Chapter 21: Rumors

422 20 2
                                    


Nagising ng umaga ang mga estudynte. Ang iba sa kanila, katulad ni Jacob, Benjamin at Phillip, ay nagdesisyon na maglakad-lakad sa paligid ng camping grounds. Pagatapos maglakad, dumiresto ang magkakaibigan na pumunta sa tindahan ng store. Kahit 6:00 am pa lamang, pwedeng bumili na sa tindahan dahil ito ay bukas 24/7.

Naglibot-libot sila sa loob ng tindahan at pumili ng kanilang kakainin. Pagatapos, pumunta sila sa counter para magbayad.

Cashier: "₱50 please."

Pagatapos nilang magbayad, dumiretso sila sa tent ni Phillip. Dito sila nagkwentuhan at kumain ng kanilang biniling pagkain.

Benjamin: "Bakit parang kagabi, meron akong narinig na parang malakas na putok ng baril?" tanong niya habang kumagat sa kanyang mainit na pandesal.

Jacob: "Baka merong naghunting kagabi?" pabiro niyang sinabi.

Phillip: "Uy, tignan niyo oh! Gising na pala si Austin." Itinuro niya si Austin na nagaayos ng mga gamit sa kanyang tent.

Benjamin: "Baka kailangan niya ng tulong. Puntahan natin siya."

Lumapit sila kay Austin. Siya ay nakasuot ng puting t-shirt at shorts. Meron ding twalyang nakasabit sa kanyang leeg.

Austin: "Oh! Gising na kayo? Ok lang ba sa inyo kung kayo muna ang bahala sa klase? Maliligo muna kasi ako eh."

Jacob: "Sure, walang problema!"

Austin: "Bago ko makalimutan, kung kailangan niyo ng tulong, hanapin niyo nalang si Ms. Suarez sa loob ng cabin na iyan. Sige ha, mauuna na ako."

Habang palayo na si Austin, tumunog ang siren. Nagsilabasan na ang mga estudyante sa kani-kanilang tulugan. Nagayos ang mga babae ng kanilang buhok, nagbihis ang ibang mga estudyante, at nagayos sila ng mga sleeping bag nila. Pagatapos, naglakad sila papunta sa Assembly Area.

Noong nasa Assembly Area ang mga estudyante, dumating si Austin. Hinanap niya si Ms. Suarez at tinulungan niya itong magpalinya ng 8B.

Dumating naman sa harapan ang facilitator ng event na si Mr. Guevarra.

Mr. Guevara: "Hello mga Grade 8 students! In a short while, pwede ng kumuha ng pagkain sa ating breakfast buffet. Pero, habang nagiintay, meron kaming itatanong. Nakita niyo ba sina Chloe Perez at Diamond Conception ng Grade 8 Section B?"

Tumahimik lamang ang mga estudyante dahil hindi nila alam na patay na ang mga hinahanap na kaklase nila.

Dumating ang chef at nagsabi sa kay Mr. Guevarra na nakahanda na ang kanilang breakfast buffet.

Mr. Guevarra: "Students, pwede na kayong dumiretso sa ating breakfast buffet. Hanapin niyo nalang malapit sa rock climbing area."

Naglakad ang mga estudyante ng 8B papunta sa kanilang destinasyon. Habang papunta doon nagbigay ng instructions ang presidente ng 8B, si Austin.

Austin: "8B, ang buffet natin ang Buffet 2. Magkatabi ang ating buffet sa Buffet 1 ng 8A at Buffet 3 ng 8C."

Noong nakarating na ang lahat ng mga estudyante sa buffet, nagpilian sila ng mga upuan nila. Pagatapos, pumunta sila sa buffet table para pumili ng kanilang kakainin. 

Habang kumakain, nagkwentuhan sina Belle, Natasha, James at Austin.

James: "Grabe! Ang daming aksidenteng naganap sa camping activity na ito."

Belle: "Oo nga. Pati nga ang kapatid mo eh. Nadamay pa siya!"

James: "Kaya nga! Galit na galit pa rin ako kay Phillip. Hindi ko siya mapapatawad sa ginawa niya."

Natasha: "Nasaan kaya napunta sina Chloe at Diamond?"

James: "Baka pinatay sila ng killer?"

Austin: "Huwag kayong magalala. Hahanapin ko ang killer at bibigyan ko ng hustisya ang namatay na nating kaklase."

Belle: "Saglit lang ha. Maglalakad lang muna ako."

Austin: "Sige. Magingat ka ha?"

Belle: "Ok."

Habang palayo na si Belle, nagpatuloy ang usapan ng mga magkaklase. Pero, lumapit si Ms. Suarez kay Austin.

Ms. Suarez: "Austin, pasensya na ha kung magdidisturbo ako sa usapan ninyo pero ok lang ba kung sabihin mo sa mga kaklase mo na bumalik sa kanilang mga tent? Magsisimula na kasi ang susunod na activity."

Austin: "Yes, Ms. Suarez."

Pumunta sa harapan si Austin at nagpito gamit ang kanyang whistle na nakakabit sa kanyang ID. Dahil dito, napatingin ang buong klase sa kanya.

Austin: "Magsibalikan na kayo sa inyong mga tent dahil magsisimula na ang susunod na activity." Dahil sa sinabi niya, tumayo ang lahat ng estudyante at lumakad papunta sa kanilang mga tent.

Nakatayo pa si Austin ng dumating si Belle. Halata na siya ay hingal na hingal at namumutla.

Austin: "Belle, bakit parang namumutla ka?"

Belle: Ang t-tubig. Kulay pula."

Austin: "Sabihin mo yan kay Ms. Suarez. Alam niya ang gagawin."

Agad tumakbo si Belle para hanapin si Ms. Suarez. Bumalik naman si Austin sa kanyang tent para magpahinga ng konti.

Class SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon