"I'm fine," sagot ko.

"You're so pale, Selene. Kumakain ka ba?" tanong niya kaya mahina akong natawa.

"Oo, na-stress lang ako sa sad boy sa gilid kaya medyo namutla ako." Inginuso ko si Chance na yakap-yakap ang speaker.

"Bakit nandito 'yan?" masungit na tanong niya.

"Bakit hindi?" tanong ko pabalik kaya napabuntong-hininga siya.

"What do you want on your birthday?" tanong niya kaya napakunot ang noo ko.

"Ang tagal pa niyan, Dos," sambit ko.

"Ano nga, Selene?"

Ngumuso ako at saglit na nag-isip pero nanlaki ang mga mata niya at napatayo bigla at agad na pinunasan ang ilong ko. "Fuck... dumudugo na naman..." aniya.

Ngumiti ako. "Ayos lang."

"Selene! Bakit? Anyare?!" tanong ni Chance at pinatay ang speaker.

"Dumudugo? Sana all nag nonosebleed. Ano feeling?" tanong niya kaya tinignan siya ni Dos.

"Peace yow pinapatawa ko lang si Selene, eh." Bumalik siya sa sofa'ng inuupuan niya kanina.

Tumingin sa akin si Dos. Kumuha pa siya ng tissue at pinunasan ang ilong ko. "May masakit ba sa'yo? Saan ang masakit?"

Umiling ako. "Hindi ka pa ba nasanay? Lagi naman nagdudugo ang ilong ko."

Napabuga siya ng hangin. Umalon ang lalamunan niya at hinila ang upuan para umupo ulit. "Chemotherapy mo na naman next month... mahihirapan ka na naman,"

Ngumiti ako. "Para nga gumaling ako, eh."

"I know... but I can't bear seeing you hurt and  suffering alone, Selene." Humina ang boses niya.

"Mag-isa ba akong nag susuffer? No. I know you're also suffering, Dos. Kaya nga hindi mo kayang makita akong naghihirap dahil nasasaktan ka. Kaya ko 'to. Maniwala kayo sa akin... kaya ko 'to."

Ngumiti siya. Kahit nanghihina, alam kong kaya ko. May pinanghahawakan ako, e. Kinakaya ko para makabalik ako kay Dos. Kinakaya ko dahil mahal ko siya.

Bago magpasko ay napag-isipan kong dalawin si Mama Selma. Ang tagal na rin noong huli ko siyang nakita. Gusto ko lang makita ang kalagayan niya.

Naka wheel chair ako. Si Dos ang nagtutulak sa akin at bawat kwarto ay nakikita ko ang bawat tao na may sakit sa utak. Ang iba ay kinakausap ang sarili, ang iba ay umiiyak, ang iba ay tulala, ang iba ay tumatawa at ang iba naman ay kumakanta.

Tumigil kami sa harap ng isang kwarto. Iniharap ni Dos ang wheel chair sa kwartong 'yon at namuo ang mga luha sa mata ko nang makita si Mama.

Yakap niya ang isang puting unan habang umiiyak nang tahimik. "Shh... nandito si Mama, Seven. 'Wag kang matakot babantayan kita..."

Napahawak ako sa puso ko kasabay nang pagbagsak ng luha ko. Ang sakit sakit. Ang sakit makita siyang ganito.

"Huwag ka na umiyak... hindi kita iiwan..." aniya habang hinahaplos-haplos ang unan.

Humawak ako sa rehas at mataman siyang tinitigan habang tahimik na umiiyak. Gusto ko siyang makausap nang maayos pero mukhang hindi ko 'yon magagawa.

"Sandali!" sumigaw siya kaya napakunot ang noo ko.

"'Yung isa kong anak! 'Yung isa ko pang anak! May sakit siya! Selene! Selene, nasaan ka?!"

Napayuko ako at humagulgol. Parang bawat pag-iyak ni Mama ay may tumutusok na karayom sa puso ko.

Loving the Half Moon (Formentera Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon