CHAPTER 22

69 2 0
                                    

MINA POV.

"Mina ayos ka lang ba?"..

Bumalik lang ako sa realidad ng magsalita si Sana sakin kaya napatingin ako sa kanya

"Kanina ka pa tulala jan"...dagdag pa nito

Ngumiti lang ako sa kanya para maitago ko ang nararamdaman ko ngayon dahil sa totoo lang nagseselos ako kanina palang dahil ang tagal na nila doon at ang lakas din ng tibok ng puso ko

"Alam mo Mina napapansin ko parang nagseselos ka kay rosè"...Sabi nito sakin kaya napatingin ako sa kanya at nagsalita agad

"Hindi ah bat naman ako nagseselos don"..agad na sabi ko sa kanya pero ang totoo selos na selos talaga ako

"C'mon Mina alam kong nagsisinungaling ka lang dahil halata ko naman eh na nagseselos ka kay rosè"..Sabi nito sakin

"Alam natin pareho na may gusto si rosè kay chaeyong kaya alam kong nagseselos ka dba ..Mina kaibigan mo ako kaya handa akong makinig sa lahat ng sasabihin mo"..dagdag pa nito sabay hawak sa kamay ko

Tumango lang ako sa kanya na ibig sabihin totoo ang hinala niya sakin

"Ano bang gagawin ko eh ganto nararamdaman ko sa tuwing nanjan si rosè nagseselos ako kahit alam kong hindi gagawin ni chaeyong ang hinala ko"..Sabi ko sa kanya

"Oo may tiwala ako kay chaeyong na hindi ka niya lolokohin dahil mahal na mahal kanon"...Sabi nito sakin

"Siguro nga"..Sabi ko sa kanya

"Tiwala lang Mina" ..Sabi niya sakin kaya tumango lang ako sa kanya sabay ngiti narin

Maya maya pay dumating na sina chaeyong at rosè na masayang masayang nagtatawanan  sabay tinginan sa isat isa

Inamin ko na nagseselos na naman ako hanggang sa nakaramdam ako ng kamay na humawak sa balikat ko at nung tumingin ako sa kanya tumango lang siya sabay ngiti kaya ngumiti rin ako pabalik sa kanya

Nang makarating na sila samin agad na tumabi sakin si chaeyong at hinalikan ako sa pisngi kaya ngumiti lang ako sa kanya

"Mukang masarap ang usapan niyo don ah..kasi ang tagal niyo eh"...Sabi sa kanila ni jisoo

Tumingin ako sa kanilang dalawa at nakita ko nanaman na nagtitinginan sila at sa diko inaasahan nakita kong kumindat si chaeyong kay rosè kaya mas lalo akong nalungkot dahil don pero diko lang pinapakita sa kanila

"Meron lang naman kaming pinagusapan na maganda"..Sabi nito sabay ngiti at tumingin kay rosè

"Guys punta lang ako sa kanila ha"..Sabi nito samin sabay tayo papunta sa mga kaibigan naming bc sa paglalaro at naliligo rin

Kami lang ni sana, jisoo, chaeyong ang nandito ang iba nandon bc sa paglalaro at ang iba bc kakaligo sa dagat at ang iba naman ayon kumakain habang naglalakad lakad kasama ang mga jowa nila

"Guys punta lang ako don mukang kanina pa kasi ako tinatawag ni tzuyu eh"..Sabi nito samin sabay tayo at nagtungo sa lugar na kung saan nandon si tzuyu at ang iba

"So mukang ako lang ata ang nakakasagabal sa inyong dalawa ah"..Sabi nito samin at tatayo na sana siya ng pinigilan ko

"Dito ka nalang para may kasama siya"..sabi ko sa kanya sabay tayo at aalis na sana ako ng pigilan din ako ni chaeyong

"San ka pupunta?"..tanong nito sakin

"Magpapahinga, inaantok kasi ako eh"..Sabi ko sa kanya

"Hatid na kita"..Sabi naman nito sakin

"Hindi wag na malapit lang naman eh at kaya ko maglakad magisa"..Sabi ko sa kanya sabay ngiti narin para hindi niya mahalata na galit ako sa kanya

"Sigurado ka ba"..dagdag pa nito

Tumango lang ako sa kanya at naglakad nadin dahil kanina ko pa talagang gustong uamalis don hindi ko lang magawa dahil baka isipin nilang galit ako pero ang totoo galit na talaga ako kanina pa ..kaya nanaisin ko nalang na umalis bago pa ako magalit sa kanila at baka eto pa ang dahilan kung bakit kami magaway kaya mas mabuti nalang na umalis ako

Nang makarating na ako agad kong sinara ang pinto at nagtungo sa kwarto naming dalawa at dun ko na nilabas ang galit ko

Hanggang sa di ko namalayan nakatulog na pala ako

........................,

Nagising nalang ako dahil may naramdaman akong may kamay na tumapik sa balikat ko kaya dahan dahan kong minulat ang mga mata ko at nakita ko ang emahe ni chaeyong na nakangiti

"Gising na minari"..Sabi nito sakin

Kaya umupo na ako sa pagkakahiga at agad naman ako nito hinalikan sa labi at ngumiti ng labis kaya ngumiti narin ako

"Bangon ka najan at kumain narin"..Sabi nito sakin

"Gigisingin sana kita kanina para sabay sabay na tayo kumain kaso nakita ko kasi na parang masarap ang tulog mo kaya ayon  hinayaan nalang kita matulog"...dagdag pa nito

"Kaya kung ako sayo bangon ka najan at kumain dahil dinalhan na kita ng makakain mo at syempre tubig nadin"..Sabi nito sakin habang inalalayan ako umayos at inabot sakin ang pagkain at tubig ko

"Parang may sakit naman ako sa ginagawa mo eh"...Sabi ko naman sa kanya na nakangiti

"Syempre ikaw ang prinsesa ko kaya gagawin ko ang lahat para sayo"...Sabi nito sakin na nakangiti rin

Kaya sinumulan ko nang kumain at pagkatapos kong kumain niligpit na ni chaeyong ang pinagkainan ko kaya nagtungo na ako sa banyo para makapaglinis ng katawan

Pagkatapos kong makapaglinis ng katawan nagpalit na ako ng pantulog at lumabas narin at nakita kong bc si chaeyong sa pagphophone habang nakangiti ito kaya dali dali akong pumunta sa kanya para makita kung ano ang ginagawa nito

"Chaeng ano yan?"..tanong ko sa kanya

"Ah wala toh"...tipid na sabi nito sakin

"Eh bat parang ang saya mo ata" ..Sabi ko sa kanya na may halong irita kaya napatingin ito sakin at nagsalita agad dahil nakikita ko sa mukha nito ang takot

Inaamin ko natatawa ako sa reaksiyon ng mukha niya.. pero pinilit kong hindi matawa at magseryoso para malaman niya na parang galit ako

"S-si ji-jisoo kasi nag-nagpapatulong sakin ka-kaya tinutulungan ko lang"...Sabi nito sakin at ramdam ko ang takot nito kaya natatawa ako pero hindi ko lang pinapahalata sa kanya

"Bakit anong klaseng tulong bayon"..Sabi ko sa kanya sabay tingin sa mga mata nito na para bang pinapagalitan ko siya kaya tuwang tuwa ako pero kailangan ko muna magseryoso para alam niya kung pano ako mairita

"Ah eh...sabi kasi sakin ni jisoo eh wag ko muna daw sabihin sa inyo"...Sabi nito sakin na parang batang takot na takot sa nanay niyang pinapagalitan siya

"Pero pangako hinding hindi ako gagawa ng hindi mo gusto tutulungan ko lang talaga si jisoo"...dagdag pa nito sabay taas ng kamay na para bang huhuliin ng mga pulis

"Ok sige"...tanging sabi ko lang sa kanya sabay higa narin sa tabi nito

"Galit kaba sakin minari"... Sabi nito sakin sabay tinabi ang phone nito at tumingin sakin

"Hindi ah bat naman ako magagalit sayo"... Sabi ko sa kanya na nakangiti

"Ang mahalaga nagsasabi ka sakin ng totoo at hindi nagsisinungaling"..Sabi ko sa kanya sabay tingin sa mga mata nito

"I love you minari"...Sabi nito sakin

"I love you more chaeyongie"..Sabi ko naman sa kanya

At naramdaman ko ang malambot nitong labi sa mga labi ko...











___________________________

So ayon pasensya na kung ngayon lang ako ulit maga update ng story ko🥺 Sana maintindihan niyo po ako bc lang po ako kasi ako sa exam namin eh🥺 SORRY PO TALAGA🥺☺️😁

BASTA MICHEANG LANG MALAKAS 🥰🏳️‍🌈

ANG DON'T FORGET TO STREAM
              "KURA KURA"

Default Title - ONLY YOU (Michaeng)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon