"Good morning students." seryosong sabi ni Lolo. Medyo kinabahan naman ako dahil napansin kong seryoso si Lolo.

"Good morning Dean." maayos na sagot naming lahat na students.

'Anong ginagawa niya dyan?'

Nagulat ko ng pagbaling ko ng tingin kay Lolo ay papalapit si Noona sa kanya. Namumugto ang mga mata niya at nakatungo. Tumayo lang siya sa tabi ni Lolo!

"Anong nangyari kay Ate Dein?" nag-aalalang tanong ni Kim. Napatingin rin sa akin sila Lee at Tob, ganon na rin si Ayii.

"I d-don't know." nagtataka ring sagot ko. Wala siya sa bahay pag-alis ko. Tumahimik na lang kami at tumingin kay Lolo ng galawin niya ang mic.

"Ahh. I received a call from a friend a while ago." mabagal at malungkot na sabi ni Lolo, medyo kinabahan naman ako. "Someone who is very close to the heart of BIS passed away."

'Sino?'

"Ahhh." parang nalungkot na sabi ng mga students.

"Sino yun?"

"Hindi ko alam."

"Tagadito kaya?"

"Hala."

Biglang umingay ang crowd ng sabihin ni Lolo yun. Ang lahat ay nagtanong agad kung sino.

"The Dean of SIS passed away. Dr. Ramrenz Echavez." dagdag ni Lolo.

"Hala!"

"Oh my God."

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko.

"E last week lang nandito siya ah?"

"Oo nga e."

"Anong nangyari?"

Halos lahat ng nagsasalita sa paligid ko ay naririnig ko at lahat ng sinasabi nila ay nasa isip ko rin. Hindi ako makapaniwala at napatingin na lang ako kay Noona, nag-umpisa na naman siyang umiyak.

"Daddy ni Randall yun di ba?" tanong ni Tob.

"Oo." sagot ko.

"Shet. Ang bilis!" hindi rin makapaniwala si Tob.

"His death is caused by a sudden heart attack." pahinto hintong sabi ni Lolo na halatang pinipigilan rin ang sarili niyang maiyak.

Hindi talaga ako makapaniwala. Dahil last week lang ay dumalaw siya dito at binati niya pa ako.

Mabait ang Daddy ni Randall at sobrang close sila ni Lolo. Ultimong ang Lolo ni Randall ay kaclose ni Lolo. At dahil boyfriend nga siya ng kapatid ko, madalas rin ay nagkakasama sama ang family nila at ang family ko. Close nga si Randall masyado sa Daddy niya, para silang tropa. Ang Mommy naman ni Randall ay kapansin pansing may pagka-strict at masungit rin. Kahit si Dein ay takot sa Mommy ni Randall at close naman sa Daddy ni Randall kaya ganyan na lang rin siguro siya umiyak.

Nakaramdam agad ako ng lungkot at pagkabigla. Parang hindi ako makapaniwala sa narinig ko talaga. Nakita ko lang siya last week tapos ngayon ay wala na siya.

"For those who have no idea about Dr. Ramrenz Echavez, siya ang Dean ng SIS, malapit siya sa BIS dahil parati siyang bumibisita dito para kumustahin ang BIS. Maaaring ang alam niyo ay magkatunggali ang BIS at SIS pero hindi, nagkakamali kayo. Parang magkapatid ang BIS at SIS. Nagkakataon lang talagang nagkakalaban lalo na pagdating Sports." dagdag pa ni Lolo na medyo ngumingiti. "Pinatawag ko kayo ngayon dahil gusto ko sanang ang buong BIS ay makiramay sa naiwan niyang pamilya."

HE'S INTO HER Season 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon