Chapter 20 - Responsibility

Start from the beginning
                                    

"She's fine" Lucas answered as if he's really sure that she is. Ano na naman ang trip nito? At halos pa nga siya nitong yakapin!

"No, she doesn't look like one." Justine insisted and was about to reach for her hand, when Lucas pulled her to him more. Napamaang siya ulit. Yawa, sobra na ito sa kanya ah!

"Sigurado ka ba talaga Mei? Gusto mong pasyal ulit tayo?" bigla namang nawala ang kaba niya at napalitan ng kagalakan sa narinig mula kay Justine. Magandang ideya nga yun! Sigurado siyang madi-distract niya ang utak sa ibang bagay at makalimutan ang pino-problema niya kahit sandali man lang.

"Sige! Dating ga--"

"No!" Lucas said firmly. Parang possessive pa kamo ito sa kanya. Pero hindi! Siya ang bossing para sa sarili niya, kaya siya dapat ang masusunod.  She is a dignified woman and she never bend to anyone. Tho, she doesn't see any reason for him to decide for her. She will do what she wants to do!

"I'll go with you later after class Justine." She said with finality. She wants to free her mind even just a little while. She doesn't want to think about it and spend some time with herself.

In the end, naunang umalis si Lucas. Pumasok sa classroom. Iniwanan siya at mukha pa itong galit! Hindi din siya nito nilingon, mas lalo lang siyang na-kuryuso. Minsan talaga hindi niya gets ang mga lalake. Bakit naman kaya ito ang magdedesisyon para sa kanya when she can decide for herself? Naiiling na lang siya.

"Sige, susundoin kita sa classroom niyo mamayang hapon." masayang-masaya na pagkakasabi ni Justine sa kanya. Abot langit yata ang ngiti nito, na sa katunayan naman ay hanggang tenga lang ang inabot. Nakikita niya dito na walang halong pagsisinungaling ang ipinapakita ng mga mata nito. Tumango siya at ngumiti.

"Okay! Osya, pupunta na ako sa classroom ko." Aniya at tumuloy na patungong classroom.

"See you!" Pahabol pa nito na nagpapatawa sa kanya ng tahimik.

He hates boys. But, she thinks she could spare Justine from hating all the men? Mabait naman ito sa kanya. Mabuti rin ang pakikitungo. At wala siyang nakikinitaan na makakapagpahamak sa kanya.

Nakangiti siyang pumasok sa classroom ngunit ang mga malalamig na titig mula kay Lucas ang sumalubong sa kanya. Dahilan para mangasim ang ngiti niya at nawala. Nag iwas ito sa kanya ng tingin lalo na nang makalapit na siya. Naiilang na umiwas rin siya at dumaan sa harap nito para maupo na rin sa upoan niya.

Maingay ang classroom pero parang hindi man lang siya na bo-bother sa kaingayan ng mga kaklase niya. Katulad ba noon na wagas siya kung makareklamo sa isip niya sa sobrang ingay. Ngunit, ngayon.. para siyang binibingi ng katabi. Napakatahimik nito habang nakapahinga naman ang ulo sa back rest tas may naka paskil na ear buds sa tenga. Ewan, pero parang naiirita na din siya.

Tahimik silang dalawa, walang pansinan, o usap man lang. Tinabla pa ang may LQ.

Kaparehong kagawian ang pangyayari sa eskuwelahan. Maraming discussions. May quiz. May activities. Tas may ibibigay na assignments.

Pagdating ng hapon, ay pagod niyang isinilid ang mga gamit niya. Damn, nakakapagod na nababagot siya sa araw niyang ito. Tila ba nangangalay ang katawan niya sa kakatuwid ng upo nang dahil lang sa bawat lingon ni Lucas sa kanya.

Kanina kasi ay hindi rin siya mapakali. Panay kasi ang sulyap niya rito. Kaya, siguro ay sa bawat sulyap rin niya ay napapansin rin siya nito. Sino ba naman ang hindi kakabogin ng kaba kung panay ka naman sa pagtitig ng tao. Malamang nailang yung tao at napapatingin sayo ng hindi mo ineexpect na gugulat rin naman sayo.

Lucas was silent the whole class session. Sasagot lang ito kapag tinatanong. The embarassment is still within him. Hindi ito nawala. Kahit ni katiting na kapiraso ng buong pagkapahiya niya kanina ay nandodoon pa rin. Naaasar siya. He is pissed. Bakit kase hindi nalang siya nito hinayaan na makapagdesisyon para dito? Damn it! Why is he even mad afterall those shits are just nothing! And he should just forget the hell out of it!

True Love Sweet LiesWhere stories live. Discover now