Deici-Syete

55 5 1
                                    

Narration...

"I'm happy for you, son."

Napawi ang ngiti ko sa aking hawak na cellphone nang marinig ko ang boses ni Daddy. Hindi ko alam kung sisimangutan ko siya, ngunit mas'yado yata akong masaya para sumimangot.

Tumingin lang ako sa kanya at hindi na nagsalita. Inagawan kita, 'no? Akala mo hindi ko siya kayang agawin sa'yo. Gusto ko sanang sabihin pero hindi ko na ginawa.

"Lilac and I—"

"Ayokong marinig, Dad."

Uminit ang ulo ko. Bakit kailangan niyang umiksena lagi tuwing masaya ako? Bakit noong mga panahong tinatanong ko siya kung ano ang relasyon nila ni Lilac ay hindi niya masagot? Ngayong hindi ko na iyon kailangan ay bigla niyang babanggitin?

Bumuntong hininga siya. "May lakad ka ulit sa Sunday? Balik church ka na?"

"Bakit mo tinanong, hindi ka naman sumasama tuwing inaaya kita."

"Matanda na si Daddy, Look. Tutal marami akong naging kasalanan sa'yo simula no'ng bata ka palang kaya hindi ko na deserve ang magsimba pa. Deserve ko pa bang mapatawad ng Diyos, 'nak?"

Sasagot na sana ako nang biglang may tumawag sa'kin mula sa labas.

"Si Lilac," ani Daddy sa'kin.

Dali-dali akong lumabas at sinalubong ko siya ng halik.

"Hi, Mommy!"

"Tigilan mo nga ako sa kaka-Mommy mo. Bakit hindi ka pa bihis?" Tanong niya sa'kin.

"Saan ba tayo pupunta?" Tanong ko. "To the moon?" Ako na rin ang sumagot dahil alam kong iyon ang isasagot niya.

"Sira. Bible study! Inaya ako nila Wray at Jael."

Hi, Mommy (Hi Series #5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon