¤ Chapter 19 ¤ Practice

Start from the beginning
                                    

"Lulu," tawag ko sa kanya at pagkarinig na pagkarinig niya sa boses ko kaagad niya akong tinignan.

"Fifi?" tanong niya at kaagad siyang tumayo sa kama at lumapit saakin. Nginitian ko lang siya, bigla niya akong yinakap.

"I miss you." sabi niya habang nakayakap saakin.

"I miss you too. So bakit ka naging monster pagkaalis ko?" natatawang tanong ko sa kanya.

"Monster?" natatawa niyang tanong. " You're the monster because of what you are doing to me." sabi niya pa.

"What? I'm not a monster." nakangiti kong sabi sa kanya

"Yes you are. You're the most beautiful monster I've ever seen, you're MY monster." sabi niya at ako namula lang sa sinabi niya.

Good thing nakayakap parin siya saakin at hindi niya nakikita ngayon ang mukha ko kung hindi... ay naku.

"Get out of your den at mag movie marathon tayo ng parents at kapatid mo." sabi ko sa kanya at siya tumango lang.

Kumalas siya sa yakap at kaagad akong hinila palabas ng kwarto.

Pagdating sa sala kaagad na ngumiti saamin sina mom and dad.

"Sa wakas at lumabas ka narin sa kwarto mo." sabi ni mom kay Lulu.

Kaagad kaming umupo ni Lulu, hinila niya ako palapit sa kanya at inakbayan.

"So ija, kumusta ka na?" nag-aalalang tanong ni dad.

"Ayos lang po." assure ko sa kanila.

Tapos pinakwento na nila lahat ang nangyari.

"Tama po ba yung decision ko na sumali sa 'Couple's Pageant'?" tanong ko kay dad.

"Tama lang ang ginawa mo iha, siguradong mapapahiya siya sa intrams." nakangiti namang sabi ni dad.

"Ija, ano pala ang balak mo sa Abby at Samantha na'yan?" tanong naman ni mom

"Hindi ko pa po alam." honest kong sabi. "Pero ako na pong bahala sa kanila mom." pag-aasure ko sa kanila.

"About sa parents mo naman, ayos na." sabi ni dad at ako tuamngo lang.

"Lulu, sorry talaga. Nadamay ka pa sa 'Couple's Pageant' na 'yun." sabi ko. "Kailangan mo pa tuloy ngayong magpractice . I'm really sorry." sabi ko sabay tingin sa floor.

"That's okay. Masaya nga ako dahil ngayon madalas na tayong magkasama." nakangiti niyang sabi.

"Ano ba yung criteria for judging? " tanong ni mom

"Yun po yatang pagrampa, kilig factor, looks, and body." sagot ko naman.

I'm not sure. Hindi pa ako nakakapagtanong sa class president.

"What?! Don't tell me you're going to wear bikini in front of many boys?! No! I don't like that." biglang singit ni Lulu.

"Of course not!" tanggi ko naman.

"Then what is the 'body' criteria then?" nakakunot noong tanong niya saakin.

"It's for the guys, that means ikaw ang rarampa ng topless and in shorts" nakangiti kong sabi.

"Well, wala naman palang problema. Macho naman si Ethan dahil halos araw-araw yata nasa gym siya." sabi ni mom.

"Actually mom meron." sheepish kong sabi.

"Ano yun?" confuse namang tanong ni dad.

"Hindi ako marunong rumampa and I just hate big crowds. Last time na nasa harap ako nang maraming tao para sa isang Romeo and Juliet play I tripped because of nervousness." nahihiya kong sabi.

They burst out laughing. "Why did you tripped?" usisa naman ni Lulu.

I sighed. "I played as a tree in our play. I was about to go down the stage when I tripped over another stage prop, taking Romeo down with me. But hey, nadagdagan ko ng twist yung story! Sino ba namang mag-aakala na namatay si Romeo dahil nadaganan siya ng isang puno?" kwento ko with wide eyes filled with trauma.

At silang lahat pinagtawan lang ako. That's one of my embarrassing moments.

"Don't worry, I'll catch you before you crushed anyone." nakangiting sabi ni Lulu.

"Don't worry ija, I'll hire a good instructor to teach you everything you need to know. Magiging magaling ka in no time for sure." sabi naman ni mom.

"Sige po, asahan niyo po na every afternoon after my class nandito na ako." sabi ko.

"Siguraduhin mo lang ija na hindi ka masusundan." paalala naman ni dad.

"Opo." sagot ko

I won't let that happen. Kapag nasundan nila ako dito, masisira lahat ng planong pinaghirapan namin.

The Mafia Prince is my Stalker? anong gagawin ko?!Where stories live. Discover now