Chapter 18: Road Trip

464 27 6
                                    

Sa susunod na araw, nagpilahan ang lahat ng estudyante sa harap ng bus ng section nila. Halos lahat ay naeexcite dahil first time nila nagcamping since Grade 6 pa sila.

Ang 8B ay nakapila sa labas ng isang malaking pulang bus. Ang bus na ito ay pagaari ng Golden Wheels Transport, ang isa sa pinakamagandang bus services sa Pilipinas. Ang pamilya ni Belle ay ang mayari ng business na ito.

Ms. Suarez: "Ok, is everyone complete?'

Austin: "Not yet. Wala pa si Phillip."

Nang sinabi niya ito, biglang dumating si Phillip na may dala-dalang plastic bag.

Phillip: "Sorry. Nagbili lang ako ng merienda para sa road trip natin."

Umakyat ang mga estudyante sa kani-kanilang mga bus, inilapag ang kanilang gamit sa sahig at pumili sa kanilang pwesto.

Bago umalis, nagsabi ng anunsyo ang bus driver.

Driver: "Is everyone complete? We will be leaving the campus in 5 minutes."

Pagatapos umalis ang bus, nagbiyahe ito ng isang oras at tumigil. Ito ay dahil magkakaroon ng isang stopover sa isang Plaza.

Ms. Suarez: "Class, we will be having our first stopover here. You will be expected to be back in the bus by 30 minutes."

Nagbabaan ang mga estudyante sa bus. Nagpunta sila sa iba't-ibang mga lugar.

Sina Jessica at si Natasha ay dumiretso sa isang bilihan ng damit.

Jessica: "Tasha, tingin mo bagay sa akin 'to?" sabi niya sabay hawak ng isang kulay asul na blouse.

Natasha: "Tama na nga yan! Hindi tayo nandito para magshopping." sabi niya habang pinalo niya na mapaglaro ang kanyang kasama.

Jessica: "Sige na nga!"

Meanwhile, pumunta si Joshua sa convenience store. Bumili siya ng mga chips, softdrinks at mga biscuit. Noong nasa counter na siya, nakita niya si Eva na may dalang madaming gamit. Kita din niya na hirap siyang magbuhat ng mga ito kaya linapitan niya ang dalaga.

Joshua: "Gusto mo ba ng tulong?"

Eva: "Sige. Salamat ha!"

Kinarga ni Joshua ang mga gamit ni Eva at linapag niya ito sa counter.

Sa labas naman ng bus, nakatambay ang magkakaibigang sina James, Jacob at Nicolas.

Jacob: "Ano kaya ang gagawin natin doon sa Camping Grounds?"

James: "Malay ko? Tanungin mo nalang kay Ms. Suarez."

Jacob: "Ayoko nga! Nahihiya kasi ako eh."

Nico: "Hay naku, ako na nga lang ang tatanong."

Habang hinahanap niya ang kanyang guro, sumalubong sa kanya si Phillip. Halata na siya ay hingal na hingal at napagod adahil sa kakatakbo.

Nico: "Phillip, ok ka lang ba?"

Chloe: "M-Meron nanamang n-n-nasaktan sa atin."

Nico: "Sino naman 'yon?" sabi niya na may kaba.

Chloe: "Si Joshua."

Itinuro ni Chloe ang daan papunta sa kay Joshua. Noong nakarating sila sa kinaroroonan ni Joshua, nakita nila siya. Nakahiga siya sa sahig at may kutsilyo sa kanyang kanang mata. Sa tabi naman niya ay si Phillip. May isang nababaliw na ngiti sa kanyang mukha habang pinagmamasdan niya ang kanyang kaklase na magdusa.

Nico: "Phillip! What the hell! Anong ginagawa mo?!"

Phillip: "Siya yung killer! Muntik niya akong napatay gamit ang kutsilyo na yan!" sabi niya sabay turo sa kutsilyo sa mata ni Joshua.

Joshua: "Hindi nga! Nakatayo lang ako dito ng bigla niya akong tinulak at sinaksak!"

Nico: "Tatawag ako ng ambulansya. Chloe, sabihin mo nalang sa iba na alayan si Joshua."

Chloe: "Sige."

Maya-maya lamang dumating ang isang ambulansya. Bumaba ang ilang nurse na may dala-dalang strecher. Binitbit nila si Joshua dito at linagay siya sa loob ng ambulansya. Agad silang tumakbo papunta sa pinakamalapit na ospital.

Nang makarating ang balita kay Ms. Suarez, tinanong siya ni Austin kung tutuloy pa ang kanilang camping activity sa Red Lake Camping Grounds.

Austin: "Ms. Suarez, tutuloy pa ba tayo sa Red Lake?"

Ms. Suarez: "Sorry Austin pero hindi kita masasagot. Tinawagan pa namin ang eskwelahan at iintayin lang natin ang kanilang desisyon. Sa ngayon, paki sabi sa mga kaklase mo na tumuloy na sa bus."

Austin: "Sige."

Noong nagkagrupo na sila sa loob ng bus, nagkwentuhan ang mga estudyante.

Belle: "Ano ba kasing nangyari?"

Chloe: "Tanungin natin si Phillip. Siya yung nakaalam tungkol dito."

Samantala, nakatingin si Phillip sa labas ng bintana ng bus. Tahimik siya dahil meron siyang malalim na pinagiisipan. Bigla nalang tumulo ang kanyang mga luha dahil sa kanyang nararandaman.

Belle: "Phillip! Bakit ka umiiyak?"

Phillip: "Huh? Uh bakit ano 'yon?" tanong niya habang pinupunas niya ang kanyang mga luha.

Chloe: "Ano ba kasing nangyari?"

Phillip: "Muntik kasi akong pinatay ni Joshua eh. Huwag na natin yan pagusapan."

Belle: "Sige."

Ms. Suarez: "Class, meron tayong good news! Subalit ng lahat ng nangyari, tutuloy ang ating camping activity!"

Walang ngumiti at binali wala nila ang sinabi ng kanilang guro. Bumaba kasi ang kanilang morale sa insidente na nangyari sa plaza kaya sa buong trip, wala mang nagsalita at tahimik lang silang nagdasal para sa paggaling ni Joshua.

—-Author's Note—-

Sorry sa tagal ng update na ito! Hehehe. Naghahanda lang kasi kami ng mga kaklase ko sa aming Quarterly Test/Finals. Sana mapatawad niyo ako sa tagal ng update na ito. Thank you din sa tuloy-tuloy na supporta na ibinibigay niyo sa akin. :)

Sino sa tingin niyo ang dapat tiwalaan, si Joshua o si Phillip?

Don't forget to VOTE and to FOLLOW me!

P.S. Lalaki po ako. :D

-Brainbookz


Class SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon