Papasok pa lang ako sa street nila alex ng magulat akong naglalakad ito. Magisa. Shet what is she doing in here? Ang init init.

Mabilis akong bumaba ng sasakyan.

" Hey!" tinawag ko siya, but i control myself na hawakan siya. Tila naman wala ito sa sariling napatingin sa akin. Nakatulala.

" What are you doing here? Bakit ka naglalakad?" tanong ko dito dahil mukhang namatanda na siya.

" Gusto ko lang maglakad. Naiinip na ako sa bahay. " sagot niya sa akin.

" Come on sumabay kana sakin it's so hot baka ma stroke ka niyan."

"Hindi na thank you na lang, saka hindi pa ako uuwi."

Akmang aalis na siya ng pigilan ko ulit siya. Hindi sinasadyang nahawakan ko siya sa kanyang braso na agad ko din naman tinanggal dahil parang napaso siya. My heart is aching kapag nakikita ko siyang ganyan.

" I'm sorry hindi na kita hahawakan. But let's go i will accompany you kung san mo gusto."

" Talaga?" nagliwanag naman ang kanyang mga mata. May kotse naman siya bakit kaya naglalakad siya if she really wants to go somewhere?

"Yeah just tell me where, so halika na?"

Binuksan ko ang shotgun seat at hinintay siyang sumakay doon. Hindi ko na siya nilagyan ng seatbelt. I need to give her space.

Sumakay na rin ako sa driver seat at pinaandar ang sasakyan.

" So tell me where do you want to go? "

" Sa bulacan. I need to find Cath. Gusto kong malaman ang lahat".

After hearing what she said ay para naman naubusan ako ng hangin. What! is this a joke?

" Where are we going to find her? Did you know where she is?"

Gustong gusto ko na siyang sungitan at awayin but alam kong it will not help to gain her trust again.

" Oo naman alam ko yun bahay niya. Alam kong madami akong hindi alam na nangyari kaya tatanungin ko si cath. "

" What do you want to know? I will help you. Ako na lang ang tanungin mo alex. "

" Sobrang dami kong tanong pero kahit isa ayaw nyong sagutin! Uuwi na ako ibaba mo na ako! "

Tila nagpapanic na siya kaya naman itinabi ko ang kotse sa gilid. She can't do that. Baka mamaya ay mahilo na naman siya.

" Hey calm down please. I will tell you everything. Sasagutin ko na lahat ng tanong mo promise. " naluluha kong sabi sa kanya.

Parang tumigil naman siya sa nasaksihan. I can see sadness in her eyes. Gusto ko siyang yakapin. Alam kong nahihirapan na siya.

" Can i trust you? " tanong niya muli.

" Yes, i will give you my word. Trust me alex. "

Tumango naman siya at hindi na nagsalita pa. Nagdrive ako papuntang condo unit ko. Kung nasaan lahat ng alaala namin dalawa. Buo na ang pasya ko. I will tell her our story.

Nang makarating kami sa building ay nauna na akong bumaba ng sasakyan. Sumunod naman sya sa akin.

" San tayo pupunta?" she asked me

" Sa condo ko. I will tell you everything you want to know there."

This is the first time na bumalik siya dito since the accident happened. At tila bumalik lahat ng ala ala niya sa akin. Noong unang nagpunta siya dito, when she was drunk and tripped by raine, when she's courting me, the first time she kissed me, noong time na wala kaming problema, when we're just happy and inlove. Unti unti na naman nagsisilabasan ang mga luha ko. Hindi ko mapigil.

To Love AgainWhere stories live. Discover now