"Give her wallet back." The guy said. Doon ko lang na prosesa ang pinag-uusapan nila. Wala sa hugo kong kinapkap ang bulsa ng palda ko at doon ko nakumperma na nawawala ang wallet ko.

My hello kitty wallet with my 200 allowance and a complete picture of my family! Agad akong na-alarma at humakbang muli papasok sa waiting shed.

"Ang wallet ko." Usal ko sa tambay. I want to curse him.

How could he snatched my wallet that contains the only picture of my late parents?

"Ano bang pinagsasabi mo? Wala sa akin." Tanggi ng lalake kaya sumama ang tingin ko sa kaniya. The hangby guy whined when the mysterious guy held his shoulder tighter. Ang mga kasamahan ng tambay at na-alarma na kaya hinigit nila ang kasama.

"Ano ba brad? Pinagbibintangan mo bang magnanakaw itong si Boyet?" angas na tanong ng kasama nilang mataba pero pandak.

"Iba ang pinagbibintangan sa nahuli sa akto." Malamig na sagot ng lalake. Sumabay sa lamig ang malamig niyang boses na kahit hindi makita ang mukha nito, malalaman mong seryoso siya at walang guhit ng ibang reaksiyon ang mukha.

"E ano namang pake mo? Umalis ka na lang! Pakeilamero!" the fat guy shouted at him. Then he fisted his both hands. Doon na ako na-alarma kaya napalingon ako sa paligid.

"Teka! Kilala kita ah!" turo ng isa pang tambay sa lalake.

We need help! Kailangan kong mabawi ang wallet ko. Ang perang iyon ay pambayad ko pa ng project namin. Saan ako kukuha kong mawala 'yun? At ang nag-iisang litrato ni Mama at Papa. Bawal mawala 'yon...

"Just gave her wallet back. Wala na ba kayong ibang manakawan at isang estudyante ang napili ninyong pagdiskastahan ngayon?"

"Aba putangina nito! Nang-iinsulto ka ba?" sabat nang isa pang tambay na tumatago sa kasama nilang nagnakaw ng wallet ko.

Ang kaba'y tumubo sa dibdib ko. Mukhang hindi sila uurong sa away. Kailangan namin ng police o tanod. Kailangan ko ng tulong...

"Natamaan ka ba?" sarkastikong ani ng lalake kaya hindi na naawat ng mataba ang sarili at binagsakan siya ng suntok pero agad naka-iwas ang lalakeng matangkad na tumutulong sa akin.

Natigagal ako ng sabay-sabay siyang pagtulungan ng mga tambay. Abot-abot kaba ko lalo na't ngumisi ang isang tambay sa akin.

"M-maiwan muna kita! ...hahanap ako ng tulong!" tigagal kong sigaw sa lalake na patuloy sa pag-iwas at pagsuntok sa mga tambay.

"Babalik ako! Maghahanap ako ng pulis!"

Hindi ko na alintana ang hawak na libro na nababasa ng ulan para lang makahanap ng tulong. Ang palda ko ay tuluyan nang nabasa sa ulan pati ang buo kong katawan.

"Tulong!" sigaw ko sa gitna ng daan.

"Tulong! 'Yung wallet ko ninakaw!" muli kong sigaw. Lumapit ako sa mga taong nakasilong sa ibang establisiyemento at humingi ng tulong pero hindi sila nag-atubiling lumingon sa akin.

Pero hindi ako nawalan ng pag-asa.

"Tulong! Tulong po!" halos maputol ang litid ko sa leeg dahil sa pagsigaw. Yakap ko pa rin ang tatlong libro. Ang basa kong buhok ay tuluyan nang niyakap ang mukha dahilan para matabunan ng kaunti ang paningin ko. Hindi ko magawang masawi dahil hawak ko ang libro.

"Sinong nangangailangan ng tulong?" unti-unting lumapit sa akin ang hinihingal na dalawang tanod na may hawak na payong.

Thank God! Mariin akong pumikit at nakagat ang labi. "N-ninakaw po ang wallet ko. May-may tumulong sa akin pero pinagtutulungan nila. Doon... doon sa waiting shed po!" sigaw ko para marinig nila. Naapektuhan na ang boses ko nang lamig.

"Sige!" agad na sagot ng dalawang tanod at naunang tumakbo sa pinagmulan ko.

I felt drained. Napagod ako sa pagtakbo sa paghanap ng tulong.

Wala mang nagtangkang tumulong sa mga nilapitan ko, mayroon pa rin namang mga mabubuting loob na kusang lalapit sa 'yo.

Nabunutan ako ng timik sa dibdib. May tulong na. May tutulong na sa lalake.

I swallowed hard and breathe deeply. I calmed myself and when I felt that I can run again, I ran.

Hindi ko na alintana ang nangyayaro, kahit pagtiningan ako ng mga taong sumisilong ay walang tigil akong tumakbo sa waiting shed.

Sa dami ng mga tambay ay mukhang hindi kakayanin ng lalake ang mga iyon kahit pa mas malakas at matangkad siya sa kanila. Pero sana, makuha niya ang wallet ko.

Lumiko ako ng street kung saan ang waiting shed at parang tuluyang binunot ang pakong nakapako sa dibdib ko. Wala na ang kaba ko maliban sa kabog ng dibdib dahil sa pagtakbo ko.

Dahan-dahan akong lumapit sa waiting shed at agad hinanap ng mata ko ang lalakeng tumulong sa akin. Sobrang laking tulong ang ginawa niya sa akin.

Pero hindi ko siya nahanap. Ang naabutan ko lang ay ang mga nakahigang tambay habang dumadaing at ang dalawang tanod na sapo ang noo.

"Sino ba ang gumawa sa in'yo niyan?" takang tanong ng tanod.

Lumapit ako sa loob at halos sapuhin ko rin ang labi ko ng makitang halos lahat sila ay baldadong nakahiga sa sahig habang sapo ang dibdib o ulo. Mayroon pang dumudugo ang ilong at noo.

Anong nangyari?

Nasaan na 'yung lalake?

Lumingon sa akin ang tanod. "Ito ba ang mga narereklamo mo, miss?" tanong ng tanod. Tumango ako.

"E nasaan na 'yung sinasani mong pinagtutulungan ng mga to? Mukhang sila ata ang pinagtulungan ng sinasabi mong lalake." Natatawang usal ng tanod at muling sinuri ang mga baldadong tambay.

I bit my lower lip. Nasaan na ang lalakeng iyon?

"Nasaan na ang wallet ng estudyante?" usisa ng tanod sa isa sa kanila. Agad siyang umiling at hirap na nagsalita.

"Wala na sa amin, sir. Nakuha na ng lalake. Aray..." hirap na sagot niya. Umiwas ako ng tingin. May mga bali ata ang mga ito.

Nasaan na ang lalakeng yun? Kung nasa kaniya na ang wallet ko bakit hindi niya 'ko hinintay?

I wandered my eyes. Where are you now? Huwag mong sanihing hahanapin pa kita? Siguradong hinahanap na ako ni Tiyay sa mga oras na 'to...

"O ano? Nakaw pa, nahanap n'yo tuloy katapat n'yo. Sino ba ang gumawa sa in'yo nito?" nagtatakang tanong ng isa sa mga tanod. Yumuko siya para alalayanan at posasan ang tambay. Dumaing pa ito at umiling-iling para 'wag lang posasan.

"Naku, Onyo, ilang beses na nareport ang grupo nin'yo na nagnanakaw. Hindi manlang kayo magbago, ang tatanda n'yo na. O, nakilala n'yo ba gumawa nito sa in'yo?"

Umiling-iling iyong Onyo pero nagtaas ng kamay iyong mataba na ngayo'y may blackeye na.

Kahit nakakatawa ang mukha niya ay hindi ko magawang tumawa. Where are you mysterious guy? Ang wallet ko...

"Nang una, himdi ko siya nakilala, sir. Pero nang mailawan, nakita ko ang mukha!"

"Sino?"

Buntong hininga ako. Mukhang wala na rin akong makukuha kapag manatili pa ako rito. Bumalik lang ang bigat ng pakeramdam ko at gusto ko ng maiyak sa frustration. Sa lamig, sa inis at sa pagkabasa ko at ang libro ko.

Pero ang namumuong luha sa mata ay natigil nang marinig ko ang sagot ng isa sa mga tambay tungkol sa lalakeng tumulong sa akin.

"Si Linus Ezquivel, sir. Iyong wanted na pumatay nang sarili niyang ama. Siya ang gumawa nito sa amin."

Waiting Shed [COMPLETED]Where stories live. Discover now