ng bag. Isinuot ko ng madahan ang headset ng biglang mag-patugtog ang driver.

Nagulat naman ako doon. Hinayaan ko na lang din, ayokong sirain ang trip ni kuya. Kahit ayoko ng tunog ay pinilit ko paring pumikit at tumulog.

But everytime I'll close my eyes, I see Noah's dark face.

J-Jusko!

Baka bangungutin pa ako. I just keep my eyes open. Tumagal iyon ng ilang minuto not until kusa na itong pumikit. Tulog man ay ramdam ko ang pag-andar ng sasakyang sinasakyan ko.

Nagising na lang ako ng biglang tumigil ang sasakyan. Kumos-kumos ang mata, tiningnan ko ang driver sa unahan. Naka-cap ito.

" kuta ka na lang po dyan ng pagkain sa loob ng bag " ang sabi nito gamit ang malalim na boses. Tumango lang ako kay Manong at nagpasalamat. Kinuha ko nadin ang sinabi niyang bag.

Binuksan ko ito at nakakita ako ng mga biscuits. Kinuha ko iyon at binuksan.

Marami-rami din akong naubos na pagkain bago mabusog, napatawa na lang ako at sumandal sa kinauupuan ko.

Nagpatuloy muli ang byahe. Wala naman akong magawa dahil ayoko ng umidlip o tumulog. I always see Noah's face.

What would be his reaction when he's already awake?

Napapikit ako ng mariin at tinanaw ang labas ng bintana. Malapit na kami. Ilang minuto na lang. Sana pag nandoon ako maging mapayapa buhay ko. No more problems, and sana hindi ako matunton ni Noah Kral. That's my biggest fear, ang malaman ni Noah kung nasaan ako. Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction nya if ever na mangyari yon.

Tinanaw ko ang labas ng bintana. I saw a lot of car persuading in the same way.

Patagal ng pagtagal ay palapit na kami ng palapit. Even though I'm not familiar in the place. Pinaliwanag naman sakin mi mama ang lugar. This is my first time to go here. And it semes to be exciting. Na may konting kaba. Napatawa ako ng mahina.

Narinig ko naman ang tikhim sa unahan. Napatingin naman ako dahil doon.

Bumalik na lang ulit ako sa pagtanaw sa labas.

Minutes past again. At nandito na kami. Binuksan ko na ang pintuan ng sasakyan at lumabas na. Napahinga ako ng malalim ng matanaw ko ang papasok sa tutuluyan kong kabayanan.

What would be my life here? I hope this will be good.

"Ummm, Manong pwede ka na pong umuna. Kaya ko na naman maglakad mag-isa" Ang lingon ko muli kay manong.

"ihahatid na ho kita doon" his deep voice made me nod.

Sa pagtango kong iyon muli na akong pumasok sa kotse.

Nang makarating kaming dalwa sa lugar na sinasabi ni Mama ay nakita ko ang mga taong nasa labas ng bahay. Nakangiti ito sa akin. Bumaba ako at hinintay na bumaba ang driver. Magpapaalam lang ako ng masinsinan. Magpapasalamat narin sa ginawang pag-hatid niya.

" thank you po ulit pwede na ho kayo umalis " I say.

" I'll stay here with you, " napalingon ako ng wala sa oras ng dahil doon. N-No! It can't be. Tangina!

Why he's here. Pano nya nalaman.

" N-Noah " The stutter on my voice. Mas lalo akong kinabahan when I saw his dark aura.

" Magpapaliwana- "

"explain it to me later, wag ngayon " sabi nito at hawak nya ang malamig na tingin doon.

Napapikit ako ng mariin. Paano nangyari to. Bat di ko napansin kanina! Ang bobo ko.

" Let's go, " Noah said then grab my waist. Napalunok ako at hinayaan siya.

May butil din na tumulo sa mata ko.

Nang makarating kami sa bahay na tutuluyan namin ay nakita ko doon ang mga di pamilyar na mukha.

May lumapit sa akin na lalaki.

" kamusta ako nga pala si Kokoy " iaabot niya pa lang sana ang kamay niya sa akin.

" ako si Noah. " napatulala ako sa ginawa niya.

Jusko!

Itutuloy....

PSS 1 : BadBoy's ObsessionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon