Ang alam ko lang ay nawalan ako nang malay tapos biglang boom! Nandito na agad ako. Paano naman ako makakapunta sa bahay na ito? Paano ako makakapunta sa lugar na ito kung wala naman na talaga ito.

Hindi kaya? Omg! Hindi panaman yata ako patay no?! Sa sobrang takot ko ay bigla akong tumalon sa kama ko. Napataas ang kilay ko nang maramdamang malambot na ito. May himala na talaga ano?

Muling nanlaki ang mata ko nung marealize na nasa nasunog ako na bahayTakot na takot akong nag tuklob ng kumot. Jusko naman! Ayoko pang mamatay! Kung nakaka matay naman pala ang halik ni Antipatiko hinding, hindi na ako mag papahalik sakanya! Juiceko ang laki na nang kasalanan ko ayaw ko nang dagdagan.

Hindi pala si Antipatiko ang humalik sa akin ako pala ang humalik sakanya. Lord naman. Halik lang naman! Ang mahal naman nang bayad sa halik ni Antipatiko. Buhay ko! Buhay ko ang bayad sa punyetang halik nayon. Letche.

"Hay nako kayong mga kabataan talaga, napaka daming problema sa mundo tapos yan, yan lang ang iniintindi nyo." Nanlaki ang mata ko nang makarinig ako nang pamilyar na boses. Mabilis kung hinagis ang kumot na nakataklob sa akin at nag balikwas nang tayo. Nanlaki ang mata ko nang makita ang pamilyar bulto at wangis.

"YOU?!" Malakas na saad ko habang nakaturo sa lalaking nasa harap ko. Nakangisi naman itong tumango tango. "Bakit Reighn Yverdei? Kamusta ang bakasyon mo rito sa San Andres?" Natatawang saad nito. Napapikit naman ako sa inis.

Volviendo Al Pueblo HundidoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon