" Excuse me sagutin ko lang". Paalam ko sa dalawa.

" kailangan ko ng umalis hindi na pala makakapunta yun kausap ko may emergency daw." i lied.

Binigyan ako ng makahulugan ngiti ni raine. Napapano to?

" Take care." tipid na saad ni kelsey. Kaagad na din siyang bumalik kung nasaan ang iba pa niyang kasama.

Pagkalabas ko ng bar ay nakahinga ako ng maluwag. Kamuntikan na ako doon. Buti na lang.

Nang masiguro kong okay na ako saka ako sumakay na sasakyan at umalis sa lugar na iyon. Pero hindi muna ako umuwi. Dumiretso ako sa coffee shop. Feeling ko kailangan ko ng kape. To calm myself. Umorder na nga ako kape at nagstay pa sa loob ng coffee shop na ito.

Pumikit ako para lang maalala ang mukha kanina ni kelsey ng makita niya ako. Nakakunot ang noo niya ng sinabi kong may hinihintay ako. Pero di non mabubura na talagang maganda siya. Parang lalo pa siyang gumanda ngayon.

Napadilat ako ng may tumikhim sa gilid ko. Na shock ako ng makita si kelsey dito. Ang bilis naman niyang nakauwi?

" what are you doing here ms. Montes? Are you waiting for someone? Again?"

May hawak siyang kape. Kanina pa kaya siya?

I saw her smirk ng hindi ako makasagot sa kanyang tanong.

" Mukhang hindi naman na dadating kung sino yang hinihintay mo. Can i sit here? " sabay turo sa upuan. Hindi
na rin niya hinintay ang sagot ko at kusa na siyang naupo sa tapat ko.

" Mukhang wala ka na naman sa sarili mo alex. I'm happy that you start living your life. Are you seeing someone already? " she continued asking me questions.

Sabi niya happy siya. Mukha ba siyang happy ng lagay na yan? Oo nga at maganda pa rin siya pero ang lalim ng eyebags niya. Natutulog pa ba siya? At bakit ganyan ang suot niya. Ang lalim ng neckline. Masisilipan na siya. Hindi ba siya nilalamig?

" Kumain ka na ba?" anong klaseng tanong yan rie? Bigla ko lang naisip kung kumain ba siya kanina sa bar.

Napatawa naman siya sa tanong ko.

" Really alex sa dami ng sinabi ko yan lang ang sasabihin mo? You're unbelievable. "

" Ah kasi alam kong hindi kapa nagdidinner eh simula lumabas ka ng work mo" sagot ko naman.

" Are you following me?" nilapit niya ang mukha sa akin para makitang mabuti ang reaksyon ko.

" ha hindi ah bakit naman kita susundan?!" napahawak ako sa batok ng hindi oras. Tumingin ako sa ibang direksyon.

I can feel my heartbeat. Ano bang nangyayari. Ma-heheart attack ba ako? Ang bilis ng tibok ng puso ko. Hinawakan ko ito. Ang lakas ng kalabog.

" What happened may masakit ba sayo?" noon naman inangat ko ang tingin kay kelsey. She's giving me a concern look.

Hinawakan niya ang kamay kong nasa lamesa. Agad ko itong binawi dahil para akong nakuryente sa ginawa niya. Bakit feeling ko magkakasakit ako ano bang nangyayari sa akin?

" Alex may nararamdaman ka ba? Why aren't you speaking? Are you okay?" tuloy tuloy na tanong niya sa akin.

" Uuwi na ako". Pagkasabi noon ay mabilis akong tumayo hindi ko na pinansin ang pagtawag sa akin ni kelsey.

I don't know what's happening on me. Ngayon ko na lang ito muling naramdaman. Napahilamos ako ng aking mukha.

Halos hindi ko na alam kung paano ako nakauwi sa bahay. Mabuti na lamang at hindi ako naaksidente.

To Love AgainOnde as histórias ganham vida. Descobre agora