"Stop saying sorry!" his voice sounded thunderous. Ramdam na ramdam ko ang galit niya doon.

I bit my lips. I wanna go. I don't wanna face him... Kahit ata abutin ng ilan pang mga taon ay hindi ako magiging handa para harapin siya muli. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong sabihin bukod sa paghingi ng tawad.

Maging simpleng dahilan kung bakit ako humihingi ng tawad ay hindi ko rin masabi.

"You disappeared..." madiiin niyang bigkas. "Just exactly after the end. I'm just really a job for you, ain't I?"

Tinago ko ang dalawang kamay ko sa ilalim ng mesa. I clenched it tightly and raised my head up yet I still refuse to look in his direction.

"After your role is done, you vanished."

"I'm sorry, Sir..."

Nabalot ulit kami ng katahimikan. I can sense his frustration even without directly looking at his face. The atmosphere around us is too heavy that I just wanna create excuses and leave. Iyon nga lang, alam ko din na deserve ko lahat ng nararanasan ko ngayon. If he'd end up shouting at me, blame me for everything, curse me, and call me names, I shall accept.

It's all on me, anyway.

You are the regret, Sir Rion. But also, I cannot seems to find myself regretting you even if you suffered because of me.

"So that's it?" he asked sternly. "That's really the only thing you can give me?"

I swallowed hard. Nag-init ang ilalim ng mga mata ko.

Mula sa nakakabaliw na katahimikan sa paligid naming dalawa, rinig na rinig ang pagbukas ng pinto. Lumingon sa direksyon na iyon.

"Miss! Nandito na po si Mommy!"

Agad akong tumayo mula sa pagkakaupo ko. I blinked repeatedly to wash away my teary eyes. Pinalitan ko iyon ng ngiti noong humarap ako kala Vance.

"Good afternoon po!"

Ngumiti saakin ang Mommy niya. "Sorry, Miss! Nakaabala po ba kami?"

Umiling ako. Napansin ko ang pagsulyap niya sa likod ko at nararamdaman ko din ang tingin saamin ng taong naroroon ngunit hindi ako lumingon. Vance's mom vowed her head in Sir Rion's direction to acknowledge his presence.

"Hindi naman po..."

"Magpapaalam lang sana kami. Thank you for looking after Vance."

I chuckled and shook my head. "Wala po iyon. Tsaka may kalaro naman po si Vance habang naghihintay..."

"Oo nga po... mauna na kami, Ma'am. Thank you ulit."

"Okay po. Ingat po kayo," I said with a smile. Bumaba ang tingin ko kay Vance na nakataas ang tingin saakin. "Bye, Vance!"

"Bye, Miss! See you bukas po!"

I nodded at him and waved a little. Muli kong sinuklian ng ngiti ang Mommy niya bago sila tumalikod saakin. Agad na bumalik ang bigat sa paligid noong makalayo sila.

"This is pointless..."

My heart skipped a beat. Narinig ko ang pagtunog ng upuan, senyales na tumayo siya kaya agad akong lumingon sa direksyon niya.

"Sir..."

"Why did I expect anyway..."

"Tito! Tito! I want ice cream! Please tell Yaya it's okay!"

Tumigil ang tumatakbong si Aza sa harap ko. Kasunod niya ay ang nagpa-panic niyang yaya habang tinatawag ang pangalan niya.

"Sabi ko sa'yo may kausap pa ang Tito mo!"

Crystal BreezeWhere stories live. Discover now