CHAPTER 12 - Emotional Entanglement

190 18 0
                                    




2088


JEREMY


Binabaybay namin yung daan papunta sa Detroit, mga ilang oras na rin ang nakalipas nang nagstart yung road trip namin. Napagpasyahan ng grupo na gamitin yung camper van na nakita namin sa isang bahay malapit sa tinuluyan namin. Mas mabuti daw itong camper van ang gamitin para kasya kaming lahat sa pagtravel.


Nakita kong panay lingon sa akin si Carlo at minsan pa nga ay nagtatama yung mga mata namin at binabaling niya agad away from me habang namumula ito, ang cute lang. Well even without my empathic ability alam kong may gusto sa akin si Carlo, I don't even felt repulsed by the idea of a guy liking me and I may like him back too. Geez, when did I ever have these kind of thoughts. Hays.

I guess I consider myself as pansexual, I like who I like, regardless of gender and right now, Carlo is pretty much in my radar being my crush. Mukang alam ni Sophia ang nararamdaman ko kay Carlo since she never stopped teasing me about it on her own ways. Parang kapatid ko na kasi si Sophia, we grew up together and she was the one who brought me out of my own shell, even when my autism back then was evidently showing, ngayon medyo nakokontrol ko na ang ilang parts of my autism mannerism. I learned to be more socially communicative, yun nga lang I still tend to be silent and be on my own world kaya minsan nababansagan akong snob lalo na ng mga dalagang gustong magpapansin sa akin sa bayan namin where we grew up.


"Are we there yet?" inip na tanong ni Janet.

"A few more hours drive," sabi ko nang natanaw ko na yung pamilyar na desyerto sa labas ng Detroit City.


Habang hinihintay namin mkarating sa destinasyon namin, minabuti kong tumayo at lumapit sa kinaroroonan ni Carlo sa may bandang likuran.


"Hey," bati ko sa kanya.

Nakita kong naawkward siya sa akin pero ngumiti naman siya kahit papano, ang ganda ng ngiti niya.

"Hi," tipid niyang sagot, parang hindi ata alam kung paano makipagusap sa akin. Weird and here I thought I had the trouble communicating and socializing.


"Ok ka lang ba?" tanong ko sa kanya, of course concern din ako sa kanya, kanina pa kaya siyang nakaw ng nakaw ng tingin sa akin.


" Ah , Oo naman, bakit mo natanong?" kunot-noo niyang sagot.

"It's nothing, I'm just concerned that's all," sabi ko, " are we ok?"

Tinuro ko yung sarili ko at siya senyales na kaming dalawa ang tinutukoy ko kung ok ba kami, or if wala siyang issue sa akin or ano man. Nang tinanong ko siya bigla kong naramdaman ang pagbilis ng tibok niya at ang overwhelming sensation of paghanga? shyness? Kinontrol ko na lang yung ability ko na ishut-off ito bastat malapit ako sa kanya. Nakakaapekto masyado sa akin ang emotions niya.


"Oo naman we're ok, bakit hindi ba tayo ok?" takang tanong ni Carlo.

Ngumisi naman ako sa kanya and nakita kong namula yung pisngi niya, kakatuwang isipin may ganong effect ako sa kanya.


"Natanong ko lang kasi you've been acting weird around me," honest ko lang sagot at ningitian ko siya. Yun ang isa sa autistic side ko, I never lie and I'm always truthfully blunt to my words, kahit ano pa yun.


Napahawak sa leeg si Carlo na tila bang nahihiya ito at halatang namumula ang pisngi, kanina pa ata tong namumula, ang cute lang. His shyness is cute.


"Uhmm kasi, pano ko ba sasabihin ito, I just don't want na maging awkward ka sa akin or you might think I'm weird or-" hindi natapos ni Carlo ang sasabihin niya ng sumabat ako bigla.


METAHUMANS (pinoy boyxboy scifi/horror) [COMPLETE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon