"But I let you drift away... my love where are you?" Dos, hindi na ba talaga maaayos?

"My love where are you..."

"Whenever you're ready,
whenever you're ready..."

Maghihintay pa ba ako?

"Whenever you're ready,
whenever you're ready..."

O talagang ikaw 'yung tipo ng tao na pang panandalian lang?

"Can we, can we surrender?
Can we, can we surrender?"

Napapikit ako.

"I surrender..."

Tumigil ako sa pag string ng gitara at huminga nang malalim. Saglit kong pinahid ang luha ko at muling kinalabit ang gitara.

"No one will win this time
I just want you back
I'm running to your side
Flying my white flag, my white flag
My love where are you?"

"My love where are you?"

Dos, ayokong magtanim ng galit sa'yo pero ang sakit.

Nabitawan ko ang gitara at napahagulgol. Hindi ko alam kung mapapatawad ko siya sa ginawa niya sa akin. Habang buhay nang nakabaon ang sakit na 'to sa puso ko. Nilagyan niya ng lamat ang puso ko. Binigyan niya ng sugat na kahit sino ay walang makakatanggal.

Napahawak ako sa puso ko. Ang sakit sakit. Paulit-ulit kong hinahampas 'yon habang sumisigaw sa isip ko ang tanong na bakit niya ako iniwan? Bakit niya ako sinasaktan nang sobra?

Anong maling nagawa ko para saktan niya ako nang ganito? Nagmahal lang ako.

Tulala akong umuwi sa bahay. Hindi ko alam kung bakit kahit sobrang winasak ako ni Dos ay mahal ko pa rin siya.

Sana kung gaano kabilis nagmahal, ganoon din kabilis makalimot.

"Ate, ang lungkot..."

Napatingin ako kay Seven. "Bakit?"

"Magpapasko na... pero sabi ni Papa hindi siya uuwi rito para mag noche buena."

Uminom ako ng tubig. Magsasalita na sana ako pero biglang dumating si Mama.

"Hindi na babalik ang papa niyo. Tanggapin niyo na lang na sira na ang pamilyang 'to, Seven, Selene." Umupo siya sa sofa at tinanggal ang suit niya.

"Ma, babalik si Papa. Sabi niya babalik siya sa at—"

"Hindi na nga! Hindi na siya babalik! Hindi ko na siya tatanggapin!" galit na sigaw ni Mama kaya napalunok ako.

Nagulat ako nang biglang umakyat si Seven sa kwarto niya. Tumayo ako at hinarap si Mama.

"Ma, ano ba?! Sinasaktan mo lang si Seven! Umaasa pa rin siyang mabubuo 'tong pamilya natin!" sigaw ko kaya seryoso siyang tumingin sa akin.

"Wala kang karapatang sigawan ako, Selene! Hindi kita anak!"

Natigilan ako. Parang tumigil ang pintig ng puso ko. Alam kong hindi siya ang biological mother ko pero ang sakit marinig 'yon mula sa kanya. Tinuring ko na siyang magulang.

Mapait akong ngumiti. Nakita kong parang nagulat siya sa sinabi niya kaya napatayo siya.

"G-galit ka lang, Ma... galit ka lang kaya mo 'yan nasabi..." Mabilis akong umakyat papunta sa kwarto ko.

Hindi pa ako nakakapasok ay narinig ko nang nagbasag siya ng gamit pero hindi ko na siya nilingon. Pagpasok ko ng kwarto ay pinunasan ko ang luha ko. Ayokong ma-stress. Ayokong mapahamak ang anak ko.

Makalipas ang isang oras ay bumukas ang pinto at pumasok si Seven. Ngumiti siya sa akin. Umayos ako at umupo sa kama. "Bakit?" tanong ko nang umupo siya sa tabi ko.

Loving the Half Moon (Formentera Series #1)Where stories live. Discover now