Umupo siya sa tabi ko at hinawakan ang isa kong kamay. "Bakit po, Tita?" tanong ko.

"Do you want to go on a family vacation? Gusto mo sa Siargao? We'll make you happy," nakangiting sambit niya.

"Po? All of a sudden? Anong meron?" tanong ko.

"We just want to make you happy. Palagi kang nandito sa kwarto mo," sagot niya.

Siargao? Maganda bang ideya na mag bakasyon kami?

"S-sige po..." sagot ko kaya lumawak ang ngiti niya.

"Bukas agad ang flight natin. Private plane. Pauuwiin ko si Lauren at ang Tito mo. You can text Chance to come with us. Isasama ko si Dos," aniya kaya nanlaki ang mga mata ko.

"K-kasama si Dos? I thought it's just a fami—"

"Family naman si Dos, ah? He's the father of your kids, Selene."

Natahimik ako. Napakamot na lang ako sa ulo. Hindi ko rin maintindihan kung bakit kailangan pa namin mag Siargao? Probinsya rin naman 'to at beach din 'to. Anong pumasok sa utak ni Tita?

Pero mas maganda ang Siargao. Baka roon ako marelax at makapag isip-isip.

Kinagabihan ay pumunta ako sa pool area at umupo. Inilubob ko ang dalawa kong paa at tumingala sa langit. Walang mga bituin.

Ramdam ko ang pagbigat ng katawan ko na parang hinang-hina na pero ayoko nang indahin. Kaya ko 'to. Makakayanan ko lahat.

Naramdaman kong may umupo sa tabi ko kaya napalunok ako.

"Dos..." sambit ko.

Inilublob niya rin ang dalawa niyang paa at tumingin sa madilim na kalangitan. "I was wrong, Selene. Hindi pala pagkakamali na ikaw ang mas minahal ko kesa sarili ko."

Napatingin ako sa kanya. Bakit niya inoopen 'to ngayon?

My heart skipped a beat when our eyes suddenly met. These eyes. I still love these eyes.

"Kasi 'yon ang pinakamagandang nagawa ko, Selene — ang mahalin ka nang higit pa sa sarili ko. I'm happy that you are the person that I love more than myself... masaya ako dahil sa tamang tao ko nilaan lahat ng pagmamahal ko. Para sa akin... tamang tao ka, Selene."

Napalunok ako at umiwas ng tingin.

"Alam kong nasasaktan kita, Selene. Pero pwede bang manatili ako sa buhay mo kahit kaibigan na lang?" bulong niya.

Hindi ko alam ang sasabihin ko pero may gusto akong sabihin. Hindi ko lang ito makapa.

"Kahit kaibigan... kahit hanggang do'n lang, Selene. Basta nasa loob ako ng buhay mo. Basta parte ako ng buhay mo. Kahit hanggang kaibigan na lang," pagpapatuloy niya.

May gusto akong sabihin pero hindi ko alam kung paano ko sasabihin ang bagay na 'yon.

"Isang oo mo lang... mananatili ako sa'yo hanggang kabilang buhay."

Mariin akong napapikit. Gusto kitang makasama sa habang buhay, Dos. Pero ang lalim ng sugat sa puso ko. Iyan ang gusto kong sabihin pero nanahimik na lang ako.

I want to marry him. Gusto ko siyang maging pang habang buhay pero hindi natatanggal ang sakit sa puso ko sa tuwing nakikita ko siya. My heart is torn to pieces knowing I won't be able to walk down the aisle and face the altar with the person I had asked God for.

"Kasama ka ba sa bakasyon?" pag-iiba ko sa usapan.

Mahina siyang napabuntong-hininga. "Kaya mo bang bumyahe? Kung hindi, pwedeng dito na lang tayo," sabi niya.

Loving the Half Moon (Formentera Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon