"Ganun ba, naku wala yun... Sige na baka nandiyan na sila."

"Peppep!Peppep!Peppep* Nagkatinginan kami ni manang ng makarinig kami ng busina ng kotse, mula sa kalsada...

"A'yan na nga po sila, sige po lalakad na ako." tinanguan lang ako ni manang kaya naglakad na ako patungo sa labas ng may naisip ako...
"Manang, may pasalubong po kayo sa akin pati sina popoy at pia." Pahabol ko kay manang ng lingunin ko siya na kinangiti niya, habang palabas na ako ng gate...

"Sige thina, aasahan ko yan."

"Opo, manang."Sabi ko na kumaway sa kaniya habang nakangiti at ganun din ang ginawa niya...

Pagkalabas ko ng gate wala namang sasakyan ang naghihintay sa akin, e sino yun?Bihira lang kase ang dumadaan dito kaya nagulat ako...

Ilang minuto din ang hinintay ko, bago sila nakarating... Dumiretso na kami agad sa mall dahil nangangalay ang paa ko, kakahintay sa kanila...

"Guys, saan tayo?"Tanong ng pinsan kong maarte na binasag ang katahimikan namin simula pa kanina...

"Siguro, sa dress section muna ako... Mamimili ako ng mga bagong damit."Sagot ni shan sa tanong ni insan kanina...

E ako, saan kaya?Siguro sasama na lang ako kay shan...

"How about you cuzzy?" tanong sa akin ni insan na kahit saan dinadala ang kaartehan...

"Sasama na lang ako kay shan, insan... Ikaw ba, saan ang punta mo?"

"Bibili kase ako ng bagong sapatos."

"Ganun ba, bessy! Sige na mag-isa kana, kami na lang ni thina ang pupunta sa dress section." Si shan na hinatak ako, kaya humarap muna ako kay insan...

"Insan, kita na lang tayo sa resto dun sa tapat ng ma---"Hindi ko natapos ang sasabihin ko kay insan, dahil sa hila-hila na ako ngayon ni shan... Kainis.

Kaya nagpumiglas ako at hinarap ko siya...

"Ano ka ba naman shan, hindi mo naman ako pinatapos magsalita  kay insan, pinagmukha mo naman akong tanga nun e."Panimula ko kay shan and look at me now, para akong batang ginagabayan ng magulang...Dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko at ang mas nakakainis hindi siya umiimik...

Hihilahin niya na naman sana ako pero hindi na ako nagpadala...kapag ako dinamay niya sa kalokohan niya, ihahambalos ko siya sa pader ng mall makikita niya... Syempre Jowk lang...

"What's wrong shan?"

"Ano bang pinagsasabi mo diyan, thina... There's nothing wrong, okay?" Talaga lang huh?

"Kaya pala panay ang hila mo sa akin, tingnan mo nga to'ng kamay ko sobrang pula grabe ka naman kung makahawak... Thank you nga pala sa concern baka kase akala mo maliligaw ako pero hindi na ako bata... Pangalawa hindi kita maintindihn at pang---"

Accidentally Destiny Where stories live. Discover now