"Ah Manong, bawal ho bang tumapak sa lupa nila?" natatawang tanong ko rito.

Huminto ito at nagharap kami. Matanda na ito halata sa kulubot ng kanyang mga balat at puti ng buhok pati sa paglalakad niya pero ang ngiti niya ang hindi mo kakikitaan ng katandaan. Maliwanag at puno ng saya ang ngiti nito sakin.

Napatawa sya ng mahina at humarap sa bahay na pinaglumaan. "Hindi ba Good morning muna?" sabi nito sabay tawa, napatingin agad ako sakanya at natawa na lang din. "Biro lang, iha." rinig ko muling sabi nito at ibinalik na lang muli sa bahay ang tingin. "Ano nga ba't napadpad ka rito?"

"Kasi dito din ako nakatira?" Tankng ko pabalik sabay natawa pero ngumiti na lang at pinanatili ang tingin ko sa bahay. 'Bakit nga ba? Napaka-pamilyar talaga ng bahay na ito lalo na ang swing na nakita ko na may mga kulay, at ang ganda nun'.

"I live here and this place is still amazing." nakangiti kong sabi habang hindi nawawaglit ang tingin sa bahay. Tumango ako sa sarili ko bilang sang-ayon sa sinabi.

"Iha, tinanong kita sa wikang tagalog kaya sagutin mo ako ng tagalog. Hindi kita maintindihan. Minsan iniisip ko na alien ang lenggawaheng meron kayong mayayaman." kunot noong sabi ni Manong streetsweeper. Natawa ako sakanya pero agad na tinago dahil baka ma-offend sya sa reaksyon ko.

So, nagrereklamo sya sa english ko? at alien ang language ng mayayaman? Pero may punto si Manong ha pero teka ulit, alam niya ang alien? di ko alam saan umaabot ang utak ni Manong.

"Teka lang po ha, Eh alam nyo nga po ang 'Good morning' na word eh." nakangiti kong sabi pero sa loob ko natatawa ako. Natatawa ako dahil this is the first time that i encountered stranger who questioned my language. It is cute.

Ngayon ay si Manong naman ang natawa sakin. "Hindi ko nga alam ang good morning na yan, iha. Ilang dekada na akong nandito tuwing umaga at nagwawalis pero hanggang ngayon hindi ko alam ang 'good morning' na yan." sabi pa nito. Kaya tumingin ako dito na para bang hindi naniniwala. "Totoo iha, naalala ko noon, may isang binatilyong binati ako ng 'good morning' ngunit hindi ko sya pinapansin noon dahil hindi ko alam ang rapat sabihin." malaki ang ngiti ni Manong sa labi habang nagsasalita. Siguro nagbabalik tanaw ito sa nakaraan.

Umupo ito sa gutter at itinabi ang walis sakanyang kaliwa at ako ay umupo sakanyang kanan. Nakangiti ako sakanyang bumaling at sya ay nagpatuloy.

"Sa halip na huminto ay pinag-sige niya ang pagbati sakin, ngunit ngiti lang ang aking sinusukli sakanya." natawa naman si Manong kaya napapailing na lang ako at nagtapon ng isang maliit na bato at humarap ngayon sa mga puno dito.

May kung anong naaalala ako sa mga kwento ni Manong.

"Hangga't sa dumarami ang bumabati sa 'kin ng good morning tuwing ako'y magwawalis dito ng umaga."

Nakakamangha naman talaga. Palakaibigan pala talaga ang mga narito, kaya rin siguro nagtagal si Manong streetsweeper dito. At isa pa, napaka-ganda talaga ng ngiti ni Manong.

"Hindi nagtagal naintindihan ko ang mayayaman rito, sa bawat umagang lumilipas, iniisip ko na lang siguro na 'aba'y binabati lang ako ng mga mayayaman' "

Tumango ako bilang sang-ayon kay Manong.

'Oo, Manong binabati ka nila at hindi kami alien haha.' natawa na lang ako sa isip ko.

"Habang yung binatilyo naman na palagi ang pagbati sa akin ay natutong magsalita sa wikang tagalog."

Kakaiba to si Manong, consistent. Nakangiti pa rin talaga ito, nagliliwanag talaga ang ngiti nito at nagniningning ang mata.

Love in a GameWhere stories live. Discover now