"Ganun ba, sino ba iyang pasahero niyo?" Sabi nung guard na kumatok sa bintana ko at pinagbuksan ko agad habang nakangiti.

"k---kayo pala yan, sir...Pasensiya na po kayo, hindi po kase namin inasahan ang pagdating niyo." Sabi niya na namutla at nautal.

"Okay lang po... So, makakadaan na kami?" Pormal kung tanong saka ngumiti ng bahagya para mawala ang kaba niya.

"Oo naman po, sir." Magalang niyang sabi habang nakayuko at dali-dali kaming pinagbuksan ng gate.

"Welcome back po, sir." Sigaw ng dalawang guard pagkapasok ng taxi kaya kumaway na lang ako sa kanila.

Ilang minuto din ang itinakbo ng Taxi dito sa loob ng village... Malaki ito at mayayaman lang ang nakatira dahil mahal ang renta...

Sa mga ilang minuto, narating na rin namin ang bahay ko... Madilim ang paligid ng bahay siguro nasa mansion ang lahat kaya walang tao...

Inabot ko ang aking bayad kay manong, saka bumaba ng taxi at pinagmasdan ang bahay na ang tahimik...

"Sir, sukli niyo." Si manong na inabot sa akin ang aking sukli pero tinanggihan ko.

"No, keep that change."

"Okay po, sir... Salamat po."

Tinanguan ko lang si manong at saka naglakad sa tapat ng bahay namin..

Nasa tapat na ako ng gate ng magulat ako na nakabukas ito, kahit wala namang tao sa loob kaya tumuloy nalang ako, baka nakalimutan lang isara sa hindi ko maintindihang dahilan...

Pero mas ikinagulat ko na pati ang main door ng bahay ay nakabukas din, kaya hindi ko mapigilang hindi mapamura sa sobrang kaba...

"Sh*t... What's happening here?"Agad kung ipinasok ang loob at hinanap ang switch ng ilaw ng....

"SURPRISEEEEEEEEEEEEEEEE!!!"

Para akong nabingi sa sobrang kaba kasabay ng malakas na pagsabog ng confetti, kaya napahawak ako sa aking dibdib dahil sa lakas ng pagtibok neto...

Napawi rin ang kaba ko ng maaninag kona ang mga mukha ng aking pamilya at mga kaibigan kaya agad akong nakarecover sa kaba ko kanina na okay naman pala sila...

"Hoohhh.... Woahhh... Ginulat niyo ako ng sobra."Saad ko na nginitian sila isa-isa...

"Welcome back, son."That''s dad na sinalubong ako ng yakap...

Welcome back, baby."Si mommy na yinakap ako ng sobrang higpit kaya napahigpit din ang yakap ko...

"I miss you, mom."Yeah, I really miss my family, since it's been 6 years passed, when I'm sacrificing not seeing my family for a long time...

Well, it's all my grandfathers decision, he want us to change for good that's why he sent us in states...

"I really miss you too, son--" Sambit ni mommy na humiwalay sa yakap ko at hinaplos ang mukha ko..."Ang laki ng ipinagbago mo, domuble yung kagwapuhan mo anak... Baka marami kanang mabingwit na babae niyan gusto ko yung maging girlfriend mo mabait wala na akong pakialam sa itsura o buhay na meron siya basta mabait... Alam mo naman doon nahulog ang daddy mo sa akin... Right honey?" Si mommy talaga gusto na niya akong magka girlfriend pero wala pa yun sa isip ko...

"Of course patay na patay ako sayo nun e,HAHAHA ikaw ba naman pansinin ng crush mo dati."Kilig na kilig si daddy na nakatingin kay mommy, hanggang ngayon inlove parin sila sa isa't-isa parang mga bata at sabay pa sila tumawa...

"Hi kuya."Naagaw ang pansin ko sa cute na boses ni ayi ang bunso kong kapatid na nakatingin lang sa akin...

"Pwede bang mayakap ni kuya ang prinsesa niya."Paglalambing ko na kinangiti niya at yumakap sa akin...

"I really miss you, kuya."Usal niya sa kabila ng yakapan naming magkapatid, kaya inilayo ko siya sa pagkakayakap sa akin para asarin...

"Gaano mo ka miss si kuya."tanung ko na ikinanguso niya na madalas niya gawin noon tuwing naaasar siya sa akin...

"Kuya naman e, namiss nga kase kita kailangan pa ba yun."Natawa ako sa reaksiyon niya na ikinainis niya lalo...

"What so funny, kuya?" Halata na ang inis niya sa mukha dahil nakakunot na ang noo neto...

"Wala... Teka nga ang bilis muna maasar ngayon, pwede ba malaman kung may boyfriend na ang prinsesa ni kuya."

"Wala akong boyfriend, manliligaw meron si justin, kung gusto mo ng more info. mag google ka kuya."

"Bwhahahahahahaha masyado kang pikon ayi, halika ka nga dito payakap si kuya ulit kundi uupakan ko yang justin mo."Biro ko sa kaniya na ikinangiti niya at yumakap sa akin ulit ng mabilisan asarin pa talaga hanggang ngayon...

"What's up tol."Si niel bestfriend ko na yumakap sa akin...

"Welcome back, pare." That's earl my bestfriend also na yumakap din sa akin namiss talaga nila ako...

I have a lot of bestfriend, others might say that they prefer friend over bestfriend, because best is someone who will betrayed you at the end of the day.Well, in my case walang ganun dahil lahat kami walang pakialam sa sasabihan ng iba...

Don't depend yourself to what people say about you, depend yourself because it's yours...

"So tol, how's states?"tanong sa akin ng bestfriend kong si niel...

"Minsan masaya, minsan din malungkot."Maikli kong sagot siguro wala lang akong time magkwento dahil pagod ako...

"kailan daw uwi ni kevin at nathan?"si earl.

"Bukas ng umaga."

"Excuse me, mga gwapo kung anak... Pwede pahingahin niyo muna bestfriend niyo, alam kung pagod siya sa mahaba niyang byahe."Singit ni mommy sa dalawa...

"Yes po tita, so paano tol?una na kami." si niel.

"Sige, bukas nalang hangout tayo."Saad ko na ikinalawak ng ngiti ng dalawa.

"Sige aasahan namin yan, pare."si earl naman.

"Oo ba, so paano? Akyat na muna ako napagod ako sa byahe.. Kaya pasensiya na kung hindi tayo makapagkwentuhan."Paalam ko sa dalawa na tinanguan lang ako, habang paakyat ako ng hagdanan patungo sa kwarto ko marami akong naalalang masasayang pangyayare...

"How I missed this place?"Sambit ko...

Pagbukas ko ng pinto ng kwarto, namangha ako sa ayos ng room ko si mommy talaga ang daming paandar, may pa welcome greetings pang nakasabit sa pintuan at sa ibang bahagi ng kwarto ko... Pero wala akong oras na magtingin-tingin dahil pagod ako, kaya nagshower nalang ako ng madalian lang at humiga ng tuloyan ng nakatulog...

* * * * *

Nagising ako sa kalagitnaan ng gabi kaya bumaba ako dahil nakaramdam ako ng gutom dahil hindi pala ako nakakain kagabi...

"Oh, iho gusto mo bang ipaghanda kita ng makakain?"tanong ni manang ng makita ko siyang nagsasalin ng tubig sa ref...

"Yes please, manang."Sagot ko at nagsalin na rin ng tubig at saka umupo sa upuan ng lamesa...

Kumain ako agad pagkatapos maghanda ni manang, then umakyat ulit ako para matulog ng may makita akong isang card sa isa sa isinabit ni mommy at manang, nang mabasa ko ang...

"You came as a precious gem
A treasure that worth to kept
Thank you for being part of my life (My tan❤)

-Your tin❤

"Paano to napunta dito?at naisabit ito ni mommy."Hindi ko alam kung paano? Dahil itinago ko ito, imposibleng nakita nila...

Kaya itinago ko nalang muna ang card sa journal ko sa bookshelf at nagtingin-tingin pa sa iba, napapangiti nalang ako sa tuwing nababasa ko ang mga note nila mommy, manang at ayi... Then after nun natulog na ako baka mapaaga bukas.

Get ready to the next chapter👉




Accidentally Destiny Where stories live. Discover now