"Tiya naman!" Parang tangang saad ko. Sininghalan lang ako ni Tiya Eleha at binigay sa akin ang bilao. "Iyung ihatid na ang bikong ito, hindi puro sya ang iyung iniisip." Singhal sa akin ni Tiya Eleha.

Wala na akong nagawa kung hindi ang kunin sa kamay ni Tiya Eleha yung bilao. Nakanguso akong nag lakad palabas sa kusina habang si Tiya Eleha naman ay napaka daming sinasabi, pero wala naman akong maintindihan.

Bago pa ako makalabas sa bahay ay naningkit ang aking mata nang biglang bumulong sa akin si Aexniqn. "Ikaw ang mag huhugas." Nakangising saad nito. Tinaasan ko naman sya nang kilay. Sabay irap. "Ang kapal mo." Mataray na saad ko sabay labas nang Bahay.

Malapit lang ang bahay nila Seguzam sa bahay nila Liwayway kung kaya't mabilis akong nakarating. Kumatok ako sa pintuan nila Seguzam at iling minuto lang ay bumukas yun. Niluwal ng pintuan si Donya Sergia ang Mama ni Seguzam. Nakangiti nya akong sinalubong. "Magandang gabi po." Nakangiting saad ko kay Donya Sergia.

Ngumiti ito sa akin pabalik. "Magandang gabi din saiyo iha, ayan naba ang biko na aking pinaluto?" Ngiting ngiti na saad nang Donya. Nakangiti akong tumango. "Opo ito na nga po." Inabot ko sa Donya ang Biko na agad naman nitong tinanggap. "Nais mo bang pumasok iha? Ikaw ba ay kumain na?" Magiliw na tanong nang Donya.

Tumango ako sa Donya habang nakangiti. "Kakain ko lamang po, hindi narin po ako mag tatagal, nais ko nalang po sanang makausap si Seguzam." Nakangiting saad ko sa Donya. Nagulat naman sya sa aking sinabi bago biglang ngumiti nang napaka lawak. "Ganoon ba? O sya aking tatawagin si Seguzam. Seguzam anak! May nag hahanap sayong magandang Binibini!" Kinikilig na saad ni Donya Sergia sa dulo.

Nakangiwi nalang akong napailing. Nagawan ba nang issue ang pag hahanap ko kay Seguzam? Hindi naman yata ano? Tsk.

Nakita ko ang pag baba ni Seguzam sa kanilamg hagdanan bago nakangiting kumaway sa akin. "Nariyan kapala Yacelia, ano ang iyung kailanga?" Nakangiting saad ni Seguzam sa akin. Nakagat ko naman ang ibaba kung labi sabay nag iwas nang tingin. "A-Ano kasi may g-gusto akong i-itanong....." Kinakabahang saad ko.

Napataas naman ang kanyang kilay. Mukhang nag tataka ito sa galaw ko ngayon na naparang natatarantang ewan. "Ikaw ba ay may hinahanap, Yacelia?" Inosenteng saad ni Seguzam na nag patibok nang double sa aking puso. Nararamdaman ko ang pag tulo nang pawis sa nuo ko. Nilalaro ko din ang aking sariling daliri.

Jusko? Ano ba ang nangyayari sa akin? Bakit ko pa gagawin ko? Ano naman kung umalis na sya? Wala naman akong pake diba? Pero bakit ganon? Merong parte sa puso ko ang hinahanap sya? Namamimiss ko sya kapag hindi ko na sya makita. Napailing nalang ako sa loob ko at nakangiting tumingin kay Seguzam.

Umiling ako kay Seguzam. "Wala, W-Wala akong hinahanap." Nanlulumong saad ko. Taka nalang na napatango si Seguzam. "Mauna na pala ako, malapit nang mag ikot ang mga Guwardiya Cibil." Saad ko sabay talikod. Mabagal lang akong nag lakad at nag babaka sakaling may hahabol sa akin.

Pero hanggang marinig ko ang pag sara nang gate nila Seguzam ay walang Antipatikong humabol sa akin. Tsk. Bakit ba ako umaasa na may hahabol sa akin? Wala naman ako sa isang telebisyon o isang fairy tale napalabas kaya bakit ako umaasa?

Mapait nalang akong ngumiti sa sarili ko. "Iniwan nya na ako." Mapait na saad ko habang nawata. Naramdaman ko ang mag tulo nang luha ko at kasabay nun ay ang isang malakas na hangin na yumakap sa katawan ko na parang sinasabing kailangan kung tanggapin na walang permanente sa mundo at lahat ay may katapusan.

Nanginginig ang aking kamay na niyakap ang aking sarili. Parang nanigas ang buo kung katawan nang maramdaman ko ang isang mainit na tela na dumapa sa aking likod. Nakagat ko ang ibaba kung labi nang maamoy ang pamilyar na amoy nayon. Biglang bumilis ang tibok nang puso ko nung may hunawak sa aking baba at inangat yun.

Volviendo Al Pueblo HundidoWhere stories live. Discover now