Epilogue - Part 1

Start from the beginning
                                    

"Gising na! Hindi ka na senyorito rito, hoy!"

Pagod kong nilibot ang tingin sa paligid—may hinahanap, may gustong makita. Pero gaya ng mga araw nitong nakaraang taon, wala siya— Ni minsan ay hindi niya ako dinalaw— Kahit sulyap, wala.

I survey my whole body. I am soaked in cold water. It's just an indication that everything is just a dream...it was just a dream. Still a dream.

I thought, finally, I get to relax because I saw her—she finally showed herself—But I was wrong. She is still scared to be with me just for seconds.

Gamit ang likod ng kamay ko ay sinubukan kong punasan ang basa kong mukha. My tears easily rolled down to my cheeks.

Why am I crying? Does it still hurts? But why? That scene always replayed in my mind for years now. Why does it still hurts so much?

"Ayan! linisin mo iyan! Kupad kupad mo! Alas otso na ng umaga nakahilata ka pa rin diyan!"

Hinagis nito sa akin ang isang timbang puno ng tubig at isang mop. Nabasa ang higaan ko pero pagod ko lang iyong pinagmasdan.

Araw-araw ay ganito rin ang eksena. Nasanay na lang ako.Pinili ko na lang na huwag magsalita. Huwag nang magreklamo. Pagod na rin kasi ako. Pagod na pagod na ako. Kaya pati ang pagrereklamo, hindi ko na magawa.

Sampung taon akong nakakulong. Sampung taon kong tiniis iyong mga sipa, suntok at pagpapahirap nila sa akin. Araw-araw, wala akong pahinga sa kakakuskos ng sahig ng banyo, kubeta at maging ang paglinis sa ibang kulungan ng kaselda ko, ako ang pinapagawa. Kahit iyong mga pagkain na dapat ay para sa akin, kinukuha nila. Sasaktan ako kung hindi ko ibibigay. Ang masakit pa, maging ang mga pulis ay hindi ko kakampi dito. Sila pa mismo ang nagkukulong sa akin sa isang selda dahil lang...napagkatuwaan nila ako. Mananatili ako sa loob nun ng ilang araw—minsan pa ay ilang linggo—Walang kain, walang ligo. Kahit ang pag-ihi at pagbabawas—hindi ko magawa.

Sa loob ng sampung taon, naranasan kong maligo sa sarili kong dugo, ihi at dumi. Naranasan ko kung paano magkasakit dahil sa mga gawain na sapilitang pinapagawa sa akin. Naranasan kong itulog iyong lagnat ko, umaasa na sana paggising ko, wala ng masakit sa akin. Naranasan kong mamilipit sa malamig na semento dahil sa mga pasa at sugat na natamo ko mula sa mga kamao ng kapwa ko preso—at maging mula sa mga taong alagad dapat ng batas.

Pero wala akong magawa.

"Ano? Hindi ka pa magsisimula?"

I help myself to stand but my knees wobble. Naging dahilan iyon para matapon ang natitirang tubig sa timba.

"Ay putang ina nito. Ano!? Nagsasayang ka pa ng tubig?"

Pinulot ko iyon. Napangiwi lang ako dahil naramdaman ko ang pagsipa nito sa aking tagiliran. Dumaing ako.

"Ang bobo mo kumilos, Espinoza! Tatayo ka na lang, hindi mo pa kaya!?" Pagpapatuloy niya.

Muli niya akong sinipa dahilan para mapahiga ako sa sahig dahil sa lakas ng impact. Inulit ulit niya iyon ng isa pang beses...hanggang sa naulit...nang naulit...nang naulit.

"Bilisan mo ang kilos at igiban mo iyan! Inutil! Pwe!" He shouted and even spit his saliva to the floor—enough for me to see it.

I closed my eyes.

As much as I want to get even to them, I can't—I'm just...too tired. I'm too tired to talk...to do anything...to live. I just want to...rest.

Ang linaw pa sa ala-ala ko ang lahat. Sa kung paano ako dinurog ng nakaraan ko hanggang sa kasalukuyan. Nagawa kong gumanti ng isang beses. Nabugbog ako noon. Nanlaban at napuruhan ko ang ilan sa mga nakaaway ko kaya uminit ang tingin sa akin ng mga nagbabantay sa amin sa kulungan. Binastos nila ang girlfriend ko. Nagluluksa siya sa mga oras na iyon pero ang mga gagong ito, pinatunayan lang kung bakit sila nandito sa loob.

Against the Waves (THE PRESTIGE 1)Where stories live. Discover now