"Oo nga, e."

"Anong gusto mong gawin?" tanong ni Tita Lorna.

Wala si Travis at Tito Felix. Baka nasa company sila at nag tatrabaho. Workaholic kasi si Tito.

"Kahit ano po..." sagot ko. Nasaan ba si Dos?

"Wala si Dos." Napatingin ako kay Chance. Epal na 'to sa buhay ko habang buhay.

"H-hindi ko naman hinahanap," sambit ko.

Nagkibit-balikat siya.

"Ate, gusto mo ba bongga?" tanong ni Zara at ngumiti.

"Walang time, Zara. Simple na lang sana..." sagot ko.

"Pero birthday mo naman, ate. Ayaw mo bang mag enjoy?" tanong niya kaya ngumiti ako sa kanya at hinaplos ang buhok niya.

"Mag e-enjoy naman ako at isa pa... kasama ko naman kayo."

They talked about my birthday and after that, they went out. Siguro nasa kumpanya rin si Dos. Nakalimutan kong isa nga pala siyang C.E.O.

Nang gumabi ay lumabas ako dala ang dextrose na nakasabit sa manipis na bakal. Hinihila ko 'yon. I'm still wearing a hospital gown, 'di bale na hindi naman ako lalabas ng ospital.

Nakarating ako sa rooftop. Napakahangin. Pumunta ako sa dulo at dinama ang sariwang hangin. Kitang-kita ko mula rito ang mga nagtataasan at magagandang building.

Napatingin ako sa gilid ko nang may isang lalaki. Wala siyang dextrose pero naka hospital gown siya. I can't see his whole face dahil nakatagilid siya. Nakatingin siya sa kawalan at kahit hindi ko pa nakikita ay alam ko nang gwapo siya.

Okay add to cart.

Joke.

"Anong sakit mo?" mahinang tanong ko.

Tumingin siya sa akin at hindi nga ako nagkamali dahil totoong gwapo siya pero mas gwapo pa rin para sa akin si Dos. May kaunti siyang sugat sa mukha pero hindi naman nawala ang kagwapuhan niya.

"Cray..." Ngumiti siya.

"Ahh..." Tumango-tango ako. "Nakipag bugbugan ka ba?" tanong ko kaya mahina siyang natawa at tumingin sa mga buildings.

"Yeah... I had a fight with my twin brother."

"Oh? May kambal ka? Mag kamukhang-magkamukha ba kayo?" tanong ko na naman.

"Yup."

"Eh bakit kayo nag-away?"

He chuckled. "Bakit pa nga ba? Dahil sa babae."

Napailing ako at hindi na nagsalita.

"Why are you here? Anong sakit mo?" tanong niya.

Nakaramdam ako ng pagod at bigat ng katawan. Heto na naman ako, nanghihina. Parang gusto kong bumalik na sa kwarto ko.

"L-leukemia..." Muntikan na akong bumagsak pero agad niya akong sinalo.

Loving the Half Moon (Formentera Series #1)Where stories live. Discover now